Share

Kabanata 12 - Rialacande

Naramdaman ko ang maliliit na yabag na papalapit sa amin. "Heto na ang mga kasuotan." Napalingon ako kay Livia na daladala ang isang katutak na damit na nakalagay sa isang basket.

Pansin ko na kakaiba 'yon sa mga naka-display dito sa labas. "Iyan na ba lahat?" tanong ng prinsipe.

"Oo mahal na Prinsipe," sagot ni Livia at ibinaba ng walang kahirap-hirap ang dalang basket sa sahig.

May dinukot na kung ano si Leonardo sa kanyang bulsa, ginto?

"Ito ang aming bayad," wika ni Leonardo sabay abot ng mga ginto sa maruming kamay ni Livia.

Nanlaki ang mata ni Livia sa inabot ni Leonardo. "Sobra sobra ito Leonardo," hindi makapaniwalang saad ni Livia.

"Oo at 'yong sobra ay kabayaran para kalimutan mong nangyari ito sa buhay mo."

Nagulat ako sa biglang pag-iba ng tono ng boses ni Leonardo.

"Wala kang pagsasabihan na nakita mo ang binibining kasama namin ngayon o kahit pumunta kami dito. Ibabaon mo sa hukay ang pangyayaring ito, tandaan mo. Buhay ng iyong ina ang nakasalalay dito." Nanigas ako sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status