Share

Chapter 68

Hindi ako masyadong nakatulog sa mga sinabi ni Rita kagabi sa akin. Naiintindihan ko na nagseselos siya pero sa tingin ko ay hindi niya binitiwan ang mga salitang 'yon para lang layuan ko si Kit.

"Zehra, are you okay? you are spacing out."

Palabas na kami ngayon ni Lianna sa resthouse, hindi na ako nakatulong sa kanila sa pag-aasikaso ng mga pagkain na dadalhin kanina dahil tinanghali ako ng gising. Hiyang-hiya pa ako, ang usapan ay alas siyete lalabas na pero halos mag-a-alas siyete nang magising ako.

"Ayos lang, huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga ang dapat tinatanong ko kung ayos ka lang ba?"

Sinabi niya sa akin kanina na siya daw ang nagluto ng almusal, tinulungan rin daw siya ni Tristan na maghanda ng mga pagkain na dadalhin. Ang sabi ko ay bakit hindi niya ako ginising, hindi na raw niya ginawa dahil puro na lang daw ako ang nag-aasikaso sa kanila at naging tagapagluto.

Wala naman kaso sa akin.

"I am okay! Maganda naman ang tulog ko, and actually last night Kit went to my room b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status