Gusto ko imulat ang mga mata ko, pero hinihila pa rin ako ng antok."Hmmm."Gusto ko rin ibuka ang bibig ko at hihingi ng tubig. Ramdam ko ang panunuyot ng aking lalamunan."T-Tu-...tu-big……"Napaigik naman ako dahil sobrang sakit ng aking katawan.Naramdaman ko na lang na may malambot na bagay na dumampi sa aking bibig. Agad ko naman dinilaan ang aking bibig na nabasa na ng kunti galing sa malambot na bagay.Agad ko naman iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang napakaguwapong lalaki.Ngumiti ito sa akin. "You want more?" aniya na patuloy na pinapatakan ng tubig ng pakonti-konti ang aking bibig.Litong-lito ako. "S-Sino ka?" tanong ko rito."I'm your personal Doctor," sagot niya at inayos ang aparato na nakakabit sa aking kamay."A-Anong nangyari sa a-akin? S-Sino a-ako?!" Umiiyak na tanong ko ulit.Nakakunot naman ang noo ng lalaki."You don't know your name?" aniya na seryoso ang mukha.Umiiyak na umiiling naman ako.Wala akong maalala! Hindi ko alam kung saan ako naka
SALVE Malaking katanungan sa kaisipan ko, kung ano ang kinalaman nila sa buhay ko. Lalo na iyong lalaking Koreano, na Gab ang pangalan. Lagi na lang siya dito sa hospital. Naging maayos na rin ang pakiramdam ko. Nakatayo na ako, mag-isa. "Good morning, Eleonor," bati sa akin ni Doc. Wala si Gab at lumabas ito. Bibili daw ito ng pagkain ko. "Nasaan si Gab?" tanong ni Doc. "Lumabas at bibili ng pagkain." "Ah. So, lalabas ka na bukas, at doon ka sa bahay ni Gab muna." Malapad naman ang ngiti ko. Sinabi na sa akin ni Gab. Doon daw muna ako sa bahay niya, habang wala pa akong maalala. "Okay naman ang lahat na test mo. Ang baby mo naman, healthy naman ito." "Thank you, Doc." Napatingin naman kami sa pinto ng may biglang pumasok. Isang napakagandang babae. "Putang-ina mo, Alcantara!" aniya na binatukan si Doc. "Damn, Annie! Sumosobra ka na! Nakakahiya kay Eleonor ang ginawa mo!" bulyaw naman ni Doc. Humarap naman sa akin ang napakagandang babae. "Anong nangyari sa mukha mo?"
Lumipas ang buwan at malapit na rin ako manganak. Bihira na rin umaalis si Gab. Si Doc.Miguel pa rin ang personal Doctor ko. Pumupunta ito lagi sa mansion. "Matagal na kayo magkaibigan ni Gab, Doc?" tanong ko kay Doc.Miguel."Noong nag-aaral pa kami ng high school sa US."Namangha naman ako. Sobrang tagal na pala. Kaya pala parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa."Doc?""Yes," nakangiting sagot naman. "Pangit ba ako?" tanong ko rito.Natigilan naman ito."N-No! I mean...hindi ka pangit, Eleonor.""Gusto ko na talaga maalala ang lahat. Gusto ko na makita ang pamilya ko."Napansin ko agad ang pananahimik ni Doc.Miguel."Ano ba talaga ang nangyari sa akin. Bakit nagkaroon ako ng amesia. At bakit sunog ang ibang parte ng katawan ko," mahinang saad ko naman.Napatingin ako kay Doc. Umiwas ito ng tingin.Napabuntonghininga naman ako. "Di kaya may gustong pumatay sa akin? Or baka naaksidente ako. Pero, Doc. Kung totoong Asawa ako ni Gab at kaibigan ka niya, dapat alam niyo
ELEONOR SALVE "ANG guwapo ng anak mo, Eleonor. Kamukhang-kamukha ni Gab," masayang saad ni Doc.Maguel sa akin. Ngumiti naman ako. Napatingin naman ako sa sanggol na masarap ang tulog sa aking tabi. "Magpahinga ka muna. Maya-maya nandito na si Gab," aniya ni Doc. Umalis daw si Gabriel dahil may biglang tawag ito sa kampo. "Bakit bigla ka natahimik?" nagtatakang tanong ni Doc sa akin. "Nanghihina pa ako. Puwede magpahinga muna ako?" mahinang saad ko rito. "Sure. Magluluto muna ako ng soup para bumalik ang lakas mo." Tumango naman ako. Pagkalabas ni Doc.Miguel, mahigpit naman ang pagkahawak ko sa bed sheet. "Mga hayop kayo!" nanginginig na saad ko. Hindi ko mapigilan umiyak habang nakatingin sa anak ko. "Aalis tayo dito, anak. Mga demonyo ang nakatira sa mansion na ito," diin na saad ko. Hinawakan ko naman ang maliit na kamay ng anak ng anak ko. Hindi maipagkakaila na mag-ama sila ni Gabriel. Nakuha niya ang mga mata ng Tatay niya. Ang matangos niyang ilong. Ang kan'yang kapu
"S-Salve?""Nay!" agad naman ako yumakap rito ng mahigpit."Jusko! Ang tagal-tagal mong nawala. Anong nangyari sa'yo!" palahaw na iyak ni Nanay.Si baby Geo naman, naiipit na ito sa aking braso."S-Salve, anak!" Napatingin naman ako sa lalaking may katandaan na ito."Tatay!"Napahagulhol naman ito pagkakita sa akin."S-Salve!"Hindi ko alam kung ilang minuto kami nagyayakapan."Salamat sa panginoon, ligtas k! Akala namin, kung ano na ang nangyari sa'yo!"Mapait naman ako napangiti. Hindi nila alam kung ano ang pinagdadaanan ko sa kamay ng lalaking lubos na pinagkatiwalaan din nila."A-Anak mo ba iyan?" tanong ni Nanay.Lumuluhang tumango naman ako."Ang guwapong bata naman! Napakaputi niya," agad naman ni Nanay kinuha sa akin si Baby Geo.Napatingin naman ako kay Tatay na napabuntonghininga ito."Nasaan ang ama niyan?" tanong ni Tatay."P-Patay na ho," mahinang sagot ko naman.Napakunot naman ang noo ni Tatay."N-Napatay po sa...ang ibig kong s-sabihin, napatay po sa ambush. Isa po s
SALVE"Geo!"Lakad-takbo ang ginagawa ko para lang mahabol ko ang aking anak."Mommy!""Geo, hintayin mo ako!"Kahit anong bilis ko, hindi ko pa rin ito maabutan."Mommy!""Geo?! Anak!" Hindi! Halos madapa na ako para lang maabot ko ang kan'yang kamay pero may lalaking humila sa kan'ya papunta sa madilim na lugar."Huwag! Geo, anak!!""Mommmy!!"Napabalikwas naman ako ng bangon na hapong-hapo. Pawis na pawis ang buong katawan ko."Salve, anak?" agad naman lumapit si Nanay at hinaplos ang aking mukha."Si Geo, nasaan siya?!" natatarantang tanong ko kay Nanay."M-Magpahinga ka muna anak, makakasama sa dinadala mo," mahinahong saad ni Nanay."Nanay, si Geo nga!" Umiiyak na saad ko naman.Napaluha naman si Nanay."Nay! Kunin natin ang anak ko!" Nagsisigaw na iyak ko naman.Napasabunot naman ako sa aking buhok. "Ang anak ko!!" "Salve."Napatingin naman ako kay Tatay."T-Tulungan niyo po ako! Kunin natin ang anak ko!"Lumapit naman si Tatay. At bigla akong sinampal ng pagkalakas."Magpah
SALVE "MOMMY!!!" Dali-daling tumayo naman ako, patakbong pumasok sa loob ng bahay. Iniwan ko muna saglit ang aking mga labahin. Sina Nanay at Tatay naman, nandoon sila sa bayan at nagtitinda ng mga gulayin. "Gold?" "Mommy." Napangiti naman ako na nakatingin sa napakaguwapo kong anak. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Ang kipot ng mga labi at napakaputi niya. "Binasag mo na naman ang plato. 'Di ba sabi ko, kapag may kukunin ka na hindi mo kayang abutin, tawagin mo ako," malambing na saad ko naman. Nakanguso naman ito. Nilapitan ko ito at ginulo ang sobrang kapal at hanggang balikat niyang buhok. "Sige na. Si Mommy na ang magliligpit. Umupo ka na lang at ipaghanda kita ng pagkain mo." Agad naman ito tumakbo at pumunta sa sala. Tatlong taon ang nakalipas. Tatlong taon na umaasa na bumalik sa Pilipinas so Gabriel at Geo. Halos araw-araw pabalik-balik ako sa mansion. Napabuntonghininga naman ako. "Kamusta ka na, anak ko? Sana pagbalik mo, makakasama ka na namin ni
SALVE"G-Gabriel, i-ibalik mo sa akin ang anak ko," nakikiusap na saad ko naman.Hindi man lang umimik. Nakatingin lang ito sa akin."G-Gab, please. Hindi ko naman ilalayo si Geo sa'yo. G-Gusto ko lang siya m-makasama." "Ipasok mo muna sa loob si Geo," aniya ni Gabriel sa napakagandang babae. At sa itsura pa lang, napakabata pa niya.Bakit hindi si Hannah ang kasama niya? Ibang babae na naman ba ang kinakasama niya?Napatingin naman ako kay Geo na nakatitig lang sa akin."G-Geo, anak. H-Halika, uuwi na tayo," umiiyak na saad ko."Pumasok muna kayo sa loob," maawtoridad na utos niya sa babae."H-Huwag!" akmang hihilahin ko sana ang anak ko, humarang naman ang dalawang tauhan ni Gabriel."B-Bakit? Paano mo nagawa ito sa akin?! Paano mo naatim na ilayo si Geo sa akin. At ibang babae ang ipinakilala mong ina!" Nagsisigaw na saad ko rito.Halos paga na ang mga mata ko kakaiyak. Hindi na rin ako makahinga dahil sa sipon na bumabara sa aking ilong.Wala man lang ekspresyon ang kan'yang mukh