Share

Kabanata 18

TWO LINES

Sa nanginginig na kamay ay itinaas niya ang pregnancy test na sikreto niyang pinabili kay Derlyn. Naalala pa niya ang bakas ng pagtataka sa mukha ng batang kasambahay.

“Bakit pa po kayo magpapabili ng pregnancy test?” takha nitong tanong.

“G-gusto ko lang makasiguro, Derlyn. Sige na, please. Pumuslit ka na lang kapag abala pa sila sa pamimili ng grocery o sa palengke. Maghanap ka ng pharmacy at bilhan mo ‘ko ng limang pregnancy test stick. Please. Huwag mong ipaalam sa iba. Mapagkakatiwalaan naman kita, ‘di ba?”

“Sige po, Ate Maya. Makakaasa po kayo sa’kin.”

Ngayon ay nasa harap niya ang panglimang stick. Panglimang subok niya sa pregnancy test. Nanlumo siyang napaupo sa inidoro at sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha.

Ganoon pa rin ang resulta. Dalawang pulang linya.

Napailing siya at hindi makapaniwala. Siguro’y sira lang ang limang pregnancy test stick na kaniyang pinabili. Sira lang ang mga ito. Mali lang ang resulta. Napahinga siya malalim bago nabitawan ang pr
desantrix

Just want to remind you, trixs that you have the choice to pay to unlock the chapters or complete daily tasks to gain bonuses :) Reading for 30 mins can give you gem! That gem can let you vote!

| 1
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status