Paniguradong gagawa pa rin ng paraan ang mga De Chavez para mabili ang mga shares niya.“Si Mr. Gu, ang balita ko ay unti-unti na ring lumalago ang ipinatayong kompanya ng anak niya sa US at hindi malabong ituon ang atensyon niya dun para tulungan ang anak niya at kapag nangyari yun, hindi imposibleng mabili rin natin ang shares niya.” saad ni Garlyn.“Hindi pa rin tayo sigurado kung ibebenta niya dahil alam mo naman na kahit nasa ibang bansa sila nakukuha pa rin nila ang mga profit nila. Sinwerte lang tayo kay Mr. Miller.”“Ako na ang bahalang kumausap sa kanila kung sino man ang magbebenta ng shares nila. Subukan ko rin makipagnegotiate sa mababang price.” Tumango naman si Monique. Maaasahan niya talaga si Garlyn sa lahat ng bagay. Hindi lang siya basta secretary lang kaya malaki ang sahod na ibinibigay sa kaniya ni Monique.Samantala naman, pinakuha ni Julia ang records ng mga shareholders nila. Halos lumuwa ang mga mata ni Julia nang makita niya kung ilan na ang hawak ni Monique n
Boring ba itong story ko na ito? Para kasing walang thrill, parang ang boring. Parang naboboring na rin kasi akong isulat siya dahil hindi ko napag-isipan ng masyado yung plot o baka hindi ko lang bet yung plot na ginawa ko kaya pakiramdam ko naboboring na rin kayong basahin ito. Dumagdag pa yung mga ongoing stories ko na gumugulo sa isip ko. Please response huhu, sa mga readers na nagbabasa at sumusuporta na lang kasi sa story na ito ako humuhugot ng inspiration para ituloy itong story. Kasali rin kasi siya sa contest ng platform pero ang bagal ng usad ng views niya kaya pakiramdam ko iniwan na ito ng mga readers dahil baka naboring nang basahin. Hindi siya katulad ng mga nakalipas kong story na mabilis talaga yung views at maraming commentors para sa next update. May nagbabasa ba nito?
Nakatitig lang si Julia kay Brylle at hindi maitatago sa itsura ng bata na nakuha niya ang physical appearance mula kay Aidan. Mukhang matalino rin siyang bata.“I want to go home na po. I don’t know you and I don’t want my Mom to worry about me. She has a lot of things to do. So, I’m begging you po, please let me go home.” Sa tono ng pananalita niya, matured siyang mag-isip pero hindi mawawala ang pagrespeto niya sa nakakatanda sa kaniya.Napataas na lang ang kilay ni Julia dahil ang akala niya ay hindi napalaki ni Monique ang anak niya. Oo, apo niya ang batang kaharap niya pero plinano ni Julia na sirain ang imahe ng bata kung sakali mang makita niya ang pangit nitong ugali kaya niya ito pinakidnap.“Hindi naman kita kinidnap. Sasama ka ba sa akin kapag sinabi ko sayong sumama ka sa’kin?”“Why would I? I don’t know you and my Mom always told me not to go with strangers. May I know what connection you have with my Mom? Are you her enemy?” hindi alam ni Julia pero natutuwa siya sa bat
“Why did you do that?! Bakit mo pinakidnap ang bata?! Sinabi ko ba sayo na gawin mo yun? Sa ginagawa niyo mas lalo niyong pinapalayo sa akin ang anak ko!” sa sobrang galit ni Aidan ay tinabig niya na ang mga nakadisplay na vase sa gilid.Napapasigaw na lang si Julia sa bawat pagbagsak ng mga vase.“Alam mo ba kung magkano ang halaga ng mga yan?! Nagmula pa sa Korean dynasty ang mga binasag mo!”“As if I care!” tila kulog na dumagundong ang sigaw ni Aidan. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa kaniyang ina.“What do you think you’re thinking Mom?! Sa tingin mo ba palalampasin ng mga Sandejas ang ginawa niyo? Kidnapping ang ginawa niyo kung hindi niyo alam!” siguradong mas hihigpitan ni Monique ang seguridad kay Brylle kaya mas lalo siyang mahihirapan na makita ang anak niya. Sa sulyap niya na nga lang ito nakikita mahihirapan pa siya.“Gusto lang kitang tulungan anak dahil nung sinabi mo sa akin na hindi totoong wala kayong anak ni Monique pinaimbestigahan ko siya!”“Nakakatulon
“Where is my attorney now? Call him and release me.” mahinang saad ni Julia dahil natatakot siyang saktan na naman siya ng mga kasamahan niya sa loob. Nilingon ni Julia ang mga kasama niya at mabilis na iniwas ang paningin niya nang makita niyang nakatingin ang mga ito sa kaniya.Napapalunok na lang siya at gusto niya nang umalis.“Papunta pa lang po, Ma’am. Pakihintay na lang.” gusto pa sanang magreklamo ni Julia dahil ikinulong siya kaagad hindi man lang hinintay ang lawyer niya. Hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya ang sakit ng sikmura niya dahil malaki ang kamao ng babaeng sumuntok sa kaniya.Nagmamadaling nagpunta ng prisinto si Hudson kasama ang attorney ng pamilya nila ng malaman niya ang ginawa ng asawa.“Where’s my wife?” tanong ni Hudson sa isang pulis. Itinuro naman nila kung nasaan si Julia.“Why did you take her in?! Nasampahan na ba siya ng kaso para ikulong ninyo? Imbita pa lang
“What do you mean?”“Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng isang bracelet. Nung kunin ko si Brylle sa bahay ng mga De Chavez nakita kong suot-suot ni Mrs. De Chavez ang bracelet na pareho ng kay Isabella at pareho ng hawak natin ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali Kuya dahil kilalang kilala ko ang bracelet na yun. Ngayon, kung dalawang piraso lang ang meron na bracelet na ganyang design, si Isabella at Mrs. De Chavez ang nagmamay-ari. Kung una pa lang alam na ni Isabella ang tungkol kay Brylle bakit gulat na gulat pa rin siya ng malaman niya ang tungkol sa anak namin ni Aidan? Sa tingin mo, possible ba ang iniisip ko?” naguguluhan niyang tanong dahil nahihirapan siyang pagdugtong-dugtungin ang mga nangyayari.Masyado silang nalilito kung sino ba ang dapat na pagdudahan.“Posible pero maaari ring nagkukunwari siyang walang alam para hindi mo siya pagdudahan. Kung suot naman ni Mrs. De Chavez yung sa kaniya at wala yung kay Isabella,
Gusto sanang sunduin ni Aidan ang mag-ina niya pero magpapahatid na lang daw sila sa driver ni Monique. Maaga pa lang ay nandun na siya sa restaurant para masiguro na kompleto lahat ng inorder niya.“Reservation for Aidan De Chavez,” saad niya sa babaeng nasa front desk.“Aeron, for Mr. De Chavez,” tawag niya sa isang lalaking katrabaho niya rin. “Pakisundan na lang po siya Sir,” nakangiti nitong saad. Sinundan naman na ni Aidan ang lalaki.“May inihanda po kaming room para sa inyo Sir. Kung isasama ka po kasi namin sa mga customers baka magkagulo pa dahil nakalagay na po sa menu namin na not available for the moment ang lobsters. Kapag nakita po kasi nila na may inilabas kaming lobsters para sa ibang customers paniguradong magrereklamo po yun sila sa counter.” Wika ng lalaki na ikinatango naman ni Aidan.Pumasok na silang dalawa sa isang room at napatango-tango na lang siya dahil maganda naman ang kwarto at
Pagpasok ni Monique ay nagulat pa siya ng makita niya si Zamir na naghihintay sa sala.“Zamir,” wika niya. Tipid namang ngumiti si Zamir kay Monique.“Lumabas pala kayo kasama si Aidan? Nakalimutan mo bang we also have a dinner tonight? Sinabi ko na yun sayo noong nakaraang araw pero mukhang nakalimutan mo.” naalala naman ni Monique na ngayon nga din pala sana ang dinner nilang tatlo.Bigla siyang nakonsensya dahil nakalimutan niya yun.“Ihatid ko lang si Brylle sa kwarto,” aniya saka niya nilampasan si Zamir at iniakyat na si Brylle sa kwarto nila. Maingat niyang ibinaba si Brylle. Napabuntong hininga na lang si Monique dahil nauna si Zamir na imbitahan sila para magdinner tonight pero si Aidan ang inakit niya.Bumaba na si Monique at nandun pa naman si Zamir.“Kanina ka pa ba rito?” mahinang tanong ni Monique. Bago mag-alas syete ay umalis na silang dalawa ni Brylle ng bahay at mag-aalas dyes