"Hindi ko ito sinasabi sa'yo para takutin ka kung hindi para mas mag-ingat ka sa bawat galaw na gagawin mo sa mundong 'to. Naririto ang Uno para samahan ka." Napalingon ako kay Wyomia."Salamat," wika ko at bahagya naman itong tumango.Napatakip ako sa aking tenga noong may biglang tugtog na umalingawngaw. "Magandang gabi muli sa inyong lahat." Nakita ko ulit 'yong kaninang nagsalita sa unahan."Pagkatapos ng mahabang pag-iintay ay ibinibigay na namin ang pagkakataon na ito sa inyong lahat upang isayaw ang inyong mga natatanging kapareha o iniirog." Nagpalakpakan ang lahat at kita ko ang tuwa sa mukha ng mga bampira."Alam kong ito na pinakahihintay n'yo kaya naman..." Tumingin ang nagsasalita sa banda at awtomatikong nag-iba ang genre ng tugtog. Napalitan ito ng himig na sobrang lamig sa pakiramdam at napakasarap pakinggan. Nag-iba rin ang awra ng buong paligid.Napalingon naman ako sa aking mga kasama sa lamesa. Isa isa silang tumayo at kumuha ng kanilang kapareha. Teka? Paano ako?
Napatulala ako sa sinabi n'ya, nakangiti ang labi n'yang sinambit 'yon sa harap ko. Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman ang kaligtasan ko sa mga bisig n'ya. May tila humaplos sa aking puso kasabay ang mga himig ng tawanan ng mga batang bampira. Malapit ang mga mukha namin at parehas na nagsasaluhan ng mga titig."Mukhang nagkakasiyahan kaya mas maganda kung sirain."Sabay kaming napalingon ni Prinsipe Lucas sa biglaang nagsalita sa 'di kalayuan suot ang nakakatakot n'yang awra."Allecc?" sabay naming saad kaya naman mabilis kaming naghiwalay ng katawan ng Prinsipe habang s'ya naman ay ibinaba si Otto."Anong ginagawa n'ya rito?" bulong ng isang batang bampira."Ang ganda ng inyong mga tingin sa isa't isa," nakakalokong saad nito habang mabagal na papalapit sa pwesto namin.Naitapon ko sa ibang parte ang tingin ko sa sinabi ni Allecc."Pwedeng makisalo?"Nangunot ang noo ko, anong sinasabi n'ya?~*~Tahimik kaming talo habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang matitipuno
Pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Mahal na Prinsipe, Allecc huminahon kayo.""Hindi ko maisip kung hindi ka lang Prinsipe baka kung ano na ang magawa ko sa'yo ngayon." Napapikit ako dahil wala man lang akong magawa para pigilan sila. Wala na ring bampira sa paligid na puwedeng tumulong sa amin."Kung ang dahilan mo lang ay Prinsipe ako para patulan mo ako, handa kong ibaba ang katungkulan ko para tapatan ka.""Mahal na Prinsipe," suway ko dahil kung ano-ano na ang nasasabi niya."Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo ang linyang ito? Pero anong ginagawa mo? Tatalikod at tatakbo ka dahil duwag ka." Hinawakan ko ang malaking braso ng Prinsipe dahil habang natagal ay nalala ang tensyon sa pagitan nila."Duwag ka Allecc, wala kang paninindigan. Ang alam mo lang gawin ay ang utos ng Rex at Regina."Hindi ko maipaliwanag ang mukha ni Allecc ngayon. Ang galit at pagkasuklam ay nararamdaman ko sa kanya. Hindi ito nagsalita at patuloy lamang na nakatingin ng masama sa Prinsipe."Prinsipe Lucas!
Humarap sa akin ang lalaking aking sinusundan at nagpalinga-linga sa paligid na tila ba may bampira bang nakakakita sa amin."Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. Malinis at malaki ang espasyo dito."Sumunod ka lang," saad nito at lumapit na ng tuluyan sa harap ng malaking pinto. Ano bang trip n'ya? Baka madali kami ng Prinsipe kapag nalaman n'yang wala kami sa kasiyahan. Talagang itong lalaki ang aking sisihin."Aine? Aine..."Lumapit ako sa tabi n'ya nang magsalita ito sa tapat ng kahoy na pinto. Tila may tinatawag sa loob."Aine, ako 'to."Napakamot naman ako sa aking ulo. "Hindi ka n'ya maririnig kung gan'yan kahina ang boses mo," sabat ko. Sa laki at kapal ba naman ng nasa harap n'ya ay imposibleng may makarinig no'n sa loob.Naptingin ito sa akin, walang ekspresyon pero ramdam ko ang inis sa mga titig n'ya.Napabuntong-hininga ito at kinatok ng malakas ang pinto. "Aine! Lumabas ka d'yan!"Napatakip naman ako sa aking tenga nang bigla s'y
Napadighal ako sa sarap ng pagkain. Napapunas ako sa aking noo na may iilang pawis. Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil makaraan ang ilang araw ay nakakain na ako ng matino. Naramdaman ko naman ang tingin ni Aine sa aming tabi ni Guide. Nakatingin ito sa akin na mahahalata ang mangha sa kanyang biluging mata. Kahit na mata lamang ang makikita sa kanyang mukha ay hindi natatabunan ang kanyang emosyon.Dinaan ng hinlalaki ko ang gilid ng aking labi sa duming naandon. Kahit ako ay mangha pa rin sa pisikal na anyo ni Aine. Hindi ko alam na may nabubuhay pa lang ganoon. Narinig ko naman ang mahinang pagbagsak ng mangkok sa kahoy na lamesa sa aking harapan.Nakita ko si Guiden na busog na busog na. Tulad ko ay kumain lamang ito nang kumain, wala kaming imikan habang si Aine ay labas masok sa tila kusina para magbigay pa ng pagkain."Ang bayad ng mga ito ay sabihin mo kay Cleeve. S'ya ang bahala dito," saad ni Guiden habang ang kanyang ulo ay nakatingala sa mataas na kisame at nakahawak sa
Mas naliwanagan ako sa mga nangyayari sa aking paligid habang ang aking mata ay pinagmamasdan ang apat na miyembro ng Tres na nag-uusap. Hindi ko pa man tuluyang kilala ang Tres ay malinaw na sa akin na hindi nila katulad ang Uno. Madaling pakisamahan ang Tres habang ang Uno ay hindi. Hindi ko pa man tuluyang nalalaman ang ganap o tungkulin nila sa Faber ay masaya ako dahil nakilala ko na sila. Napaisip naman ako kung ano ang ugaling meron pa ang iba pang taga-Tres.Narinig ko ang katok sa malaking pinto. Mabilis ang pagkakakatok ngunit ramdam na walang galit sa mga katok na 'yon."Ang amoy na 'yon," rinig kong nagsalita si Zale. Napatayo naman ako dahil ramdam kong kilala ko ang bampirang nasa likod ng pinto na 'yon."Tila sinusundo ka na Cenn ng tagapangalaga ng Prinsipe," wika ni Yuka. Bahagya akong napatango."Pasok ka Leonardo," sigaw ni Fox.Walang ano-ano ay biglang pumasok ang katawan ni Leonardo. Napadapo ang tingin nito sa akin. "Hindi nga nagkakamali ang Prinsipe Lucas at n
Nawala ang usapan na namamayani sa amin at tila nag-aantay sa mangyayari. Napatingin ako kay Monica nang itoy maglakad pauna sa harap. Hinawakan ng kanan n'yang kamay ang pader at itinulak ito ng bahagya. Bumukas ang pader sa isang katamtamang laki ng pinto ng dahan-dahan.Gumuhit naman ang mangha sa aking mukha, hindi ko man lang napansin namin pinto pala do'n. Talagang walang maghihinalang ito ang himpilan ng Uno at iisipin lamang ng iba na isa itong dead end.Walang imik na isa-isa kaming pumasok doon. Sumalubong sa akin ang makipot at madilim na daan. Mga lampra lamang sa tagilirang ng daan ang nagsisilbing liwanag sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at mayamaya pa ay bumungad sa akin ang maluwang na espasyo ng lugar. Marami ang upuang maganda ang pagkakalagay na nagbibigay ganda sa kabuuan ng lugar. Kapansin-pansin ang napakalaki at napakahabang lamesang kahoy sa bandang gitna.May sampong lamesa at upuan na nakapalibot sa lugar na halatang pagmamay-ari ng miymebro ng Uno na t
Nakita ko ang mga mata ng Prinsipe na napapikit at ramdam ko ang paghinga nito ng malalim. Isang kaginhawaan ang nakabalot sa kanyang mukha. Pinag-isa ko ang aking kamay na kanina pa naliligo sa pawis."Hanggang ngayon ay hindi n'yo pa rin ako binibigo, natatangi kayo. Ang Uno ay mananatiling Uno," wika ng Prinsipe na kinatango ng karamihan."Ngunit..."Napalingon ako kay Cleeve nang magsalita ito. Napaltan ng pagkabahala ang kanina'y masaya n'yang mukha. Tumingin ito sa Prinsipe. "Alam ko ang kaya nating gawin, Uno ay Uno ngunit hindi natin nasisigurong isang daang porsyento ay magtatagumpay tayo sa balak natin."Doon napabagsak ang aking balikat, alam ko na 'yon una pa lang ngunit hindi maalis sa akin ang kaba. "May punto ka ngunit sa tingin mo ba hahayaan nating mangyari 'yon?" sambit ni Mathias."Sa rami na nating napagdaan at misyong natagumpayan ay sa tingin ko ay magagawa natin ng matagumpay ito," dugtong nito.Napalingon si Atlas kay Mathias. "Oo tama ka, Mathias. Ngunit hindi