Share

Chapter 135

Kirsten Encarlight's P.o.V.

Three weeks ago....

Ipinasok ako ng mga tauhan ng Dark Room sa selda nila. Nanghihina na ang tuhod ko at halos pinipilit ko na lang ang maglakad.

Nakasunod sa'kin ngayon sina Margaux at ang Master ng Dark Room. Mabibigat ang mga hakbang ko habang naglalakad kami patungo sa madilim at nakakasulasok na amoy ng selda. Mayamaya sa di-kalayuan ay natatanaw ko na ang ilaw ng sisidlan na nasa dulo.

"Sa gabing ito'y naipakita mo sa'kin ang pagiging tapat mo sa Dark Room, ikalima. Nadala mo sa'kin ang kailangan ko at nabunyag ang traydor sa grupo." Ayoko man sanang makinig sa usapan nila ngunit wala akong magagawa. Nasa likod ko lang ang Master at si Margaux habang nag-uusap.

Sa puntong ito ay labis ang galit ko para sa Dark Room. Hindi ko alam kung gagawin ba nila ang kasunduan naming palayain ang ate ko at sila Zenre, Zero, Thunder, at S

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status