I feel like I just ruined my life by tying the knot with this Attorney. As if naman na sasama nga ako sa bahay niya bukas. Ngayon pa nga lang tatakas na ako.
Pasimple kong sinilip ang main door ng café at balak na takbuhin iyon agad. Humakbang na ako ng isang beses, natigilan nga lang nang may humawak sa palapulsuhan ko.
"Where do you think you're going, Savvy?"
Hinila ako nito palapit sa kanya at agad na inikot ang matipuno niyang braso sa bewang ko.
"Bakit ba?! Uuwi na ako! Tapos na ang kasal!"
"Not yet, Savvy. What else is the purpose of your red lips if we don't take pictures? As I told you, this will only happen once in my life, and I want remembrance."
I laughed sarcastically as I looked at him. He gazes at me as if he really does love me.
"Sana pala nag-artista ka. Ang galing mong umarte." Ngumisi ako at bahagyang tumingkayad upang mas lumapit sa kanya habang siya'y sa pulang labi ko natutok ang tingin.
"Okay, good shot! Isa pa! Kiss naman!"
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Attorney Santiago at sa muling pag-flash ng camera. Balak ko itong pigilan sa pagkuha ng litrato ngunit nauna pang kabigin ni Delton ang batok ko at muling nagnakaw ng halik.
And damn those invisible butterflies. They were spread throughout my system, using all of my energy.
"Nice shot! It looks romantic," ani pa ni Attorney Santiago.
Doon pa lang ako binitawan ni Delton. Tulala pa ako at pilit hinahabol ang aking paghinga at pilit binabawi ang lakas kong naipasa yata sa kanya.
"Sweet, Savvy. I'll frame these."
Marahas kong pinunasan ang labi at inirapan ang pinakita niyang mga kuha. Mas matutuwa pa ako kung susunugin niya ang mga iyon.
Napailing ako at bumalik sa naunang plano. Humakbang muli ngunit natigil nang higitin niya muli ang palapulsuhan ko.
Ang tanga, Sage! Bakit ko ba nakalimutang hawak niya ang palapulsuhan ko?!
"Ano na naman?!" kunwaring angil ko.
"Shouldn't I be the one asking you that, Savvy? Where else are you going again?" Naningkit ang tingin niya at tinikwas pa ang kilay.
"Huh, mag-ba-, magbabanyo. Bakit bawal magbanyo?" Tinaas ko ang kilay ko upang pagtakpan ang kabang nararamdaman ko.
May exit naman siguro sa banyo, doon na lang ako lalabas at mag-aabang ng sasakyan.
Halos pumalakpak ako nang tumango siya. Nilingon pa nito ang babaeng staff at tinanong kung nasaan ang banyo.
"This way, Sir." Tinuro nito ang papuntang kusina, "Then turn left," anito.
Tinanguan ko ang staff kahit hindi ako ang kausap niya. Binitiwan rin ni Delton ang palapulsuhan ko kaya't hindi ko na mapigil ang mangiti habang tinutungo ang banyo. Ganoon lang pala kadali. Sana pala kanina ko pa naisipang magbanyo.
Bago pumasok ay hinanap ko pa kung may exit nga at napangisi na ako nang makitang meron. Kapag nakaalis na ako ay mamimili na lang ako ng damit sa tiangge. Pwede na ang mura habang wala pang trabaho.
Pumasok na ako sa banyo at naghugas ng kamay. Binura ko rin ang pulang lipstick bago nag-apply ng kulay rosas. Maingat ko pang binalik sa bag ko ang lip tint. Bahagyang nagsuklay ng buhok, at ngumiti sa salamin.
Nang satisfied na ako ay natutuwa pa akong lumabas kaya lang kusa rin naglaho ang ngiti ko nang bumungad sa harap ng pinto si Delton. Seryoso habang nakasandal sa gilid ng pader. Malas pa na nakapwesto ito kung saan banda ang exit.
"Are you done? Can we go now?" patay-malisyang tanong nito ngunit ang mga mata niya ay nasa kulay rosas kong labi.
"Have you changed your lipstick?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Hinayang ako na hindi man lang nakalabas sa exit. Nabura ang plano ko kanina. Ang saya ko ay nawala. Naikuyom ko ang kamay sa kagustuhang magwala. Dapat pala hindi na ako pumasok ng banyo at dumiretso na lang sa exit!
"Breathe, Savvy. You're not breathing," may pag-aalala sa boses nito.
Natauhan ako at napahinga nang malalim. Pikit-matang humakbang pabalik sa main café.
"Saan pa tayo pupunta? Gusto ko nang umuwi," mahinang bigkas ko.
Nawalan na ako ng gana at gusto ko na lang magpinta. Kung minamalas ka nga naman. Tsansa na, nawala pa.
"We'll be having our reception-"
"Ang dami mo namang ganap. Pirma lang ang binibigay ko at hindi ang buong oras ko!"
"And so? If you don't take this seriously, well, I do. Don't ruin my wedding day, Mrs. Carancho."
Natahimik ako at bahagyang tinamaan ng konsensya. Hindi ko na magawang magprotesta nang alalayanan ako nitong sumakay sa itim niyang sasakyan.
Sa bintana ang tingin ko kahit pa ramdam ko ang pag-ayos niya sa seatbelt ko.
"We'll dine at a five star-restaurant, then I'll drive you home."
Ibang-iba ito sa plano ko. Isa pa, mas mahirap tumakas sa isang resto na bilang lang ang tao. Pwede pa sana kung sa maraming tao.
Kusang nagliwanag ang isip ko sa naisip. Napanguso at napangisi kalaunan. Maybe I can still change the reception venue. Pwede naman sigurong sa maraming tao.
Tumikhim ako at hinarap siya. Seryoso ang tingin niya sa daan, at malinaw sa paningin ko ang pagkakadepina ng kanyang panga. Bahagya pang nagsalubong ang kaniyang kilay. Tingin ko ay wala pa siya sa trenta. Tila nagmukha lang siyang matured dahil sa trabaho.
Huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Doon ako napalingon sa paligid at sinantabi na muna ang naisip na maraming tao. Pwede naman siguro akong bumaba at tumakbo paalis. Stuck siya sa traffic at malabong iwan niya ang sasakyan o habulin ako.
I cleared my throat, then held the car door. Sinulyapan ko siya at tahimik lang siyang nakatingin sa unahan. Bahagya pang nakaangat ang gilid ng labi niya na tila may magandang naiisip. Nakapirmi rin ang mga kamay niya sa manibela.
This is the chance. Hindi naman siguro niya agad mamalayan kung nabuksan ko na ang pintuan.
Pikit-mata at marahan ang pagsubok kong pagbukas sa pinto ngunit nadismaya nang matantong lock iyon. Ilang beses ko pang sinubukan ngunit lock talaga.
"I told you, I now what's on your mind, Baby. Try harder." Ngumisi siya at pinaandar na muli ang sasakyan nang umusad ang traffic.
Nakagat ko ang labi sa inis. Marahas ko siyang nilingon at hinampas ang dashboard ngunit hindi siya natinag.
"Walang reception sa usapan, Delton! At isa pa ayaw ko sa five-star restaurant!"
"Hm. So where do you want to eat, Savvy?"
Naniningkit ang tingin niya sa daan at bahagyang nakanguso, tila hindi naman sineseryoso ang sinasabi ko. Pero kahit na, isang chance pa para tumakas at magsimula ng bagong buhay. Balak ko rin pasunurin si Andres kapag stable na ako. Dapat kasi si Andres na lang!
"Gusto ko sa fastfood. Sa mall."
"Alright. Fastfood and Mall, Mrs. Carancho," bigkas niya na tila nilaro lamang sa mga labi niya ang pagtawag sa akin.
Nangilabot ako roon at natahimik. Masarap naman sa tainga pakinggan pero hindi ko aaminin iyon lalo pa't tila humagod sa balat ko ang boses niya.
Tanaw ko pa lang ang Mall ay umiikot na ang isipan ko sa plano. Hahayaan kong siya ang pumila para makapuslit ako. Hahalo ako sa mga kumakain at tatakbo paalis. Sasakay ng jeep at bahala na kung saan ako makarating.
Napangisi ako at muling bumalik ang sigla sa malapit na pagtakas. Mahinhin pa ako kunwari nang pumasok kami sa Mall. Dumiretso sa fastfood na halos puno na at mahaba ang pila. Hindi na nga ako nagreklamo nang hawakan niya ang palapulsuhan ko't igiya ako sa may dulong mesa. Tinantsa ko ang layo sa main entrance at kakayanin naman.
"Stay here. I'll order."
Simple akong ngumiti at hinayaan siyang pumila. Nang humalo na siya roon ay humigpit na ang hawak ko sa slingbag, halos mangati na rin ang mga paa kong tumayo. Nilayo ko nang kaunti ang mesa bago tuluyang tumayo, yumuko at humakbang.
Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay maraming itim na sapatos na ang nakita ko sa sahig. Natigilan ako at napaangat ng tingin, para lang makitang napapalibutan ng mga crew ang mesa at walang akong takas. Halos kalahati yata ng crew ang nasa harap ko.
"Uhm. Ano'ng meron?" kunwaring tanong ko.
"You didn't behave, didn't you?" boses iyon ni Delton.
Sumingit ito sa gitna ng mga crew habang may kasunod na dalawang crew na naglapag ng pagkain. Napipika ko siyang nilingon. Wala pa ngang limang minuto ay nakabalik na at nakakausap na ng mga kakampi.
"Bakit bawal na bang tumayo?" asik ko.
Kiniling niya ang ulo dahilan upang mag-alisan ang mga crew. Tanaw ko pa ang ilang kumakain na nakatingin sa mesa namin dahil sa nangyari.
"If that's really your intention, but no, you want to escape, don't you?"
Umupo siya at inayos ang maraming pagkain sa mesa.
"I mean, we're already married, so why escape?" dagdag pa niya.
"I'm not escaping-"
"Should I believe that? Kahit saan ka pa magpunta, kasal na tayo-"
"Oo na! Kasal na! Kasal na kasal! Wala naman akong angal doon!"
Natahimik ito ngunit ang titig sa akin ay naniningkit.
Totoo namang wala akong pakialam na kasal na kami. Gusto ko lang namang lumaya at sundin ang gusto ko sa buhay. Gusto ko lang naman magpinta sa ibang lugar.
"Very married, Baby. And you do know that if ever you escape, your parents will automatically go behind bars, Savvy. Ako mismo ang magpapasok sa kanila roon," malamig niyang tugon na tila ba siya mismo ang nag-akusa sa mga magulang ko.
"What's the point of naming the company after your name "Sage" if you will only disappoint them?" he mocked.
Napalunok ako at unti-unting umupo. Ang maisip pa lang na naghihirap sa presinto si Mommy at Daddy nakakapanakit na. Saka na ko tatakbo kapag wala na ang kaso. Maybe by that time, Delton had already found someone he could marry for the second time around.
"Eat now. I'll send you home after this. Savvy, fix your things, sleep early, and wait for me when the sun rises."
|Y_S|
"Bye, huwag kang mag-ingat," labas sa ilong na bigkas ko bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya."Bye-"Hindi ko na hinintay na matapos pa ang sasabihin niya at sinara na agad ang pinto. Batos na kung bastos pero masama ang loob ko. Ang dami niyang nilabag at tapos ano? Gusto niya talaga akong tumira sa bahay niya? Baka mamaya sa barong-barong lang pala siya nakatira.Barong-barong pero may sasakyan? Na-huh.Walang lingon-likod akong humakbang at hindi na kumaway pa sa kanya ngunit hindi ko mapigilan ang sumigaw matapos niyang bumisina nang malakas. Salubong ang kilay na nilingon ko ang sasakyan niya. Nakasungaw na sa bintana ang ulo niya at madilim sa akin ang tingin."Ano na naman? Pwede ba umuwi ka na!"Instead of getting irritated or annoyed, he flashed his smirk at me."I'll go home after you enter your room." Tinanaw pa nito ang kwarto kong madilim.Mahina akong natawa at naipagkrus ang mga kamay sa harap ng aking dibdib,
Hindi ako makalma sa kaisipang magtatabi kami sa kama. Kung siya si Andres, gora agad. Pero kung si Delton? Delikado. Halik nga ninanakaw niya, puri pa kaya? I stayed on the sofa the whole day, waiting for his secretary to go home. They spend the whole day together. I guess they are newlyweds. That's why when she's about to go home, I breathe satisfyingly. I even stared boredly at how she finger combed her bouncy, curly hair. Hindi ko nga maiwasang ikumpara iyon sa buhok kong tuwid at blonde. Tingin ko mas may buhay ang sa kanya. Nang mawala na siya sa paningin ko ay hindi ko pinansin si Delton kahit pa nasa akin na ang atensyon niya. Humihikab lang akong umakyat, dumiretso sa master's bedroom pero hindi tuluyang pumasok. Bakit ba ako susunod sa kanya? May tatlo pang extra na kwarto, pwede naman siguro sa guestroom. Sa naisip ay mabilis akong pumihit paharap para sana kausapin ito ngunit dibdib na niya ang naharap ko. Nasa tapat ko na ito, nak
Ilang beses kong tinabon ang mukha sa unan nang parang sirang plaka na umuulit sa isipan ko ang halikan. Ang lambot ng mga labi niya ay kaibahan sa matigas niyang awra. Pakiramdam ko nga ay nararamdaman ko pa ang tamis ng kanyang dila."Sage, matulog!" impit kong sigaw ngunit paglundo ng kama ang naramdaman ko."If you can't sleep on the bed peacefully beside me, then just hug me. You slept so well when you hugged me the last time," he mocked as I felt him moved closer.Napaangat ako ng ulo at nahihiyang umiwas ng tingin matapos mahagip ang mga labi niya."L-umayo ka nga, Delton! Kalmahan mo lang-""What, Savvy? Hindi ba dapat ikaw ang kumalma?" nalilitong tanong niya.Muntik ko nang masampal ang sarili dahil doon. Kasalanan ng mga labi niya kung kaya't hindi na matino ang isip ko. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa siya tatarayan."Uhm. Basta! Kumalma ka. Matulog ka tapos huwag ka ng magising, I mean tulog lang." Ngumiwi ako na
"Nag-asawa, magba-bahay din naman pala ng ibang babae," bulong ko habang inaayos ang canvas sa sala.Kinuha ko ang palette at umupo sa high-stand chair saka nilingon ang hagdan.Gabi na pero hindi pa sila lumalabas ng opisina. Ganito rin ba sila kahit noon pa? Secretary with benefits nga siguro.I pouted my lips and dipped my paint brush in the black paint.Gutom na ako pero nandoon pa rin sila sa opisina. Hindi ba sila kakain?I sighed as I started to let my brush touch the canvas and paint small dark circles in the middle.Nakagat ko ang labi sa pagpigil sa sariling katukin sila sa loob ng opisina. Pero hindi ko mapigilan ang sariling tumayo, binitiwan ang palette at brush bago umilang hakbang patungo sa hagdan.But I was taken aback when I saw him going downstairs, looking at me intently but with a little concern.Natigilan pa ako sa ki
Kinaumagahan kahit na duda ako sa ngisi ni Delton ay hindi pa rin maialis ang ngiti sa labi ko. Kahit nang kumakain ng almusal."What's with your smile?" he asked as he put some garlic rice on my plate."Huh?" Nilingon ko siya at tanging aburido niyang itsura ang nasilayan ko."Bawal bang ngumiti, Attorney?" Tinaas ko ang kilay ko na mas lalong kinakunot ng noo niya."I won't meddle with your happiness, just make sure I am part of it." Binaba niya ang hawak na kubyertos at mahinahong tumayo.My lips parted and I looked at him with disbelief, "Attorney, maybe you forgot that you asked for this mess. The fact that I agree with this without my heart, only means that I will never be happy with you—""Then, I'll make you happy. Who's your request again? Andres? Fine, I'll hire that Andres here. Check the garden at ten am."Iyon lang ang sinabi niya bago hinila ang coat niya sa sandalan ng upuan at tumalikod. Tuloy-tuloy pa ang lakad
He pushed me more against the wall and kissed me deeply. I felt weak when he caressed my waist as he nibbled my lower lip. He groaned a little and pushed himself closer to me, eating all of the space in between us and feeling his hard chest on mine. My hands crawled over his nape and hair, pulling his head back. His tongue delved inside, making the kiss much wilder.His lips brushed against my jaws, leaving sensual, sweet kisses on my ear. I even felt his hand travel onto my thigh and was about to put it on his waist, but I suddenly woke up from the sensation. My eyes opened and I realized what we were doing. The heat was still there, but my mind was winning this time.It hit me! He wants dirty things!Sa naisip ay mabilis agad ko siyang tinulak at marahas na pinunasan ang mga labi ko. Hindi niya inasahan iyon at namungay pa ang mga mata."Sa tingin mo ba ganoon lang iyon? Kiss and make-up?!"
That night, I let him sleep right next to me. closed enough to feel each other's bodies warm. I even let him hug me from the back while on the bed.But maybe it's not all enough. Yes, I could feel his body warm. It warmed mine, but didn't touch my heart or caress my soul. Instead, it made me feel weak, gloomy, unsatisfied, and lonely as it slowly crept inside me.It was strong enough that even if his hug tightened and he tried to make me feel secure, it turned out differently. It felt unsecured and unprotected. He was at peace at night, while I was not.I am just glad that he didn't take advantage of me. He was patient, even if it took me a few more days to finally live my life.Ilang beses akong nag-inat bago humikab. Maayos ko pang pinusod ang buhok ko at inayos ang racerback sando at leggings. Sa tingin ko ay kailangan ko ng sariwang hangin para naman bumalik ang sigla ko at bumalik din ang sigla ng bahay.I massaged my neck as I headed straight
"Uhm. You're griping me too much, Delton," mahinang bigkas ko nang maramdaman ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko.But it seems like he didn't listen to me when he hugged me more tightly. His strong arm is already at the top of my stomach."Why Andres, Savvy?" he said out of breath.Bumuntonghininga ako at pilit inaalis ang yakap niya, "Why not Andres, Delton? Sino ba dapat? Ang sabi mo kahit sino pwede kong isama, tapos ngayon parang nagagalit ka?" bahagya kong tinaas ang kilay kahit hindi niya nakikita.Doon na lumuwang ang yakap niya at inangat na ang ulo mula sa leeg ko. Agad akong tumayo at namewang sa harap niya."Why are you even stopping me from seeing Andres? Hindi naman ako tatakas—""How sure are you?" His lips formed a smirk as he looked at me intently, "You are escaping always at any given time. What more if you have your apprentice? Never gonna trust that Andres. Iuuwi ka rin noon sa bahay niya at ibabahay."T