Share

Kabanata 25 Rage

Napatingin siya sa mga tao sa paligid. Mukha namang normal ang lahat. She didn’t like the idea of being watch. Ang secret security ni Don Arturo ay nakahalo sa pangkaraniwang tao sa kanyang paligid. Kilala niya ang mga ito. She’s aware na sinusundan siya for her safety. Na may mga kapalpakan nga lamang dahil dalawang beses ng nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Pero may sinabi si Noah na, ipapabugbog niya si Ivan sa mga tauhan niya. Did he pay people to watch over her? Para saan?

Umuwi din siya kinagabihan pagkatapos ng commitment sa Pangasinan. Pinag-drive siya ni Raul, ang baklang manager ng resort niya bagamat wala sa itsura nito ang pagiging binabae dahil bihis lalaki ito. Papunta din naman ito sa Manila upang umattend ng monthly meeting. Bumaba ito at binagbuksan siya ng kotse.

Pagbaba niya ay napansin niya si Noah na nakatayo sa harap ng bahay niya at nakasandal sa kotse nitong Honda Civic Sedan. Mukhang ilang oras na itong naghihintay. Tila pinapak na din ito ng mga lamok.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status