Confession.~~~Van POVNapa ngiti ako ng makita kong natigilan si Aphrodite nang makita niya ang rooftop. Lumingon siya sa akin."Anong meron?"tanong niya. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya palapit sa railings dito sa rooftop saka tumingin sa mga ilaw sa baba."Ang sarap ng simoy ng hangin hindi ba?"tanong ko. Hindi siya sumagot. Bakas parin sa kanyang mukha ang pagka gulat.Ngumiti ako. Masyado ko ata syang na surpresa.Nakalimutan ko si Von na sabihan na mag patugtog ng romantic song kaya wag nalang. Mas mabuti to, deretso confess agad mamaya baka ma diskaril nanaman eh."Van, baka hinahanap na tayo sa baba?"tanong niya. Lumingon ako sa kanya at umiling."Hindi yan, nag paalam naman ako sa kanila."sabi ko. Ngumiti siya. Pilit na ngiti.Na aakwardan ata siya."Aphrodite may sasabihin ako."sabi ko at tinignan siya ng seryoso. Sigurado akong mamamatay sa kilig itong si Aphrodite pag isang Van Floyd Vaughn na ang nag confess sa kanya.Hinawakan ko ang dalawang kam
Debate.~~~~Cleopatra POVNaka tingin lamang ako sa kanina pang umiiyak na si Van. Dama ko ang lungkot na nararamdaman niya. Naka upo siya sa lapag at naka sandal sa railings ng rooftop habang umiinom ng wine na pina kuha niya sa akin kanina.Hindi ko alam kung bakit naaawa ako sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit nasasaktan ako para sa kanya."Tama na yan." Umakto ako ng Normal. Inagaw ko ang hawak niyang wine saka nilayo sa kanya. Natawa siya at pinikit ang mga mata."Ano bang mali sakin?"biglang tanong niya.'Wala, walang mali sayo Van.'Hindi ako sumagot."Ang akala ko gusto niya din ako."'Hindi naman kasi lahat ng akala ay tama na. Madaming namamatay sa maling akala Van.'Mas pinili kong manahimik kesa sa sabayan siya. Ayokong maramdaman niya na naaawa ako sa kanya."Nasa akin naman na ang lahat pero bakit... Bakit ayaw niya sa akin?" Inis na tanong niya at tumingin sa akin."Cleopatra, pangit ba ko?"tanong niya. Hindi ko siya sinagot.'Hindi ka panget Van.'"Cleopatra, masam
Pag sunod.~~~~Van POVMaaga pa lang ay ginising ko na si Von para gawin ang plano namin. At yun ay ang sundan si Aphrodite."Morning."bati ni Leana sa amin ni Von na kumakain sa baba.Ba't ang aga naman ata nito magising?"Bakit ang aga mo magising?"tanong ko kay Leana. Kadalasan kasi ay mga hapon na sya nagigising. Kinuha niya yung baso at nilagyan ng gatas."May lakad kami ni Leona kasama si Aphrodite."nag katinginan kami ni Von."Saan naman?" Tanong ko. Tumingin sa akin si Leana saka ininum ang gata niya."Sa Spa, mall, at iba iba pa. Mag gi-girls bonding kaming lima."sabi niya. Lima?"Lima? Sino sino kayo?"tanong ni Von. Umirap si Leana."Ako, si Leona, Clementine, Cleopatra at Aphrodite. Dapat nga isasama namin si Rizden kaso mag hohoney moon pa pala sila ni Creed."sabi nya.Kasama si Cleopatra? Ibig sabihin. May mata at tenga kami kay Aphrodite. Napa ngiti ako.Bumalik kami sa pag kain ng biglang tumunog ang cellphone ni Leana. Tumingin kami sa kanya na nag titipa sa kanyang p
Mall.~~~Cleopatra POVNag paalam ako kila Aphrodite at Leana na pupunta lang ako sa isang department store dito sa Mall para bumili ng bago kong damit. Well hindi naman siguro masama na lumayo muna ako kay Aphrodite kahit paano diba? Saka isa pa, napilitan lang ako na tulungan si Van. Ni ayaw ko nga na may binabantayan ako. Daig ko pa ang babysitter o bodyguard sa ginagawa ko.Lumabas ako sa bilihan ng sapatos kung saan nasa loob non ang mga kasama ko. Hindi ko talaga sila maintindihan, gusto nila ang mga heels at kung ano ano pang ka artehan sa sapatos. Ba't ayaw nila sa mga normal lang na sapatos.Liliko na sana ako para puntahan ang bilihan ng mga damit ng mabangga ako. Inis kong tinignan ang kung sino mang tao ang nabangga ko at sinamaan ng tingin."Hindi ka ba tumitingin sa---Van?"tanong ko ng tanggalin niya ang shades na suot niya. Tumingin siya sa likod ko saka tumingin sa akin."Anong ginagawa mo dito sa Labas? Dapat nasa loob ka din kasama si Aphrodite."sabi niya."Eh anong
Over protective.~~~~Cleopatra POVTahimik lang akong kumakain habang sila ay nag kwe-kwentuhan. Paminsan minsan ay inaasar nila ako kay Von dahil ang buong akala nila ay may gusto ako kay Von. Nakakainis talaga. Ano bang pumasok sa isip ni Van para gawing dahilan yun? Nakaka irita. Naiirita ako. Bwisit."Cleopatra, hindi ba napapanis yang laway mo? Hindi ka nag sasalita."puna ni Clementine. Awkward lang ako na ngumiti.Wala akong gana mag salita. Nakaka inis."Ganyan talaga si Cleo, gusto niya tahimik lang at kapag kasama mo siya lagi masasanay ka talaga na tahimik siya. Daig niya pa ang pinaka mahinhing babae sa buong mundo."sabi ni Aphrodite na kinatawa nila. Hindi ko yun pinansin. Wala akong pake-alam sa mga sasabihin nila."Bagay talaga kayo ni Von, minsan lang din yun mag salita."sabi ni Leona kaya nabulunan ako."Ayus ka lang ba?" Agad kong ininom ang tubig na nasa tabi ko saka tumango sa kanila."Saan sunod niyong punta?"tanong ni Van."Balak sana namin mag spa kaso kailangan
Van & Cleopatra.~~~~Cleopatra POVHuminga ako ng malalim saka nag lakad palapit kay Van na naka tingin sa kawalan. Nilahad ko sa harap niya ang ice cream na binili ko, tinignan niya yun saka tinanggap. Umupo ako sa tabi niya saka sinimulan kainin ang ice cream ko."Matunaw yan." Sabi ko habang naka tingin sa ice cream ko. Ramdam ko kasi na hindi niya ginagalaw ang kanya. Naramdaman ko na sinimulan niya na yun kainin kaya nag patuloy ako sa pag kain ng akin."Anong balak mo?"tanong ko habang kinakain ang Ice cream ko. Huminga siya ng malalim. Hindi parin siguro siya nakaka recover sa narinig niya kay Aphrodite. Kung nasaan sila? Umuwi na. Nag paalam ako kay Leana na mauna na sila dahil may pupuntahan pa ako."Akala ko ba may alam na lugar kung saan pwede ilabas lahat ng hinanakit?"tanong niya. Tinignan ko siya. Naka tingin siya sa harap niya. Malungkot ang awra niya."Sa palagay ko wala ka ng hinanakit."sabi ko kaya napa tingin siya sa akin. "Lungkot nalang ang meron sayo."dagdag ko.
Relo.~~~~Van POV"May binili si Aphrodite kanina na isang bagay, sabi niya ibibigay niya daw yun sa lalaking gusto niya."Napa tingin ako sa likod ko kung saan may nararamdaman akong presensya. Nakita ko si Cleopatra na naka tingin sa akin. Binalik ko ang tingin sa relo ni Von."May isa pa doon sa loob, para sayo daw yun. Couple watch tayo bigay ni Aphrodite."sabi ni Von kaya tumingin ako sa kanya."Sabi kasi nya, bigla ka nalang daw nawala sa mall, hinanap ka pa nga niya dito kanina eh kaso wala ka. Tara bilis suotin mo." Para akong natuwa sa sinabi ni Von. Kung ganon, hinanap niya ako? Kinikilig naman ako.Inabot niya sa akin ang isang shopping bag."Bilis bro suotin mo na."sabi nya. Kinuha ko iyon sa loob nakitang magkaparehas kami ng tatak pero magka iba ang kulay."Ang galing mamili ni Aphrodite ng kulay."sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya at ngumiti."Sinabi mo pa."sabi ko at sinuot ang relo."Bagay satin bro, kambal talaga tayo dude."sabi niya at tumingin sa akin. "Teka,
Courting Aphrodite.~~~~Van POVMaaga akong nagising, yayayain ko sana si Aphrodite na mag date sa mall. Agad akong bumaba at masayang nag lakad papunta sa kitchen."Anong meron? May pakanta kanta ka pa?"tanong ni Leana. Tumingin ako sa kanya at ngumiti."Masaya lang."sagot ko."Morning guys." Napa lingon ako sa nag lalakad."Von my twin bro, how's your sleep?"tanong ko."I don't know, I'm sleeping that time."nag tawanan kami sa sagot niya."Good morning guys." Tumingin kami sa hagdan, nakita namin sila Clementine at Fin na bumababa."Morning sissy, kelan ba kabuwanan mo?"tanong ni Leona na katabi ni Leana."October."sagot ni Fin at inalalayan ang asawa niya.Tumingin ako sa mga kapatid ko. "Si Creed nalang ang kulang buo na ulit ang Vaughn siblings."sabi ko. Natawa sila."Nag eenjoy pa yun sa honeymoon nila."sabi ni Von."You already missed me Van?"napa tingin kami sa nag salita. Si Creed kasama ang asawa niya."Bro!" Masayang sabi ko at sinalubong siya. Inakbayan ko siya at agad na