Share

Side Story: 3rd EGO (Part 1 of 2)

CHIHIRO

HANAMICHI Chihiro, twenty-two years old. First time kong ma-in love!

Dahil sa tindig ko at hitsura, maraming natatakot sa akin pero sa kabila nito ay masaya pa rin ako. Pinalaki ako ng aking mga magulang na puno ng pagmamahal. Sila ang naging inspirasyon ko kung bakit hanggang ngayon ay naniniwala ako sa true love. Makaluma na kung pakikinggan, lalo na sa panahon ngayon pero naniniwala akong bawat isa sa atin ay may nakalaan na taong karapat-dapat na tumanggap ng ating pagmamahal.

At si Izumi-sensei ang true love ko!

“Wala na itong urungan. Nasabi ko na kay Sensei ang totoo kong nararamdaman. Kahit noong unang araw pa lang ng aming pagkikita ay siya na talaga ang para sa ‘kin,” kinikilig na kausap ko sa aking sarili habang ini-imagine si Izumi-sensei na nagpapa-cute sa harap ko habang binibigyan ako ng wagas na flying kiss. “Kya~h! Sensei!” biglang hiyaw ko pa at napaigtad ang babaeng pasyente na may schedule magpa-check-up kay Izumi-sensei ngayon. “Ah. S
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status