Share

Chapter 37

Tamad na tamad akong sinuot ang jacket ko at hinayaan na lang ang buhok kong basa pa. Wala. Nakalimutan ko nanaman ang blower ko.

Buti na lang at teachers na ang bahala sa pagkain naming facilitators. Aba, dapat lang! Pagod na nga kami paglulutuhin pa kami. Kami na nga gumagawa ng dapat na trabaho nila.

Pero bago pa ako makalabas ay may bumangga na sa akin at hinila ako papasok sa kabilang kwarto. Kung nasaan ang kwarto ng mga lalaking kasama namin.

Agad niyang isinara pinto na hindi na ako nakaangal pa.

Ano na naman ba ang problema n'ya?

Linibot ko ang tingin ko sa kwarto nila at halos mapamura nang makitang mas maayos pa ang kwarto nila kesa sa amin!

Aba't naka foam pa! Eh banig lang iyong amin. Walang hiya kasi iyang Ysa, proud na proud pang sabihing siya nang bahala sa hihigaan namin. Banig naman! Mas pwede pang higaan iyong kinuha kung comforter.

Ang mga gamit nila ay nasa iisang sulok habang kami ay kung saan saan nakikita.

Tag iisa sila ng foam at comforter. Parang hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status