Celeste's Point Of View.Inis na akong naglakad habang nagmamadaling umalis sa opisina ni Idris. Namumula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Ang maluwag na unipormeng suot ko ay tila nakasabit mula sa payat kong katawan, at tila ginawang kakatawanan ang itsura itsura ko.Gusto kong sumigaw dahil sa inis ngunit baka naman lalo akong pagtinginan. Sa bawat hakbang sa corridor ng ospital, ang mga tingin ng mga nurse at mga pasyente ay tila nananatili sa akin. Ang kanilang mga mata na lihim siyang pinagtatawanan, ay mas lalong nakakapangliit para sa kaniya.“Bagong nurse ba yan?”“Intern yata?”“Ano ba ’yan hindi niya ba alam ang dress code?”Ilan lamang ‘yan sa mga narinig kong bulungan ng ibang nurse na nakakasalubong ko.“Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni Idris at ipinasuot niya ‘to sa akin?!” inis kong tanong sa aking isipan.Sa pakiramdam na nakalantad at nanghihina ay binilisan ko na lamang ang aking paglalakad. Desperado ako na takasan ang mga mata na nakatitig sa akin. Ngunit nang
Ibinaba kaagad ni Celeste ang tawag habang ang kaniyang mga kaibigan ay naghihintay sa kaniyang sasabihin.“A–Anong sabi niya?” tanong ni Sammy.Ang natanggap kasing text ni Sammy ay galing kay Idris. Nakalagay doon na kapag hindi sinagot ni Celeste ang tawag ay pati sila na mga kaibigan nito ay madadamay sa kaniyang galit.“G–Guys, I just need to go first. Kita na lang tayo ulit mamaya.” Kinakabahang tugon ni Celeste.Dali-dali nuyang inayos ang kaniyang gamit habang pinagpapawisan ng malamig. Habang naglalakad ay lihim siyang tumingin sa paligid upang masigurado na wala roon si Idris. And then she found a CCTV.That's it. Mukhang may CCTV nga sa opisina ni Idris.Bumibilis ang tibok ng puso ni Celeste sa pagpasok sa opisina ni Idris. Ang takot ay mababakas sa bawat hakbang niya. Nararamdaman niya ang tensyon na humahalo sa hangin, na parang sinasakal siya. Umupo si Idris sa likod ng kaniyang mesa, nakatitig sa kaniya ang mga mata na may halong galit at sakit.“What do you want now?”
Sa pag-uwi ni Idris, mabigat ang pagod sa kanyang mga balikat mula sa mahabang araw sa trabaho. Tahimik na pagpasok sa bahay, nadatnan niya si Celeste na natutulog sa kwarto ng kanilang anak. Nasa lamesa ito at, nakapatong ang ulo sa kanyang mga braso habang nakaidlip sa gitna ng tambak ng mga textbook at papel.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi habang pinagmamasdan niya si Celeste, batid na ang pangako nitong magkatabi sila sa kama ay muling nakalimutan sa gitna ng ka-busyhan nito sa pag-aaral.“Nakalimutan o talagang sinadya akong tulugan?” nakangiting sambit pa ni Idris sa kaniyang isipan.Ngunit hindi naman makakaila ni Idris ang determination ni Celeste. Kahit na sa estado nito na kulang sa tulog ay determinado pa rin nitong harapin ang kaniyang pag-aaral. She really wanted to finish her college. Hindi naiwasang humanga si Idris sa katatagan nito.Pinagmamasdan niya ito habang natutulog ito. Namamangha siya sa bawat korte ng mukha nito. Ang paraan ng pag-alis ng
“Lokaret ka! Kinabahan kami sa ‘yo! Akala namin talagang wala ng pag-asa kagabi noong hindi ka na nakapag reply pa!” tila OA na reaction ni Sammy habang may pahampas pa sa braso ni Celeste.“True! Pinapakaba mo kami, ‘teh! Ano bang nangyari kase?” dagdag pa ni Beyonce.Kasalukuyan silang nasa labas ng university at kapwa hinihintay ang isa't-isa. Maaga pa naman kaya napagdesisyonan nilang magkita-kita muna para malaman ang bawat task na naka assign sa bawat miyembro.Napakamot naman si Celeste sa kaniyang batok sabay inayos ang buhok mula sa kaniyang tainga.“Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko, pero gusto ko pa rin sabihin sa inyo.” tila nahihiyang sambit naman ni Celeste.Nagkatinginan si Sammy at Beyonce. Kilala nila si Celeste sa tuwing umaakto ng ganito. She's like a teen ager kapag kinikilig.“Uy, chika minute! Ano ‘yan?!” tila kinikilig na tanong ni Sammy.“Ano, nag yugyugan na ba kayo ni Doc Idris? Ugh!” tila nang aasar naman na sambit ni Beyonce.Namula naman kaagad ang pis
Nauna na si Idris sa kotse. At walang mapaglagyan ang saya niya. Pakiramdam niya ay talagang makaka-score na siya ngayon kay Celeste.It's been a month for Pete's sake! Ang tagal tagal na niyang nagtitimpi para lang kay Celeste. He even declined his friends invitation sa bar nitong mga huling linggo.Panaya ang tingin niya sa kaniyang relo, pero hindi pa rin dumarating si Celeste. He evem check his phone kung may message ba ito, pero wala naman. Naiinip na siya at gusto na niyang bumaba.Nang saktong tanggalin niya ang seatbelt ay saka naman may tumawag sa kaniyang cellphone. He thought it was Celeste, but no. His father was calling him.Nagtaka siya dahil hindi naman ito basta-basta tumatawag sa kaniya. Kaya kaagad niya na lamang sinagot ang tawag.“Hello, Dad? Is everything alright?”“Idris! Magpunta ka ngayon dito sa hospital mo. Isinugod dito ngayon ang Lolo mo!” his voice was full of fear at pag-aalala.“What? Why? What happened?”“It's a heart attack! Come here now!”Ibinaba na
Sumakay na si Celeste sa kotse ni Warren. Hindi niya naman mapigilang hindi kabahan. Nawala nga sa isip niya kanina kung paano magalit si Idris. Ngunit hindi naman nito malalaman basta walang magsasabi sa kaniya.“Sa bahay na ba ninyo kita ihahatid?” tanong ni Warren.Tumango siya ng bahagya. “Oo, doon na lang.”“Nasaan ba si Idris? Hindi ka ba niya sinusundo sa tuwing uwian niyo na? Knowing that asshole, ayaw no'n na pinababayaan ka.”“L–Lalabas sana kami, kaso bigla siyang umalis, eh.”Magasalita pa sana si Warren, ngunit napigilan iyon nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya ito, ay nakita niya ang contact name ni Idris. “Speaking of, Idris is calling me right now.”Kinonekta nito ang speaker sa kaniyang kotse kaya nang sagutin ito ni Warren ay rinig na rin ni Celeste ang boses ni Idris.“Hey, Dude. What's up?”“Warren, si Abuelo nasa emergency room, at narito ako. Can you please find Celeste? I can't contact her, at sabi sa bahay ay wala din siya doon.” hal
Hindi na napigilan pa ni Celeste ang sarili at nasampal niyang bigla si Idris. Hindi niya inakala ang sasabihin nitong masakit na salita. Normal ang magalit pero ang sabihan siyang malandi? Sino ito para sabihan siya ng gano'n?“Wala kang karapatang sabihan ako ng malandi, dahil in the first place hindi mo naman alam ang tunay na nangyari!” sambit niya kay Idris habang ang kaniyang luha ay nagbabadya.Hindi pa rin nawawala ang nakakuyom na kamo ni Idris. May gusto itong sabihin pero mas pinili nitong manahimik. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito, kaya nang pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Abuelo ay umalis na lamang din si Celeste.“Sana ay tinanong niya man lang ako kung ano ang nararamdaman ko.” saad ni Celeste sa kaniyang sarili.Nang makita naman ni Warren ang tagpong ‘yon ay kaagad siyang napailing, dahil mukhang alam na nga ni Idris. Kaya nang pumasok si Idris ay tinapik niya ito sa balikat.“Kumalma ka muna, Idris.” wika niya rito.“You know that she's having a date?” w
Masayang pumasok si Melody sa hospital. Kitang-kita sa kaniyang ikinikilos at mga ngiti ang kakaiba niyang awra. At hindi naman ‘yon nakaligtas sa kaibigan niyang si Sammy. “There's something fishy with your smile.” puna nito habang naglalakad sila patungo sila sa locker room. “Anong fishy ang sinasabi mo diyan?” patay malisya ngunit nakangiti niyang tanong. Napangiti rin si Sammy dahil sa kalikutan ng isip nito. “Siguro nadiligan na ulit ang pechay mo ‘no?!” medyo may pagkamalakas ang boses nito kaya mahinang siniko ni Celeste. “Ssh! Ang lakas ng boses mo, baka mamaya ay may makarinig sa iyo at kung ano pa ang isipin!” saway ni Celeste. Natawa lamang si Sammy, at nagpatuloy pa rin sa pag-uusisa. “So, ano nga? Nadiligan na nga ba nag tuyot mong pechay?” “Grabe ka naman sa maka-tuyot! Hoy, kahit matagal na akong hindi nadidiligan, fresh pa rin ito at palagi kong hinuhugasan!” natatawang wika ni Celeste. Gusto niyang sakyan ang kalokohan ng kaibigan upang hindi na ito magtanong pa