Share

Chapter 38

Tumigil sila sa tapat ng malaking lumang mansion, nagtaka si Cally nang may makita siyang mga mga construction workers na tila ni-re-renovate ang buong lugar.

"It looks like they are renovating the whole mansion," wala sa loob na sabi ni Cally habang nakatanaw sa mga trabahador.

"Muka nga Ma'am," pagsangayon ni Ryan.

Bumaba na sila buhat ng sasakyan at nilapitan ang isang lalaking nagtatrabaho at abala sa paghahalo ng semento para itanong kung nasaan si Vin.

"Boss, nandito ba si Vin?" tanong ni Ryan sa lalaki kaya napaangat ng tingin ang mga ito sa kanila.

"Ah, si Sir Vin po ba, nasa loob po siya," sagot ng isang lalaki kaya tinanguan na lamang nila ito.

Dire-diretsong na silang pumasok sa loob at bumungad sa kanila ang maganda at malinis na interior na halatang kaaayos lang. Ang mga gamit ay nakatakip pa ng mga puting tela pero ang mga mata ni Cally ay tanging si Vin lang ang hinahanap.

Sakto namang pababa na ng hagdanan si Vin habang may hawak na laptop. Nakatutok ang atensyon niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status