Chapter 106"Hindi pa rin ba bumababa ang lagnat ni Kiko?" nag aalalang tanong ni Severo kay Margie.Kasalukuyan ngayong nakahiga si Kiko habang may basang bimpo na nakapatong sa noo nito. Halos magdamag na itong nilalagnat at hindi na alam ni Margie ang gagawin. Malayo pa ang bayan sa kanila kung saan naroon ang center at hospital.At isa pa ay wala din siyang pera para maipagamot ito. Sapat lang ang ipon niya para makapagsimula na ito ng klase sa ikatlong baitang. Kung magagastos nila ito ngayon ay baka gamot lamang ang mabili dahil wala naman siyang extra pangbayad sa hospital."Hindi pa nga rin, Severo. Hindi ko na alam ang gagawin, tumataas at bumaba ang lagnat niya," tugon ni Margie.Pinunasan ni Severo ang katawan ni Kiko ng bimpong basa. Nakaramdam ng awa si Severo lalo na't kung tutuusin ay maliit lamang din ang pangangatawan ni Kiko. Nagsimula ito kahapon ng hapon. At n
Chapter 107Nang araw na makitang muli ni Ziah si Kirara ay kinausap siya nitong umalis na sa lugar ni Matthew. Ito na ang umupo sa driver seat, at habang nasa byahe ay nadadalawang isip siya kung sasama ba siya kay Kirara nang mga oras na 'yon. Napatingin naman siya sa paumbok nitong tiyan.Nakarating sila Ziah sa isang tagong lugar. Madilim ang tinahak nilang daan at tila squater area ang lugar na 'yon. Nang bumababa si Kirara ay sumunod na lamang din siya dito.Pumasok sila sa iang maliit na apartment. Ipinaghanda ni Kirara si Ziah ng juice. Habang ito ay patuloy lamang na iniikot ang paningin sa paligid."Dito ako tumutuloy ngayon, pasensya na at medyo maliit," sambit ni Kirara.Ipinaliwanag nitong lahat ang tungkol kay Braxien. Kung anong nangyari dito sa nakalipas na tatlong taon. Nalaman niya na months before they go in Switzerland ay naikasal din ito. Nalaman niya rin na
Chapter 108Noong araw na iba ang kinilos ni Margie patungkol sa invitation na natanggap nila sa pista ay mainap itong kinausap ni Severo. Hindi niya rin naman kayang makita na para bang wala sa sarili si Margie. At isa pa, ay kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito."Napagbintangan ang Tatay ni Kiko bilang isang magnanakaw at mamatay tao. Kailanman ay hindi niya magagawa iyon, nagtatrabaho siya ng marangal para matustusan ang pangangailangan ko habang nagbubuntis ako at gamot ng Tatay ko. Na set up lamang siya ng kaniyang kaibigan, pero kahit isa ay walang naniniwala sa kaniya kahit pa ang mga magulang at kamag anak nito," simula ni Margie sa pagkwento."Wlaa kaming matakbuhan, ikinulong siya dahil walang ibang magpapatunay na inosente siya. Lumala ang sakit ng Tatay ko dahil wala na itong gamot na maintenance, para sa sakit nitong diabetes. Unti unting humina lalo ang katawan ni Tatay
Chapter 109"W-What are you doing here, Travis?" iyon ang unang naitanong ni Ziah kay Travis."Ah, I have some business things here. I saw your name at the front desk ng resort, kaya nalaman ko na nandito ka din pala. Also, I ask some people that might know you, para malaman ko rin ang room mo.""Oh, that's great!""What coincidence right?""Yeah."Hindi makapaniwalang napatango na lamang si Ziah. Mukhang totoo naman ang sinasabi ni Travis dahil isang maleta lamang ang dala nito. Kahit nakakapagtaka ay hindi na ito tinanong pa ni Ziah. Umalis din naman si Travis nang mga oras na iyon at nagtungo na sa room nito.Nang magkita kita ulit sila ng mga ka-officemate niya kinabukasan ay hindi siya makapaniwalang naroon din si Travis. Doon ay tuluyan na siyang napataas ng kilay. Nakahawak pa si Skye sa braso nito. Si S
Chapter 110"Mr. Herrera, we found out where's Mr. Saavedra's motorcycle. I will send you the details now.""That's a great news, hurry up," ibinaba na ni Matthew ang tawag.Hinawakan niya ang kaniyang cellphone ng mahigpit. Sa wakas ay paunti-unti na silang nakakakuha ng impormasyon patungkol kung nasaan si Braxien. Hinihiling na laman nila na sana ay walang nangyaring masama dito o kaya ay sana ay buhay pa ito.Nang mai-send kay Matthew ang information ay hindi na siya nag aksaya pa ng oras upang puntahan ang lugar. Masukal, madilim, at tila walang nakatira ang gubat na siyang pinasukan nila. Doon ay makikita pa ang bakas ng mga naiwang dugo sa mga bato, at dahon.Mistula pati basyo ng bala ng baril ay mayroon doon. Dito talaga nawala si Braxien. Naglakad pa siya pababa ng gubat, at sinundan ang bakas ng dugo. He ended up sa isang mababang bangin na
Chapter 111"Hey, are you alone? Nasaan na ang mga kaibigan mo?"Nawala sa paningin ni Ziah ang dalawang babae nang sumulpot sa harapan niya si Travis. Naiilang na tiningnan niya ito saka ngumiti. Hanggang sa huling sulyap ay hinabol niya pa ang dalawa ng tingin hanggang sa hindi na niya ito nakita."Sino yung tinitingnan mo? You looks so interested to them," sambit muli ni Travis.Napayuko ng bahagya si Ziah saka ininom ang alak na nasa baso niya."Wala iyon, akala ko ay kakilala ko, akala ko lang pala."She turned around trying to get away with Travis. Ayaw niya muna itong makasama lalo na't nagiging usapan ng mga katrabaho niya ang ugnayan nila. Ang iba ay hindi lang magkaibigan ang tingin sa kanilang dalawa kun'di mag jowa!At saan naman nila nakuha ang gano'ng pag iisip?"I'm sorry, ku
Chapter 112Pabalik na sana si Severo sa kwartong tinutuluyan upang magpahinga dahil bukas ay uuwi na siya kila Margie, ngunit naantala ang paglalakad niya nang makita niya ang isang wallet mula sa lugar kung saan bumagsak ang babae. Pinulot niya iyon saka sandaling pinagmasdan bago buksan.Nakita niya ang litrato ng babaeng nahimatay kanina lang at katabi nito ang isang bata lalaki. Napakunot nang bahagya si Severo dahil ang batang nasa litrato ay tila kahawig niya. Hindi na lamang niya pinansin ito at sa halip ay naglakad patungo sa fromt desk ng kwartong tinutuluyan nito."Ah, may isasauli lang po sana ako, naiwan po ito ng babaeng nahimatay kanina," sambit niya.Kasabay ni Severo sa counter ang ilan pang mga tao. Narinig ni Dasha na binanggit nito na may nahimatay. Madali siyang kinutuban dahil kanina pa nila hinahanap si Ziah."Kuya, saan po banda
Chapter 113Braxien."Ang akala namin ay nawala o naligaw ka na, ibinalita na lamang sa amin ni Fernan na hindi ka na nila nakita matapos mong tumugtog no'ng isang gabi," nag aalalang sambit ni Margie nang salubungin ako nito.Hindi ako makatingin ng maayos dito. Kailangan kong mapagpanggap na wala pa rin akong naaalala. After all, ayokong masira ang pangako ko sa kanila. Mabilis naman akong sinalubong ng yakap ni Kiko habang umiiyak ito."Mabuti Itay, at nakauwi ka na. Sobrang nag aalala kami ni Inay sa iyo," sambit naman nito.Sa sandaling iyon ay natulos ako sa kinatatayuan ko. He just called me like I'm his father. Nakakalambot ng puso at the same time ay ramdam na ramdam ko na napamahal na sa'kin ang batang ito.Mukhang kinakailangan ko ng matinding pagpapanggap. Bahagya akong ngumiti saka lumuhod upang magpantay kami ni Kiko. Kaya siguro kalmado at pami