Share

Kabanata 29 Napakasama at Lupit Niya

Naiwan si Daniella sa ospital habang tulala. Hindi nagtagal para mapagtanto niya kung sino ang makakapagmadali kay Evan, maliban kay Caroline.

Bakit ang taas ng tingin ni Evan kay Caroline? Walang hiyang kabit lang naman siya.

Habang malungkot ang itsura, napagdesisyunan ni Daniella na sapagkat ayaw niyang iwan ang lalake niya, hindi siya dapat sisihin sa pagiging malupit niya…

*

Matapos ibigay ang lokasyon niya kay Evan, kalmadong inilagay ni Caroline ang phone niya sa bulsa. Delikado ang tumalon mula sa sasakyan. Kailangan niyang mag-isip ng kalmado.

Pumikit si Caroline habang nakasandal sa bintana ng sasakyan, iniisip kung paano kukumprontahin ang sitwasyon.

Matapos ang sampung minuto, tumigil ang sasakyan.

Tumingala siya at nakita ang isang sira-sirang warehouse sa harapan niya.

“Lumabas ka ng sasakyan!”

Bigla bumukas ang pinto ng sasakyan at hinatak siya ng lalake.

Nagkunwari si Caroline na natatakot at tinignan ang hindi kilalang lalake. “Sino ka? Bakit mo ako dinala dito?”

Ngumi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status