Share

Chapter 9 - The Replacement

"I believe we met earlier..." Ningitian siya ni Ethan habang naghihintay ang kamay nito sa kanya.

Inabot ni Yohan ang palad nito para makipagkamay saka napangisi.

Ang kinis... bakla to.

"Dana!" tawag ng presidente sa secretary niya.

"Yes, sir?"

"Kindly close my office and cancel all my appointments today."

"Right away, Sir." Kaagad lumabas ang sekretarya at tahimik na isinara ang pinto.

Tahimik na pinasadahan ng tingin ni Ethan ang SIBS president. A man of few words, reserved and seldomly smile. Sinister look, sa mga titig pa lang nito mangingilag ka nang kumilos ng masama. Sa tindig at solidong pangangatawan ng binata, nakakasigurado siyang hindi lang trabaho sa opisina ang pinagkakaabalahan nito.

He's in his mid 20's. Ethan smiled sheepishly at him. Too young to be the president of a notorious organization. He must be really good at business. But I’m quite sure that there's more to that.

Gumilid ang mata ng president nang mapansin na kanina pa nakatingin sa kanya si Ethan.

"Do you have something to ask me, Mr. Suarez?"

Ethan grinned. "Nothing, Sir, I just didn't expect that the president is too young… and goddamn good looking."

Bahagyang nangiti ang presidente sa kanya. "Well, hindi ko rin inaasahan na may pagka-bolero ka pala. You must be good with girls..."

Asar na natawa si Yohan nang maalala niya si Astrid kanina. Marami pa namang tangang maganda ngayon.

"Okay, enough with the chit chat. Let's get down to business." Kinuha ng presidente and ilang dokumento saka inilapag sa lamesa. "There'll be an upcoming International Annual Event na laging dinadaluhan ng SIBS Organization. This time, it will be held sa Macau." He paused for a moment saka marahan na tumingin kay Ethan. "But as we all know, front lang naman ito. So, Mr. Suarez..."

Kaagad tumingin sa kanya si Ethan.

"I believe you have an idea what you're getting yourself into." makahulugang wika nito.

Malapad na ngumiti si Ethan.

"I'll take that as a Yes..." The president replied with a sinister smile.

Hindi mapakali si Yohan. Hindi niya maintindihan kung paanong nakapasok sa SIBS itong Errol Suarez na to. Samantalang hindi pa nagsisimula ang SIBS Initiation.

"I already excused you from your classes next week. Para may enough time kayo to train." Tumayo ang Presidente saka inilahad ang palad para kamayan si Ethan. "I have high hopes on you. Make sure you'll make SIBS Proud."

Aabutin na sana ni Ethan ang kamay nito, nang bahagyang tumaas ang manggas ng long sleeve ng Presidente at may interesanteng bagay na nahagip ang kanyang mata. His jaw tightened as he gazed at a familiar intricate ambigram tattoo on his right arm. Just below his wrist.

Umakyat ang tingin niya sa mukha ng presidente na kasalukuyang nakatingin rin sa kanya.

"Is there a problem Mr. Suarez?" Nakangiti nitong tanong pero may kung anong nababalot sa tingin nito sa kanya.

Ethan grinned and immediately shook his hand. "Wala naman, Sir. Na-distract lang ako. Ang ganda po kasi ng tattoo ninyo."

Kaagad namang inayos ng binata manggas niya saka muling ngumiti kay Ethan. "Maganda ba? Kaya nga hindi ko ipinabubura," the President stated it in a very low sarcastic voice. As if may diin ang bawat salita nito. "I'll see you bago tayo umalis papuntang Macau. You may leave Mr. Suarez."

Nagpaalam si Ethan at kaagad umalis sa opisina nito.

Naupo ang Presidente sa kanyang upuan at ibinaling ang tingin Kay Yohan. "Looks like nagkakilala na kayo ni Errol?"

Napasimangot bigla si Yohan. "There's something with that guy I don't trust..."

"Well... I felt the same way."

"Kung ganon pala, eh bakit natin siya isasama sa Macau? Hindi po ba delikado yun?"

A sly grin played crossed the president's thin lips.

"Hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Kaya nga mas magandang malapit siya sa grupo. Para hawak ko siya sa leeg." Tumayo siya saka tinapik ang balikat ni Yohan. "Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko. Kaya gusto ko matiyagan mong mabuti 'yang Errol na 'yan. Sa ngayon, kailangan lang natin siya. Sayang ang talento ng lalaking 'yon. Magagamit natin siya lalo na sa Macau. Maiba pala ako, paano nga kayo nagkakilala ni Errol?"

Inis na bumuga ng hininga si Yohan. "Kanina ko lang nakita 'yung unggoy na 'yon. Bigla kasing..." Napatigil siya sa pagkwekwento nang maalala niyang naisahan siya ni Errol kay Astrid. Napatingin tuloy siya sa kausap na kanina pa hinihintay ang kasunod ng kwento. "Ah basta! Nakita ko siya kanina, may binobolang tatanga-tangang babae sa kalsada."

Natawa na lang ang presidente sa sinabi niya.

"Eh Sir, paano nga po pala nakapasok sa SIBS ang lalaking 'yon? Hindi ba sa last week of June pa po ang Initiation?"

****

"So paano ka nga nakapasok?" tanong ni Zea habang namimili ng kanta sa iPod. 

Ethan smiled at her sweetly. "Hindi ka ba nagwapuhan sa akin kanina no'ng niligtas kita?" malokong tanong nito sabay kagat sa labi.

"Am I supposed to? Scripted naman yun diba?"

Ethan chuckled while driving his car. "Eh nabanguhan kaya?" hirit ulit nito pero hindi pa rin siya pinansin ni Zea.

"Eh kay Mr. High school King, kinilig ka? Sino kaya ang mas magaling sa aming dalawa?"

Zea slowly looked at him with disgust. "We haven't even kissed?"

"Yun lang ba? Aba'y puwede mo naman akong subukan!" 

"Ethan pwedeng wag kang masyadong makati? At sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Hoy. Kahit makati 'to. Ginagawa ko ang assignment ko. So I did my research," sagot ni Ethan saka lumiko pakaliwa. "May upcoming international underground fight sa Macau kung saan nagpaparticipate ang SIBS taon-taon. Meron silang tatlong constant participants sa event. Si Jax Henares at si Yohan Gan."

"Sabi mo tatlo? Sino yung isa?"  tanong ni Zea.

"Keanne yung pangalan nung isa. Namatay siya last year. Same event."

Napatingin si Zea kay Ethan no'ng biglang tumahimik ito. Gusto niya sana magtanong pero ang lalim ng iniisip nito.

"Katulad ng sabi ko kailangan natin ma-infiltrate ang SIBS. Maraming matataas na tao ang siguradong pupunta at pupusta sa laban. Pero nasagap ko na hindi na raw sila kukuha ng replacement kay Keanne. Kaya kailangan kong makuha ang slot ng Jax na 'yon. Dahil siguradong hindi nila papalitan si Yohan." Tahimik na lumiko si Ethan pakanan saka nilingon ang side mirror. 

"Anong ginawa mo?"

"Balita ko walang ibang kaligayahan 'tong Jax na 'to kundi mang-bully. So, I just made myself an easy target. A dork for a day or two. At ayun, kinagat naman ng gago. Sinigurado ko lang na walang matinong buto na naiwan sa mokong na 'yon para hindi siya maka-attend sa laban," ani Ethan saka muling lumiko sa kaliwa.

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo paikot-ikot."

"Kanina pa kasi may sumusunod sa atin," kalmadong wika ni Ethan na parang wala lang.

Mabilis na napatingin si Zea sa rear mirror at nakita ang itim na kotse na bumubuntot sa kanila. "Eh ano pang ginagawa mo? Bakit di mo pa gawan ng paraan?"

Ethan looked at her and smiled sweetly.

"Kiss muna."

Tangina rin nito. Inis na napangiwi si Zea saka hinampas ang braso nito. "Just get rid of it, dammit!"

"Aray!" hiyaw ni Ethan. "Kapag ako naaksidente, papanagutan mo ba ako?"

"Ay bakit? Kailan ka pa nagkamatres?" sagot ni Zea sabay ismid.

"Wala akong matres! Pero meron akong..."

"Mag-drive ka na ngang hayop ka!"

Natawa si Ethan bago seryosong sinipat rear view mirror at saka pinaarangkada ang sasakyan.

****

Fractured rib cage, broken arms, broken legs, and dislocated shoulders.

Hindi makuhang makapagsalita ni Yohan habang ini-enumerate ang mga tamang natamo ni Jax kay Errol.

Napailing na lang si Gino. "Tang-inang 'yon. Nahiya pang tuluyan si Jax."

"Matinde nga Dre... ni hindi nga nakaporma si Jax dun sa Errol na yun," dagdag pa ni Bem-Bem.

Napangisi si Yohan. "Kung sa bagay, tama rin lang 'yon nangyari kay Jax. Matagal ko nang gustong upakan yung gagong 'yon, kung di lang natin kasama sa SIBS yun matagal ko ng tinumba 'yon eh."

"Kaya siguro si Errol ang kinuha ni Sir. Lakas kasi ng balita halos ka-level mo na raw..." Biglang umurong ang dila ni Bem-Bem nang titigan siya ng masama ni Yohan.

"Maiba ako Yohan. Kanina ko pa gustong itanong sayo to eh," sabat ni Gino.

Tinitigan ni Yohan ang kaibigan at inabangan ang itatanong nito.

"Curious lang kasi kami."

"Ano na nga? Ang dami ninyo pang pasakalye."

"Anong pakiramdam nung... hinalikan ka ni Astrid?" malokong tanong ni Bem-Bem na inunahan pa si Gino sa pagtatanong.

Napamaang si Yohan sa narinig. Ngunit mabilis din nagbalik sa utak niya ang mga nangyari. The sweet warm taste of her lips against his. The way he grabbed her close and the feel of her soft smooth skin that rubbed against his arms. Everything was so surreal. Parang panaginip lang ang lahat.

"Masarap," wala sa sariling sagot ni Yohan.

Halos mahulog tuloy ang chicken ball na kinakain ni Gino sa pagkagulat sa sagot ni Yohan.

Samantalang natulala naman si Bem-Bem sa reaksyon ng mukha ni Yohan habang nagmo-moment.

"Masarap?..." tanong ulit ni Bem-Bem habang nanlalaki ang mata nito.

Yohan quickly snapped back to reality. "Oo, Ang sarap! Ang sarap ninyong paguntigin dalawa!" sagot ni Yohan sabay ipit sa leeg ng dalawa. Napatingin siyang muli sa lab results ni Jax at kaagad rin niyang binitiwan ang dalawa.

Errol Suarez... Sino ka ba talaga?

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ge Gemma Saquita
I like ... update please
goodnovel comment avatar
Geraldine Abagan
akala ko free reading,mahal ng bayad
goodnovel comment avatar
Papz Rodz
ang mahal ng bayad
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status