Share

Chapter 5

"Uhmm..."

I groaned when I felt a severe headache. Damn it! I tried to search for my phone but I almost freak out when I touch something flexed.

Mabilis akong napamulat at napabangon saka nilingon ang katabi ko. I was greeted by a familiar deep set of cold eyes.

"What the fuck?! Why are you fucking here devil?!" His brows furrowed as he get his ass up from my bed, mabilis niyang kinuha ang t-shirt niya at sinuot 'yon kaya bigla akong napalunok dahil sa nasaksihan kong pag-flex ng mga muscles niya. Mabilis kong sinuri ang sarili ko at nakahinga ako ng maluwag nang nakasuot pa rin ako ng damit na suot-suot ko kagabi. Pwera sa jacket ko at sapatos na wala na. I sighed as I look back at Hage busy on his phone.

"You brought me here," It's not a question cause obviously, he did.

"Farah," nanigas ako ng marinig siyang magsalita hindi dahil sa kinakausap niya ko, kundi dahil sa katawagan niya. Is that the girl he's with yesterday?

"Yeah, I'm at someone's place. Uuwi na rin ako. Hintayin mo na lang ako."

"Yes, okay. Take care. Bye!" Marahan akong bumangon nang marinig iyon. Inayos ko ang buhok ko at walang sabi-sabing pumasok sa bathroom para maghilamos at mag toothbrush. Pagkalabas ko'y naabutan ko pa siyang sinusuot ang sapatos niya.

"Alis ka na?"

"Obvious ba?"

"Malay ko ba kung gusto mo pa lang makipag sex sa 'kin dito?" I joked. Kahit na mukhang seryoso ang pagkakasabi ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin at umiling.

"You disgust me. I can't see myself  having intimate scene with you, you're not even my type."

Pagkasabi niya noon ay mabilis na siyang tumayo at tinitigan ako. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang mantsa ng kulay pula na medyo nag b-brown na sa mangas ng t-shirt niya. Lumapit ako saglit sa kaniya at walang sabi sabing hinawakan 'yon kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at inalis 'yon sa pagkakahawak sa kaniya saka inilayo ang sarili.

"Is that a blood?"

"No."

"It smells like one. Is that..." Pilit kong inalala kung saan ko unang nakita iyon. I can tell that I saw it, I already did.

At my car!

"Sabihin mo nga sa 'kin kung anong nangyari kagabi?" Taas-kilay na utos ko sa kaniya. Biglang nawalan ng emosyon ang mukha niya at naglakad na papalabas ng kwarto ko pero mabilis kong hinila ang braso niya pabalik.

He leaned on my door as he stares at me.

"Tell me Frost, what the hell happened last night?"

"Some fuckers wants you dead. Happy?" Napaatras ako bigla sa sinabi niya. I don't know what to say.

Wants me what?!

"You always want to put yourself in danger."

"Why do you care?" gumaralgal ang boses ko lalo na ng ma-realize na iniligtas niya ako. Pano kung wala siya? I'm so wasted last night. Hindi ko naman kasi akalain na malalasing ako, dahil bibihira mangyari 'yon. Mataas ang alcohol tolerance ko.

"Stop drinking alone," Matigas na bilin niya na mas lalong kinainis ko.

"Why are you fucking doing this huh?! You hate me! You must be! You must hate me! Tutal doon ka magaling eh! Then why are you fucking doing this?! Wala ka dapat pakialam diba? Bakit ba lumalabas na concerned ka kahit ang totoo hindi naman! Stop giving me false hope Hage!" Mas nainis pa ako ng wala namang nagbago sa reaksyon niya. The side of his lips rose up.

"You know why I can't let you die?" Napigilan ko ang paghinga ng bahagya siyang lumapit at inayos ang takas kong buhok para alisin mula sa pagkakaharang nito sa mukha ko.

"The best way of killing someone is by killing her slowly. I can't just let you die in one snap without suffering in too much pain. I want you suffer, I want you to feel the most unbearable pain. To the point that you'll choose to take your own life. Gusto kong patayin ka, pero mas gusto kong ikaw mismo ang gumawa noon sa sarili mo. Nasagot ko na ba ang tanong mo? Shenlo Mcdemort?" Isang nakakalokong ngisi ang binigay niya sa 'kin bago siya tuluyang umalis.

Nanigas lang ako roon at natulala, pilit pinoproseso sa utak ko ang sinabi niya at nang marealize ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay unti-unti nang tumulo ang mga luha ko.

My breathing becomes harsh. Bumibigat na rin ang dibdib ko at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.

He wants me to take my own life?! Fucking bullshit! Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo roon bago ko naisipang magasikaso na para pumasok.

I was not in my mood the whole fucking day. My mind was so occupied by what he said earlier.

After dismissal ay nagpasya na akong lumabas. Mabuti na lang at hindi ko nakita si zejin dahil baka mas mawala lamang ako sa mood.

I was walking at the hallway when I saw familiar face. He is looking at somewhere when I decided to walk near him.

Nagulat pa ako ng makita kung saang direksyon siya nakatingin. Sa building nila Reign.

"Still chasing her for the contract?" Bahagya niya akong nilingon at tinitigan.

"Hage is back..."

"I know."

"I know your plans."

"Sure you do."

"She'll choose me."

"How sure you are?" Kita ko ang pagtagis ng bagang niya at marahas akong nilingon. Cunning look came into his eyes. No wonder, if Hage is the devil, this one must be the demon.

"I'll never let you ruin all of my plans."

"Then kill me," I mocked at him as his brows furrowed. Tila ba bigla siyang may naalala at napalayo sa akin ng konti. Kaya ako naman ang biglang nagtaka sa ikinilos niya lalo na ng umiwas siya ng tingin.

"It's not my thing to stick my nose on someone's business. So, I suggest you to stop meddling on mine. If you want her alive."

My jaw almost drop when he said that. No wonder, they have the same blood running on their veins. A Frost will always be a Frost. They are just the same. Isang dahilan para mas ilayo ko sa kanila ang kapatid ko.

Muli pa akong sumilip sa building nila bago lumabas ng school. I drive through her café, madalas ako rito pag wala siya. This is my favorite café so far.

I ordered cafe americano, cheese salad and lemon merinque pie for take out. Before I drove off to my house. Pagkatapak na pagkatapak ko palamag sa harapan ng pintuan ng bahay ko'y may naramdaman na agad akong kakaiba. I smell the air, I could sense something. Danger.

Mas naging alerto ang pakiramdam ko at tahimik na pumasok sa bahay, nilapag ko muna sa lamesita ang binili ko habang tahimik na nakikiramdam sa paligid. My door clattered as I felt the cold wind like something passed by me. It was fast, but the smell lingered on my nose.

Malaya kong nararamdaman ang bawat galaw nito maging ang direksyon kung saan tutungo, hindi ko man nakikita ay agad kong nalalaman ang susunod na magiging galaw niya. Kaya naman isang ngisi ang pinakawalan ko ng maramdaman ang mabilis niyang pagsugod sa likuran ko.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at sa pagdilat ko ay mabilis kong sinalo ang kamay niyang umambang hahampasin ang batok ko gamit ang matalas niyang mga kuko at mabilis ko siyang binagsak sa sahig.

I towered him and pinned his body using my legs. As his dark red eyes and fangs greeted me. Vampires. Anong kailangan nila sa 'kin?

Mariin kong hinawakan ang dalawang palapulsuhan niya, as I raised my free hand showing my claws, as I immediately scourged his neck, tumalsik ang dugo nito sa mukha ko na mas nakapagpagana sa aking pumatay, mabilis kong binaon ang kamay ko sa dibdib niya ng ilang beses bago ko siya tinigilan. I felt the urge of killing, I'm even craving for that cold, metallic taste. I could feel my throat went dry. That I know no matter how hard I tried to drink cold water, it won't help.

Marahas kong binitawan ang wala ng buhay na katawan ng hampas lupang bampirang sumugod sa 'kin rito sa hindi malamang dahilan at pabalang na pinunasan ang mukha ko bago nilibot ang paningin. Tumama ang mga mata ko sa salaming malapit sa living room at doon ko nakita ang itsura ko.

May punit na ang t-shirt ko sa bandang tiyan, marahil ay gawa ito kanina ng subukang manlaban ng isang 'to bago ko mahawakan ang nga kamay niya. Hindi ko naman ininda iyon dahil agad na naghilom ang sugat na dinulot noon sa akin. My face was covered by blood and I could even see my intense red eyes and fangs. Hangang ngayon ay palagi parin akong naninibago sa itsura ko. The kind that I once hated. I am now one of them.

Tila isang basurang itinapon ko sa bangin ang katawan ng di ko makilalang bampira. Hindi ito pamilyar sa akin. I stared at the city lights from here.

Sumandal lamang ako sa kotse ko habang hindi maalis ang tingin doon.

I clenched my fist on my chest when I felt a pang of pain. Madalas ko itong maramdaman noon pa man na dumating nalang sa puntong nakasanayan ko na.

I know this has something to do with that fucking contract and this is what he was talking about.

The pain that would kill me.

He's not going to hurt me physically.

The pain he was talking about, is the emotional torture.

Saksaktan niya ako sa pamamagitan ng bond na mayroon kaming dalawa. He activated again the contract, na siya lang naman talaga ang makakagawa sa aming dalawa, dahil siya ang bumuhay sakin. Nalaman kong in-activate niya 'yon nang makita ko sila ng babaeng kasama niya sa restaurant, I felt this kind of pain. It was too hard to bear. The jealousy. He will hurt me by means of making me jealous. By flirting, dating, with other girls. Parte ng bond na masaktan ang itinakdang mate nang isang bampira kapag may ibang babae siyang pinili. This contract needs faithfulness. Kapag nahanap mo na ang mate mo, you must stick with her or else she'll suffer in pain that might leads her to her painful death. Kapag masyado kong pinabayaan ang sarili ko na maapektuhan sa ginagawa niya maaari kong ikamatay iyon.

I can feel tears at the side of my eyes, I was trying to hold it. Cause I don't need it right now. Ang dami-dami ko pang kailangang gawin, at kailangan ko munang alisin sa sistema ko si Hage.

Mabilis kong pinalis ang luha naiyon at nagpasya nang umuwi kahit pakiramdam ko'y nanghihina ako.

Pagkauwi ay hindi ko na inisip pang kumain ng gabihan, pinili kong matulog agad dahil sa pakiramdam na ano mang oras ay babagsak nalang ako sa sahig sa sobrang hina. Mabuti nalang at naayos ko na ang sarili ko kanina bago ko itapon ang b****a sa pamamahay ko kaya naman makakatulog agad ako ng naaayon sa gusto ko.

In the middle of sleeping, I just felt something on my neck. As if someone's kissing me there. But I am not in myself to find out if it's real. I just groaned and bit my lips for the sensation caused by that kisses that I don't even know if real. The scent was somehow familiar. But I'm too tired to confirm it.

Nagising ako ng pawis na pawis at tila galing sa malayong pagtakbo dahil sa paghingal.

Marahan kong inihilamos ang palad ko at nilibot ang paningin sa kwarto. Damn I am literally sweating. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko at nagulat na tanging black na bra na lang ang suot kong pangitaas at nanatili naman ang short ko. Maayos na nakatiklop ang t-shirt ko at nakapatong sa unan sa tabi ko na ipinagtaka ko. Hindi ko maalalang hinubad ko iyon. Kumikilos ba ako ng parang gising kapag tulog?

Nailing ako sa naisip at binalewala nalamang iyon bago pumasok sa cr para maligo at magbihis.

Pagkaasikaso ng gamit ay bumaba na rin ako para magluto ng almusal ngunit ganun na lang ang gulat ko ng makitang may tao na roon at abala sa pagluluto.

"What the fvck are you doing here?" Hindi niya ako nilingon at tahimik na hinain ang niluto niya sa mesa.

"You didn't eat dinner."

"So?" Pabalang na sagot ko ng bigla may naalala.

"Hey! Did you strip me off last night?!" Para naman siyang nagulat at napaiwas ng tingin.

"So? What if I did?"

"Bastos!" ngumisi siya sa 'kin at naupo sa harapan ko.

"Pinagtripan lang kita. Hindi ako bastos," Sinamaan ko siya ng tingin at nagsimula ng kumain habang siya'y nanatili lamang na nakatitig sa akin.

"Someone attacked you yesterday?"

"Yeah, I killed him."

I saw how his jaw move aggressively.

"You must move out."

"What do you mean?"

"You're not safe here anymore."

"I don't fucking care, I am not safe in anywhere."

"You're safe at my house."

"Seriously Frost? You want me in your house? Really? Ginagago mo ba ako?" Tumalim ang tingin ko sa kaniya at binagsak ang toasted bread na kinakain ko.  Nagkibit balikat siya at nakakalokong ngumisi sa akin.

"I told you I don't want you die easily," Mapakla akong tumawa sa sinabi niya.

"Don't worry I won't let myself die easily too. I still have plans, saka na ako papakamatay kapag nagawa ko na, kaya relax lang ha?" Nanunuyang sabi ko sa kaniya at tumayo na.

"You really know how to ruin my mood."

"It's my honor Mcdemort."

Bahagya ko siyang nilingon at tinitigan bago umiwas ng tingin at derederetsong umalis. Nanikip lang ang dibdib ko ngunit agad din naman iyong nawala.

Hindi niya talaga ako titigilan. Papahirapan at papahirapan niya ako at hindi ko gusto iyon. Gustuhin ko mang lumayo pero mahahanap at mahahanap niya ako.

Hinding-hindi ko siya maiiwasan. Alam ko, dahil minsan ko nang sinubukan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status