HANGGANG sa makauwi sa mansion ay hindi pa rin maalis-alis ang galak sa mukha ni Althea tungkol sa pagbubuntis niya. Ang mukha nitong batang tingnan ay tila lalo pang bumata, at kahit noon pa man ay malambing na ito, lalo pang lumambing.
Panay ito pagmando kay Cayson; alalayan siya, lambingin siya, sundin ang mga nais niya.
Nais niyang sabihin na okay lang siya, dahil ayaw rin naman niyang lagi silang magkalapit ng lalaki. Ayaw din niyang kinakausap ito, ayaw niyang pinapakealaman nito o pinanghihimasukan ang mga kilos at galaw niya.
Pero nang ibuka na niya ang bibig upang sabihin iyon sa ginang ay anong inis niya nang ibang salita ang lumabas mula roon.
PAG-GISING niya kinabukasan ay tila kay bigat ng pakiramdam niya.Wala na si Cayson sa higaan at kung pagbabasehan niya ang mga nagkalat na tuwalya at ang hinubad nitong sleeping pants sa sahig ay siguradong nakaalis na ito. Martes ang araw na iyon ay naka-schedule siyang magtungo sa Montessori upang ipasa ang resignation letter at upang ipaalam na rin sa mga ito ang kalagayan niya. Pero mukhang hindi niya kayang bumangon sa umagang iyon, tulad ng nangyayari sa nakaraang mga araw. Simula nang umapak sa ikalawang buwan ang pagbubuntis niya ay kay hirap na ng bawat umaga sa kaniya. Ayaw niyang bumangon, kung maaari ay matulog na lang siya buong araw. Ayaw niyang kumilos, kung maaari ay nakahilata lang siya at
“AHH, SHIT,” Cayson murmured when the rain started to pour. Saktong narating niya ang gate ng mansion nang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa Palawan pa lamang siya ay masama na ang panahon. Pero ang buong akala niya ay doon lang may bagyo, hindi niya akalaing umabot hanggang sa Maynila. Yes, he was in Palawan with one of his women. But he didn’t go there for the sole purpose of spending time with his girl, but to do business. May investor na dumating galing Hongkong at doon niya dinala sa isang magandang resort sa Palawan dahil kasama rin nitong dumating sa Pilipinas ang misis nito. The Chinese guy wanted to invest in Montemayor Travellers; pinaka-unang dayuhan na mag-i-invest sa negosyo niya. They sealed the deal and spent
Kanina pa nakatayo si Cayson sa paanan ng kama at tahimik na pinagmamasdan ang himbing nang natutulog na si Rome. She was sleeping on her side as she hugged his pillow. Ang kumot na katulad ng sapin ng kama ay may naka-imprenta ring hugis puso, at nakatakip hanggang sa bewang nito. His eyes went down to her stomach. Dahil nakatagilid ito at nakasuot ng maluwag na pajama pair ay hindi gaanong halatado ang tiyan nito. Ni hindi niya alam kung lumalaki iyon—she looked the same. Oh well, he never really had a good loo
KINABUKASAN ay gumising si Rome na magaang ang pakiramdam. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya sa kaniyang tabi si Cayson. Nakaharap sa direksyon niya at mahimbing na natutulog. Sa mahabang sandali ay tinitigan niya ito—at kung noo’y kinaiinisan niya ang pagmumukha at presensya nito, ngayo’y nagkabaliktad na ang lahat. By looking at him, she could feel an unfamiliar warmth embracing her body. She was relaxed, and yet lively. By staring at his face, she started feeling better. Hindi katulad noong mga nakaraang araw—hindi tulad noong wala ito. Yeah, pinaglilihian ko nga siya. 
NANG ARAW na iyon ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng mga online articles and blogs tungkol sa pagbubuntis, lalo na sa paglilihi. And she had learned so much. She had learned a lot about pregnancy hormones, and how each woman experienced unique episodes in the first trimester. Na hindi pare-pareho maglihi ang mga babae ay madalas na kakaiba ang mga nais gusto. She had also found out the first trimester was the worst, and the second trimester was the most relaxing phase of pregnancy. She had also learned that she needed to be careful with the food she takes. Because women during pregnancy could also encounter acid reflux or heartburn. Marami siyang bagong mga impormasyong nalaman tungkol
SA sobrang inis ay hindi bumaba si Rome nang tanghalian para sabayang kumain si Cayson.Ipinatawag siya nito sa katulong subalit nagmatigas siya. She asked the maid to bring her a glass of milk and cut fruits instead. At iyon ang ipinang-laman niya sa tiyan. Not surprisingly, Cayson didn’t try harder. Ni hindi rin siya nito sinilip sa silid buong maghapon na ikina-sama na naman ng pakiramdam niya. Gusto niyang umalis, lumabas muna para aliwin ang sarili. Tinawagan niya si Jiggy at niyaya ang kaibigang lumabas nang hapong iyon pero marami raw itong trabaho kaya hindi makapupunta. Connie was busy, too. Palapit na ang final exams at marami itong gagawin. And she knew how hard it was to work for a lesson plan, kaya hindi na siya nagpumilit.
TULAD ng madalas na nangyayari ay nagising si Rome nang umagang iyon na wala na sa silid si Cayson. And she knew he was already doing his workout. Kagabi ay ang tahimik ng gabi nila nang lumabas ito sa banyo. He went to bed and slept without another word. Habang siya nama’y tahimik na itinuloy ang pagbabasa habang inuubos ang isang basong gatas na ipinadala sa kaniya ni Althea. Nang makaramdam siya ng antok ay bumangon siya upang magsipilyo, saka bumalik sa kama at tahimik na nahiga. Hindi siya nahirapang makatulog kagabi—hindi katulad ng mga nagdaang gabi. Cayson’s presence brought her peace and comfort. Na kahit nakakainis ang mga pinagsasabi nito’y hindi siya nagalit. Hiling niya’y san
SA ISANG maganda ay mamahaling Thai restaurant sila pumunta ni Cayson para maghapunan. Sampung minuto ang byahe mula sa kanilang hotel sakay ng taxi, and it was overlooking Bali ocean. Escalated ang area na kinaroroonan ng restaurant at gawa sa kawayan ang majority niyon. Open space din kaya sariwang hangin mula sa dagat ang nasisinghap niya. The sound of the waves somehow made her feel comfortable. Sa beach ay mayroong mga pabilog na tables na may tig-da-dalawang pabilog at tila bolang couch. Ang bawat mesa ay naiilawan ng outdoor lamps kaya't maliwanag pa rin sa bandang iyon; ang ibang mga customers ay doon pumwesto for privacy purposes, at gusto niya rin sana roon kaya lang ay hindi niya nagawang isatinig kay Cayson ang nais niya.