Share

Kabanata 294 Panoorin Sila

Inobserbahan ni Caroline ang reaksyon ni Naomi, pero ang natanggap lang niya ay walang emosyon na pagtango.

Umiwas siya ng tingin at tinapik ng mahina ang balikat ni Naomi. “Naappreciate ko ang effort mo. Sa oras na maganda na ang estado ng kumpanya, sisiguraduhin ko na tataas ang suweldo mo.”

“Salamat, Ms. Shenton,” sagot ni Naomi.

*

Nagmadali si Caroline pabalik sa Bayview Villa at isinama palabas si Jamie para lumanghap ng sariwang hangin. Inilibre niya sa labas si Jamie para kumain, ito ang susi para mapainom siya ng gamot.

Matapos makita na okay na si Jamie, siniguro siya ni Caroline, “Naiintindihan ko na nakakabagot ang manatili sa bahay, Jamie. Pero, kailangan ko magtrabaho para kumita ng pera. Pangako na isasama kita everyweekend para maglakad kasama ka sa gabi kapag libre ako. Okay ba iyon?”

Tinignan ni Jamie si Caroline habang nalulungkot ng kaunti. “Carol, naistorbo ko ba ang trabaho mo ngayon?”

Prangka ang sagot ni Caroline, “Oo.”

Hindi siya nahiya na sabihin ang to
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status