Share

Chapter 43. He Betrayed Me And Hurt Me

Nanginginig si Lyka habang hawak-hawak ang kanyang telepono at pinapanood ang video na senend sa kanya. Galit at kirot sa puso ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha ay ang pagbuhos ng kanyang galit. Tinabig niya ang lahat ng nasa ibabaw ng kanilang lamesa. Nabasag ang bote ng alak at natapon ang mga pagkain. Malakas siyang sumigaw habang umiiyak.

“Lyka, ano ba ang nangyayari? Ano yung nakita mo sa telepono?” Nag aalala at nalilitong tanong ni Mitch.

Lumapit sila kay Lyka at sinubukan itong pakalmahin. Kaagad din na lumapit ang staff ng restaurant upang linisin ang mga nabasag na bote at natapong pagkain. Kinuha naman ni Bryan ang telepono ni Lyka at tinignan ang kaninang pinanonood ni Lyka.

Laking gulat ni Bryan nang makita at mapanood ang nilalaman ng video. Maselang video ito ni Vladimir at Wendy habang nagtatalik. Hindi makapaniwala si Bryan sa kanyang napapanood. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng kanyang bestfriend kay Lyka.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status