Share

CHAPTER 4

"Mama....." Napatingin ako kay Aera na hinawakan ang pisngi ko at pinaharap sa kanya. "Its weekend hindi po ba tayo pupunta ng mall?" Nakangiting sabi nito at nagpacute pa talaga sa akin.

"Mama we need to go out, kasi palagi ka na lang pong tulala. Stress ka po sa trabaho? You need to unwind mama! Let's go!" Hinatak ako nito sa loob ng kwarto at binuksan ang cabinet namin.

Wala akong nagawa at nagbihis na lang dahil excited itong lumabas.

"Oh saan punta nyu?" Tanong ni Papa na may inaayos na cellphone. "We're going to mall lolo. Do you want to go with us?" Agad na umiling si papa at pumasok ito ng kwarto.

"Zertyl anak!" Tawag ni papa mula sa kwarto, nang makapasok ako sa kwarto nito may inabot itong pera sa akin.

"Pa wag na, magtitingin lang naman kami doon at mamasyal. May pera naman po ako kung sakaling gutomin si Aera." Umiling iling si papa at pilit na pinahawak sa akin ang pera. "Bilhan mo ng kahit isang laruan lang si Aera anak, matagal na nyang gusto iyon."

"Pa makakapaghintay naman sa sweldo ko—"

"Zertyl." Napabuntong hininga ako at tinanggap ang binibigay na pera ni papa. Nagpaalam rin kami rito bago umalis.

Nang makarating kami sa mall, agad na tumakbo si Aera sa toy store at naglibot libot. Kaya ayokong pumunta rito eh, maawa lang ako sa anak ko.

Pagkatapos nitong maglibot sa toy store nanood ito ng mga bata na nag-a ice skating.

"Mama i wanna try."

"No anak hindi ka naman marunong, baka masugatan ka lang let's go." Hinatak ko ito paalis doon. Hindi ito at umimik at sumunod lang sa akin.

"Mama ice cream!" Biglang nagbago ang mood nito at tumakbo sa nagtitinda ng ice cream.

"Oh my god!" Nanlaki ang mga mata ko ng may nabangga si Aera na babae na may dalang kape.

"Aera!" Kinakabahan kong sabi dahil natapon sa kanya ang kape.

"It hurts!" Umiiyak nitong sabi, agad akong kumuha ng pamunas at pinunasan ito.

"Damn! Hindi kasi tumitingin sa daan! Look you ruin my dress! It's a fucking chanel!" Galit na hinarap ko yung babae at sisigawan rin sana ito ng makilala ko kung sino ito.

"What the!" Napatakip ito ng bibig at nanlaki ang mga mata. Napabalik balik ang tingin nito sa akin at sa anak ko. Namutla ako at kinarga si Aera at aalis na sana ng hawakan ako ni Ashna sa braso.

"Mama it hurts."

"I-im sorry... oh god! Zertyl patingnan natin sa doctor. Oh my god Im really sorry."

"N-no i can take care—"

"Zertyl please..... masyadong mainit yung kape na natapon sa kanya and i need to talk to you." Wala akong nagawa at dinala namin si Aera sa pinakamalapit na hospital. Wala itong tigil sa kakaiyak habang nakayakap sa akin.

Pagkatapos na magamot yung paso ni Aera nakatulog ito. Binigyan lang ako ng doctor ng ointment para ilagay ko sa braso ni Aera hanggang sa maging okay na ito.

"What the hell is going on, Zertyl?" Kinausap ako nito sa labas ng kotse dahil nasa loob si Aera natutulog.

"Hindi ka lang umalis dahil ayaw mo na kay Karic, umalis ka para itago at ilayo ang anak nyu sa kanya!" Sumbat nito sa akin. Napakuyom ako ng kamao at pinigilan ang sarili kong magalit.

"Paano mo nasabi na anak ni Karic si Aera?" Tanong ko.

"You're maybe a bitch but i know na hindi ka magloloko habang nasa isang relasyon ka, Zertyl. At nakikita mo ba yang anak mo? Kamukhang kamukha sya ni Karic."

"You know what Zertyl tumitindi na ang galit at inis ko sayo. Alam ko namang hindi mo talaga mahal noon si Karic, nakikita ko iyon sa mga mata mo pero sana naman hindi ka umalis—"

"Wala kang alam Ashna kaya wala kang karapatan na sumbatan ako. Hindi mo alam ang totoong rason kung bakit ako umalis."

"Then sabihin mo sa akin Zertyl! Ipaintindi mo sa akin." Hindi ako sumagot at seryosong tinignan lamang ito.

"Mama....." napabaling ang atensyon ko ng marinig ko si Aera na tinatawag ako. Binuksan ko yung kotse at nakitang gising na ito.

"Did you fight with her mama?" Bulong nito sa akin ng buhatin ko ito palabas ng kotse.

"H-hi....." lihim akong napangiti dahil sa expression ni Ashna.

"Anak, tita Ashna and I still need to talk, pwede bang sa loob ka muna ng kotse?"

"Mama she's rich, look at her car. It's so pretty cool mama." Bulong nito sa tenga ko.

"Y-you can use the tablet b-baby. H-here you can dowloads some games if you want to." Napatingin si Aera dito at saka tumingin saakin. Tinanguan ko ito kaya masayang kinuha nito ang tab kay Ashna.

"Hira is missing, Zertyl." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ashna. Sinabi ko rito na kailangan naming makausap si Hira para maliwanagan ako at malaman yung totoo.

"That damn leech! She deserves the struggles that she is facing right now." Napailing ako kay Ashna.

"No one deserve to suffer, Ashna."

"What!? It's true, she did everything para masira kami ni Rius, nagpabuntis sya sa gago kong ex para pakasalan sya nito. And now napapabayaan na nya yung anak nya dahil sa kakasunod kay Rius. Kailanman hindi sya sineryoso ni Rius at deserve nya yun." Galit nitong sabi.

"I can't belive na gumawa sya ng kwento tungkol sa pustahan pustahan—" napahinto ito ng makita ang tinging binibigay ko rito.

"For the fuck sake Zertyl hindi ka pa rin naniniwala na walang pustahan na nangyare? I already told you for so many times, that friend of yours is manipulative. Imagine Karic waited for 3 years na ligawan ka tapos panloloko lang ang lahat?"

"Bakit nga ba naghintay pa ng 3 years si Karic, Ashna?"

"Are you serious? Do you even know yourself when you're in college." Napacross ito ng mga braso at umirap sa hangin.

"Karic did everything para magkaroon kayo ng klase na magkasabay." Napailing iling ito at napatingin sa kotse. Kanina ko naririnig ang childrens song sa loob ng kotse at ang matinis na boses ni Aera.

"You need to tell him about her, Zertyl." Napakagat ako ng labi dahil di ko alam kung paano.

Lumapit ako sa kotse at binuksan ito.

"Mama, i love this thing!" Agad nitong sabi at pinakita sa akin ang tab.

"You can have it if you want it." Nakangiting sabi ni Ashna na ikinanlaki ng mata ni Aera.

"Really po!? But mama said na bawal pong tumanggap na kahit ano sa stranger." Nakangusong sabi nito.

"But im not a stranger baby. Im your daddy cousin." Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan. Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Napatakip ng bibig si Ashna at napatingin sa akin.

"She didn't know?" Bulong nito sa akin.

"I have one?" Para akong tinusok ng libo libong karayom sa dibdib dahil sa tanong nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na't nakita kong nanunubig ang mga mata nito.

"Why don't we go to mall baby? I will buy you a lot of toys!" Masiglang sabi ni Ashna para mabaling ang atensyon nito sa iba.

Laking pasasalamat ko ng bumalik ang ngiti ng anak ko ng dalhin ito ni Ashna sa mamahaling mall. Binilhan nito ng maraming laruan si Aera at walang tigil sa pagpapasukat ng mga damit sa anak ko. Hindi ko pinigilan si Ashna dahil nakikita ko ang tuwa at kislap sa mga mata ng anak ko.

Tuwang tuwa ito habang may sinusukat ang iba't ibang damit. Walang tigil sa kakapicture si Ashna kay Aera at todo pose naman ang anak ko.

7 na ng gabi at ayaw pang pakawalan ni Ashna si Aera pero yung anak ko nakatulog na sa pagod.

"Zertyl i promise you na hindi ko sasabihin kay Karic but you should tell it to him sooner." Seryosong sabi ni Ashna ng ihatid kami nito sa apartment.

"Maghahanap ako ng pagkakataon, Ashna." Umiling ito at hinaplos ang mukha ni Aera.

"Wag mong sabihin iyan, Zertyl. Nakadepende sayo kung kelan mo sasabihin iyon." Sabi nito at pumasok na ulit ng kotse. Nagpaalam ito bago umalis.

Gulat na gulat si papa sa dami ng paper bags na dala ko habang buhat si Aera, nagmamadaling kinuha nito sa akin si Aera at saka hinatid ito sa kwarto namin.

Napakagat ako ng labi at napakuyom ng kwmay dahil sa kaba. Seryoso akong tinignan ni Papa ng makalabas ito sa kwarto namin.

"Sisisihin ko na naman ba ang sarili ko dahil bumalik na naman tayo dito. Hindi ako nagtanong ng mapansin na wala ka sa sarili mo nitong nakaraang araw. Palagi kang tulala, nagbiro ako tungkol sa tatay ng apo ko para malaman kung yun na naman ba ang dahilan?"

"Pa...."

"Hindi ko alam ang nangyare, ayokong mag isip ng masama tungkol sa kanya dahil wala akong alam. Sabihin mo sa akin Zertyl nagkita ba ulit kayo? Sinabi mo ba ang tungkol kay Aera?" Napaiwas ako ng tingin at umiling.

"Hindi ako kokontra sa kahit na ano anak. Maging masaya ka lang at mabuti ang buhay ay okay na ako." Napalabi ako at niyakap si papa.

Sinabi ko ang lahat kay papa at wala akong tinago ni isa. Ito ang kauna unahang pag oopen up ko kay papa tungkol sa buhay ko. Never akong nag open up sa kanya dahil sa isip ko noon hinding hindi ako makakakuha ng sagot. Lahat ng kaklase ko nag o-open up sa mga ina nila kaya nahirapan akong ishare ang mga problema ko at tinago ko iyon hanggang sa lumaki ako.

"Anak naniniwala akong mahal ka nung lalaki. Mahirap maghanap ng pagkakataon na umamin sa mga babaeng katulad mo." Sinundot nito ang noo ko na ikinatalim ng tingin ko rito.

"Hindi ko alam kung bakit di ko napansin ito sayo noon. Hindi ko nakitang inlove kana pala." Napanguso ako at humilig sa dibdib nito.

"Yung ibang ama ayaw na ayaw nilang magkaroon ng jowa yung mga anak nilang babae pero ako baliktad, pinagdadasal ko noon na sana makahanap ka ng taong mamahalin mo. Lumaki ka ng puro pag aaral ang nasa isip mo para makaahon tayo sa kahirapan. Ikaw lang ang nag iisa kong anak at kapag nawala ako ikaw na lang mag isa sa buhay. Gusto kong magkaroon ka ng katuwang sa buhay."

"Kahit na nasaktan ako?"

"Naiintindihan ko ang kwento mo anak. Hindi ko man kilala yang tatay ng anak mo pero mas pipiliin kong paniwalaan sya kesa sa kaibigan mong nang agaw. Limang taon mo ng kaibigan yun at pumupunta sya noon sa bahay. Ayoko sa ugali nya pero nakikita kong sya lamang ang kaibigan mo kaya pinabayaan ko na."

"Ang problema lang nabuntis ka ng maaga, hindi mo man lang hinintay na makagraduate ka." Sabi nito at pinitik ang noo ko.

Simula ng mabuntis ako sinuportahan ako ni papa sa lahat ng kailangan ko. Hindi ako nakarinig ng kahit ano mula dito. Inipon siguro nito ang sermon nito kaya kahit halos makatulog na ako hindi pa rin tumitigil sa kakasermon.

Kinabukasan maaga akong gumising dahil plano kong magsimba. Pagkamulat ko ng mga mata wala na si Aera sa tabi ko at naririnig ko ang tawa nito mula sa labas. Napakunot noo ako at nag ayos ng sarili bago lumabas.

"Zertyl! Hi." Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Veyra at Ashna na nakikipaglaro kay Aera.

"Oh my god Zertyl." Tumakbo si Veyra papunta sa akin at agad akong niyakap. "Ashna told me everything." Sabi nito at kinurot ako sa tagiliran. "You bitch umalis alis ka kaagad ng hindi kinukumpirma kay Karic kung totoo ba."

"Masyadong poisonous yung bibig ng kaibigan mo no?" Hindi ako sumagot at pinuntahan si papa sa kusina.

"Pa, bakit mo pinapasok ang mga yun?" Ngumiti si papa at sinilip ang tatlo sa sala.

"Tingnan mo anak may mini refrigerator na tayo at saka ang dami nilang dalang groceries." Napanganga ako sa sagot ni papa at di makapaniwalang tinignan ito. Tumawa ito at binigyan ako ng kape.

"Si Aera ang nagpapasok sa kanila anak. Nagising lang din ako na nandito na sila. Pinsan pala yan ng tatay ni Aera kaya winelcome ko na. Mababait naman sila anak kaya okay lang." Napataas ako ng kilay sa sinabi nito.

"Mabait kasi unang kilala mo pa lang sa kanila. Dapat hindi kayo nagpapasok ng hindi nyu kilala hindi mo alam baka mga sindikato ang mga yan."

"Hoy! Maka sindikato ka sa ganda kong to!?" Reklamo ni Veyra na pumasok ng kusina. Nginitian nito si papa at nakihingi ng kape.

"Plastic." Bulong ko na ikinsingkit ng mga mata ni Veyra. Napakunot noo ako ng makitang nakatitig si Papa kay Veyra.

Pinanlakihan ko ng mata si Papa kaya napaiwas ito ng tingin. Nang makalabas ng kusina si Veyra agad na hinampas ko si Papa sa balikat.

"Ano yun, Pa? Wag mong sabihin na may gusto ka sa kaibigan ko?" Tanong ko na nandidiri.

Natawa si Papa at napailing.

"Naalala ko lang si Kristela sa kanya anak." Natahimik ako at napatitig kay Papa. Minsan lang nito kung banggitin ang pangalan ni Mama. Sinabi rin ni Papa noon na kamukha daw ni Mama si Aera kaya naman grabe ang pag aalaga nya dito.

I never have a chance to met my mother. Ang sabi ng mga kapitbahay namin noon na namatay daw si Mama sa panganganak sa akin pero chismisan lang naman ng iba at hindi sila sigurado. Dumating raw si papa doon na ako lang ang kasama at never rin nilang nakita si Mama.

Walang sinabi si Papa tungkol doon. Pero para sa akin, hindi pa patay si Mama, nasa malayo lang sya at baka may iba ng pamilya. Hindi ko alam ang nangyare dahil never na nagkwento si Papa tungkol kay Mama.

"Natulala ka na dyan, wag mo ng isipin yun at maligo ka na. Nakakahiya yang hitsura mo sa mga bisita." Blankong tinignan ko si Papa at saka iniwan ito sa kusina.

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ng kwarto para kumain ng breakfast.

"Pa nasaan na sila?" Tanong ko ng di ko nakita ang tatlo sa sala.

"Ah hihiramin daw muna nila si Aera anak." Nanlaki ang mga mata ko. Kalmado pa talaga si papa ng sabihin iyon.

"Anak ng! Hindi man lang nagpaalam sa akin? Ano to wala ng respetohan?" Stress kong sabi at napaupo.

"Sumunod ka na lang daw anak. May iniwan silang card dito. Condo daw iyan ni Ashna." Napatingin ako sa card na binigay ni papa.

"Pa bakit mo naman ipinagkatiwala si Aera sa kakakilala mo pa lang?" Inis kong sabi.

"Mga kaibigan mo naman sila anak at saka kilala sila ni Aera. Magkamukha kaya ang dalawang yun." Napairap ako dahil mas kamukha nga ni Veyra si Aera.

"Paano mo naman nasabing mga kaibigan ko ang mga yun?"

"Nagmumurahan kayo eh." Sabi nito at umalis ng kusina. Napaawang mga labi ko at di makapaniwalang tiningnan si papa na papaalis.

Ganun ba yun? Ano lahat ba ng mumurahin ko, kaibigan ko na rin?

Napailing na lang ako at pumasok ng kwarto para magbihis. Sinubukan kong tawagan si Ashna pero hindi sumasagot. Wala naman akong number ni Veyra kaya nagmamadali na lang akong sumakay ng jeep para makarating agad ako.

Sumakay pa ako ng taxi para saktong lokasyon yung pupuntahan ko. Binigay ko lang sa driver yung card at ilang minuto lang at nakarating na rin ako.

Masyadong strikto yung guard at talagang hinanapan pa ako ng Id. Nang makapasok sa loob pinakit ko rin sa receptionist yung card at di ko alam kung bakit ang iba ang ngiti nito at agad akong inalalayan sa elevator. Nang makarating kami ng 7th floor. Sinabi ng receptionist na itatapat ko lang daw yung card sa scanner at bubukas na ang pinto. Tumango ako at nagpasalamat dito bago ito umalis.

Hinanap ko yung room number at talagang nasa dulo pa. Sinunod ko yung sinabi ng babae at napaatras ako ng mag beep yung scanner at biglang bumukas yung pintuan. Napahinga ako ng malalim bago pumasok.

"Ash!" Sigaw ko ng makapasok ako sa pintuan. Wala akong narinig na sagot kaya pumasok na ako ng tuluyan.

Para akong nalula sa laki ng condo na ito. Ilang beses akong sumigaw pero walang sumasagot.

"Sakto ba yung napuntahan ko?" Wala sa sariling tanong ko at naupo sa sofa. Well gumana naman yung card. Napakibit balikat ako at pumunta sa taas. Lahat ng kwarto ay lock maliban sa dulo.

"Tulog ba sila? Ang aga pa ah!" Tuloy tuloy kong binuksan yung pintuan.

"Oh my god!" Gulat kong bulalas ng makita si Karic na nakahiga sa malaking kama sa gitna ng kwarto.

"W-what the F*CK!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status