Share

Kabanata 41 Mend

Kasama ni Maddie si Elijah sa mall. Dumaan sila sa malaking department store. Kailangan niyang ibili ng bagong damit ang anak dahil ang bilis nitong lumaki. Isa pang rason ay ang klima. Mainit sa Pilipinas, kailangan ni Eli ng damit na malamig sa katawan kapag isinuot.

Nakaagaw ng pansin nila ni Kaye ang mga dress na nakadisplay. Iniwan nila sa yaya at bodyguards si Eli upang magsukat ng damit. Matagal na din siyang hindi nakakapag-shopping.

“Yaya, gusto ko pong isukat itong t-shirt. Punta po ako sa fitting room,” paalam ni Eli sa yaya.

“Sige sasamahan kita.”

“Huwag na po. Big boy na ako. Kaya ko naman po.”

Agad tumakbo ang bata sa fitting room dala ang isang t-shirt.

“Mr. Noah Natividad, nasaan ka po?”

Nagulat si Noah ng marinig ang pamilyar na boses ng batang si Elijah. Binuksan niya ang pinto ng fitting room, agad pumasok ang bata.

“Elijah, anong ginagawa mo dito? Don’t tell me tumakas ka na naman sa mommy mo.”

“Hindi po, nasa labas po si yaya Mina. Nakita po kitang pumasok sa fitt
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status