Share

KABANATA 51.1

Unti-unting piniraso ang puso ko. Ni hindi na nga yata ako makahinga sa sakit at sa bawat pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"H-ow, Yaya? P-aano?"

Humagulhol ito at hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi.

"Y-aya, u-uwi po a-ko. H-indi k-o p-o k-ayang m-anatili l-ang d-ito."

Walang patid ang luha ko kasabay ng hagulhol ni Yaya. Hindi na ito makapagsalita at hindi ko na yata makakausap pa nang maayos.

"M-a'am S-age," ani nito bago namatay ang tawag.

Awang ang mga labing dumiretso ako sa social media account at tinawagan si Yaya para sa video call. Hindi naman ako nabigo at sinagot agad ang tawag ko ngunit si Andres ang lumitaw sa screen habang dinig ko ang pag-iyak ni Yaya Nenita sa gilid nito.

"Ma'am Sage, na-heart attack po ang Daddy niyo at hindi alam kung... kung gigising pa po," seryoso at sinserong balita muli ni Andres.

Kung masakit na kanina ay mas lalo pang sumakit ngayong dalawang tao na ang nagsabi sa akin. Hindi na ako halos makapagsalita sa kaiiyak. Ni hindi ko alam kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status