Share

CHAPTER NINE

Alas diyes na pasado na nang magmulat siya ng mga mata. Ang mga maliliit na daliri ni Greene ang gumising sa kanya.

"Mimi-mi" narinig niyang sabi nito habang nakapasok sa ilong niya ang daliri nito. Sinusundot-sundot niya iyon at sabay hahagikhik na akala mo’y kinikiliti.

Humalik muna siya sa pisngi nito. "How's your sleep little Man?"

Tumawa si Greene sa kanya. Nilingon niya ang katabing bahagi nila pero bakante na iyon. Gising na marahil si Greg at nasa baba na. Nilinis muna niya ang bata. Pinalitan niya ang diaper nito pati na rin ang damit na naipantulog niya. Saka siya nag-ayos ng sarili. Isang simpleng floral dress lamang ang naisipan niyang suotin kung saan siya presko at komportable.

Nang makababa silang mag-ina ay hindi nila naabutan si Greg sa baba. "Wala na po si Sir Ma'am," ani ng kasambahay na dinatnan niya sa kusina.

"S-Saan siya nagpunta?" di niya mapigilang itanong. Iniisip niya na baka nasa Maynila na ito at iniwan na sila sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status