Share

CHAPTER 11: Summoning Weapon Bracelet

Nandito na ako sa gitna kaharap ang dalawang naglalakihang lalake. Yung isa palakol at yung isa naman ay metal chain na may blade sa dulo at dagdagan pa ng depense ability nila na hindi ko pa alam kong ano.

Sinira mo ang maganda kong laban kanina kaya humanda ka at handa na akong sirain ang pagmumukha mo. Litanya nong lalaking nakalaban ni Lesther. Walang emosyon naman akong nakikinig lang.

Alam mo bang gustong gusto ko ring mangbaldado ng kalaban. Nakangising sabi naman nong isa.

Tsk. Sa tingin ba nila ay mapapatumba nila akong dalawa? Ano pa't sa training na ako lumaki. Kung tutuusin ay hindi ko na kakailanganin ang mga trainings dito.

Pero huwag ka munang mag-alala sa ngayon dahil paglalaruan ka muna namin. dagdag pa nong may metal chain. Ngumisi naman ako sa sinabi niya.

Huwag kayong mag-alala, handa akong magparticipate. Walang emosyon kong turan. Napangisi naman silang dalawa

Ngayong hindi ko pwedeng gamitin ang kakayahan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status