Share

UNDERGROUND BOSS 22

CADEN SALVACION-

NAKATINGIN LANG AKO SA KAWALAN. Parang wala na naman ako sa aking sarili. Tatlo kami ang nahuli. Bago ako nahuli sa Isla, nauna na dinampot sila Zeus at Jarred.

"Well, well. How are you, Salvacion?" Nakangising tanong ni General Alvarez.

Matapang na sinalubong ko ito ng tingin. "Buhay na buhay pa rin, General. Kamusta naman kayo?" Nakangising tanong ko rito.

"Masaya. Sa wakas, ang tanyag na drug Lord, nasa kamay ko na!" Humalakhak pa ito ng malakas.

Umigting naman ang panga ko. "Saan niyo dinala ang dalawang kaibigan ko?!"

"Oh. Nasa kabilang selda sila. Mamaya, uumpisahan na ang parusa na nararapat sa kanila."

Napalunok naman ako. Sa klase ng lugar na ito, hindi ito kulungan talaga.

"Lumaban kayo ng patas! Kung tapat kayo sa serbisyo niyo, hayaan niyo ang korte ang humatol sa amin!" Galit na sigaw ko rito.

"Hindi na kaya ng korte ang nagawa niyong mga kasalanan. Wow, look at you, Salvacion. Parang basang sisiw ka! Well, gusto mo bang makita ang dalawang kaibigan mo?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (53)
goodnovel comment avatar
J EC K
Wow ... galingg
goodnovel comment avatar
Jane Jane
kya pla pnutnhan ni grace c gab kc dhil d2 ksma at kaibgan xa ng daddy nila
goodnovel comment avatar
maryallynbonus21
Wala na talaga tiwala sa mga pulis, lalo pa yong sa nangyare kay awra. Kaya sa pamilya namen ang mahigpit kung bilin walang magpupulis at walang mag aasawa ng pulis.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status