HABANG lulan ng elevator ay hindi mapakali si Rome. Naiwan sa 26th floor sina Connie at Jiggy, habang siya nama’y tumuloy na sa rooftop. At habang papaakyat siya ay para ring umaakyat ang dugo niya sa kaniyang dibdib, nagdadala ng labis na kaba.
Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagtungo niya roon, pero isa lang ang siguardo niya. Hindi siya bababa sa building na iyon nang hindi niya nasasabi kay Cayson Montemayor ang tungkol sa kalagayan niya. At hindi siya titigil hanggang sa hindi siya nito pakasalan.
Ahhh… bwisit talaga!
She didn’t want to be associated with Cayson Montemayor, but she had no other options! The only way to save her family from humiliation
NILAMON ng sigaw at rebelasyon na iyon ang buong paligid, dahilan upang matahimik ang lahat. Sandaling natigilan ang mga taong kanina pa nakatingin sa kaniya at nagbubulungan. Ang kaninang malakas na tugtog ng Jazz music sa paligid ay humina— kasunod ng pagsalita ng lalaking singer sa mikropono. “Uhmm… Can we… get a clarification of that, Miss? Did you say… Montemayor?” Hindi niya pinansin ang singer. Mabilis siyang naglakad patungo kay Cayson na nahinto sa paghakbang kasama ang babaeng nanlaki ang mga mata sa narinig. Ang security na kanina pa pumipigil sa kaniya ay natigilan rin. Pagkalapit ay nahinto siya ng ilang dipa sa likuran ni Cayson bago muli
Pagdating sa parking area ay naunang lumabas si Cayson at mabilis siyang sumunod. She followed him up to his car and when he stopped, she did as well. Napatingin siya sa mamahalin nitong sasakyan nang buksan nito ang front seat door para sa kaniya. “Get in.” She furrowed. “Saan mo ako dadalhin?” “Just get the hell in.” Kunot-noo siyang sumunod at naupo sa front seat. Napa-igtad pa siya nang pabagsak nitong ini-sara ang pinto sa panig niya bago ito umikot sa driver’s side. Hanggang sa makapasok ito roon at ni-maniobra ang sasakyan ay tahimik ito at blangko pa rin ang anyo.
“CONGRATULATIONS, Mr. and Mrs. Montemayor! You are having a child.” Natahimik si Cayson nang marinig ang sinabing iyon ng doktorang tumingin sa kaniya, lalo nang marinig nito kung kailan ang window of conception. Ang gabing may nangyari sa kanila ay pasok sa window of conception, at nagkataong huling araw pa! Siguradong wala na itong pagdududahan. Na-kompirma na nitong anak ang nasa sinapupunan niya. Kung nagdududa pa rin ito’y handa siyang hamunin ito na sumailalim sa DNA test—iyon ay kung magmamatigas pa rin ito. But surprisingly—it didn&
HER eyes went wide open. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. What in the actual f— “Good evening,” Cayson Montemayor said, eyes on everybody. Si Dudz na nakatayo sa tabi nito’y nagsalita. “May kailangan daw si Bossing Cayson kaya dinala ko rito.” “Good evening, Mr. Montemayor,” bati ng papa nila na hindi kaagad nakaapuhap ng sasabihin. Naglakad ito palapit sa 'bwisita'. “May kailangan po kayo sa amin?” &n
“PROBLEM solved. Magkita na lang tayo sa Linggo para pag-usapan ang tungkol sa kasal.” Ang akmang pagpasok ni Cayson sa kotse nito ay nahinto nang pigilan niya ito sa braso. Nilingon siya ng binata. Ang anyo nito at nagbago na simula nang lumabas sila sa bahay at ihatid niya ito sa gate kung saan nakaparada sa labas ang mamahalin nitong kotse. Wala na ang huwad na masuyong anyo at matamis na ngiti, at bumalik na ang totoong ito—ang totoong Cayson Montemayor na gawa sa bato ang puso. “Noong huli tayong mag-usap ay sinabi ko na sa’yong hindi kita pipilitin. Kung pakakasalan mo rin lang ako para insultuhin ang pamilya ko ay—” “I said something that hurt you and I’m sorry.&r
MARAMI ang nagulat at namangha sa nangyaring kasalan nina Rome at Cayson isang linggo matapos mag-usap ang dalawang pamilya.Kabilang na roon ang ilang mga teachers at staff ng MIC, pati na rin ang ilang empleyado ng Montemayor Travellers. Kilala ng mga ito ang boss na si Cayson Montemayor, at alam ng mga itong wala itong katiting na plano na lumagay sa tahimik. Sa dami ng tsiks nito ay namangha ang lahat nang malamang si Rome ang nakatuluyan nito. Not only because some of these people knew her from past events, but because they knew she wasn’t Cayson Montemayor’s cup of tea. Socialites ang mga ex-girlfriends ni Cayson, someone liberated and very, very attractive. Not someone like Rosenda Marie Cinco na maliban sa simple lang ang ganda
NATAPOS ang tatlong araw na ‘honeymoon’ nina Rome at Cayson na hindi nagkita ang dalawa. Si Jiggy ay nanatili kasama ang kaibigan sa hotel sa loob ng mga araw na iyon, at si Connie ay dumadalaw rin. Gustuhin man ni Connie na pauwiin na lang ang kapatid ay hindi nito magawa dahil ayaw nilang patuloy na magsinungaling sa mga magulang. Siguradong magtatanong ang mga ito, at baka wala silang maisagot. At kapag nangyari iyon ay mabubunyag ang sekreto nila. Sa ikatlong gabi ay naka-schedule na silang magcheck out, at sa gabing iyon ay hinihintay ni Rome ang magaling na asawa. Habang naliligo sa banyo ay nakarinig siya ng kaluskos
“WHY are you wearing your uniform?” Napa-igtad siya sabay hawak sa dibdib nang marinig ang boses ni Cayson sa gilid ng pinto ng banyo. Marahas niya itong nilingon at nakitang nakahalukipkip na sinusuyod siya ng tingin. “Pwede bang sa susunod ay tumikhim ka muna bago magsalita? Papatayin mo pa ako sa gulat, eh.” Itinuloy niya ang paglalakad patungo sa vanity table na bagong bili ng lola ni Cayson para sa kaniya. Naupo siya sa harap niyon saka nagsuklay ng buhok. At habang ginagawa iyon ay sinulyapan niya si Cayson. Nakabihis na ito ng pang-opisina, mukhang handa na itong umalis. Gumising siya nang umagang iyon na wala na ito sa