Share

Kabanata 72 May Maiinom Ka Ba

Sumigaw si Daniella, puno ng galit ang boses niya. “Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ni Evan?”

“Oo, baka hindi niya ako paniwalaan, pero…”

Hindi mapigilan ni Caroline na tignan ang lumalaking tiyan ni Daniella noong nagsalita siya. “Kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa pakikiapid mo, sa tingin mo maghihinala siyang hindi kanya ang bata?”

“Kalokohan!”

“Oh, mukhang nakakalimot ka na. Nakalimutan mo na ba si Nic, na ikinama mo?” panunukso ni Caroline.

Namutla si Daniella. “Puro ka kalokohan, Caroline!”

Lumaki ang ngiti ni Caroline. “Bakit ka kinakabahan? Guilty ka ba?”

Sa sobrang galit, hinampas ni Daniella ang lamesa at dinuro si Caroline. “Sa tingin mo ba paniniwalaan ka ni Evan base lang doon? Naniniwala ka ba talaga na masisira mo ang relasyon namin ng ganoon kadali? Bulag ka ba at hindi mo nakikita kung paano niya ako tratuhin kumpara sa iyo?”

Galit na lumabas ng pinto si Daniella dahil sa takot na baka mawalan ng kontrol si Caroline at sampalin siya muli. Bago isarado ng malakas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status