Share

Chapter 5

"Lumipas ang tatlong araw busy parin si Lucas sa kompanya at ganon din ang mga kaibigan n'ya. Dahil sa nakasanayan nilang magbabarkada papunta nanaman sila ulit sa club. Pero sa ngayon plano ng magbabarkada dalhin na si Lucas para kompleto ang samahan nila.

Dodd's lumabas naman tayo. Puro ka nalang trabaho pwede bang magsaya ka naman kasama namin? Nag iisang anak ka nga at mayaman pero hindi ka naman nag e-enjoy sa buhay mo.

Kilala mo ako Rain, alam mo ako lang ang namahala sa kompanya namin. Hindi basta-basta ang trabaho ko dahil sa akin nakasalalay lahat ang buong kompanya. Ayaw ko namang ma-disapoint si daddy sa'kin.

Lucas alam ko naman ang setwasyon mo. Pero kailangan ba talaga lahat ng oras mo nasa trabaho lang? Ano ang silbe namin sa buhay mo? Kaibigan mo rin kami Lucas hindi mo lang kami tauhan o kasusyo sa business niyo.

Alam ko, pero sige kung gusto niyong gumala? Kayo nalang hindi ko kayo pakealaman at hindi ko rin kayo pipigilan. 

Ang KG mo talaga Lucas hindi mo ako kayang pag-bigyan. Gusto kalang namin makasama namimiss karin namin. Nagbago kana talaga simula nong nakilala mo si Smart. Kahit saglit lang hindi mo kami kayang pagbigyan? Kahit isang oras lang sumama ka sa amin sa bar. 

Aanhin ko pa yang mga babae sa bar kong may Smart na ako 'di ba?

Smart ka lang ng Smart? Ayaw mo nun may matikman kapang ibang putahi bago ka itatali sa kanya. Hindi kapa ba nagsasawa kay Smart?

Iwan ko sayo hindi ako kagaya mo Rain. Buwan-buwan nagpapalit ng babae kong ayaw mong pakialaman kita sa buhay mo? Tumigil kana rin sa kakadikta sa buhay ko.

Sige na Lucas pagbigyan mo'ko kahit ngayon lang parang hindi naman tayo mag-kaibigan n'yan e.

Oo na, sige sasama na ako hindi karin naman titigil papayag na ako. Kailan ba yan?

Salamat Dodd's mamayang gabi text kita.

Sige text mo nalang ako kung saan dun na bar, wag kang magalala pupunta ako.

May tiwala naman ako sayo e.

Kinagabihan wala na akong ginagawa  at oras narin ang uwian ko. Pupunta pa ako sa bar ngayon. Nag text na si Rain sa'kin kani-kanina lang. Siguro ay ako nalang ang kulang doon kaya puntahan ko nalang para matigil ang Rain na yon.

Asan naba si Lucas Rain? Ika nga ni Junny na nainip.

Hintayin niyo nalang pupunta din yon. Sagot naman ni Rain sa kanya. 

E kanina pa tayo dito. Wala namang Lucas ang dumating. Sagot naman ni Ethan pariho na sila nakaubos ng isang bote ng beer.

Andiyan na siya oh kita niyo? Kayo naman hindi tayo matitiis ng kaibigan natin. Tingnan niyo nga suot niya mukhang hindi pa nakabihis. 

Kanina pa kayo? wika ni Lucas kakaupo lang.

Hindi kapa ba nakauwi Lucas? Bungad agad ni Rain sa kanya dahil hindi pa nga ito nakapagbihis. 

Dumiretso na ako rito ang aga niyo naman kasi? Kumusta?

Anong maaga? 8 pm na maaga pa ba to sa'yo Lucas? Oh yang dalawa kanina kapa hinahanap?

Bakit? Anong meron? Kakarating n'yo lang din ba? Wala kasi kayong order.

Kanina pa kami, hinihintay ka talaga namin para isahan nalang ulit yong pag-order natin. 

Ok! Ako nalang ang tatawag sa Waiter at mag-order para makabawe ako sa inyong tatlo. Waiter sigaw ni Lucas.

Ano po ang mga order niyo mga sir? Agad silang nilapitan ng waiter para kunin ang mga order.

Bigyan mo kami ng maiinom isang case ng beer pakibilisan niyo lang mukhang uhaw natong mga kasama ko.

Apat na babae rin. Pahabol pa ni Rain sa Waiter.

Rain? Kayo nalang wag niyo na akong isali. 

Ako ang magbayad Lucas hindi ikaw, yong sa beer sa'yo pero yong apat na babae sa akin yon. Wag kanang pumalag pa sige umalis na kayo at kunin niyo na ang order namin.

Sige po sir, pakihintay nalang po ang order niyo. Agad namang umalis ang waiter.

Santa may customer kayo, magsama ka ng tatlo apat ang gusto nila don kayo sa VIP table number 50 naroon ang apat na lalaki hinihintay kayo.

Ok sige, si Scarleth din naman ang susunod sa entablado si Donna, Joy at Melanie nalang ang isasama ko.

Ikaw ang bahala sige kukunin ko pa ang mga order nila.

Salamat. Tinawag ng babae ang kasamahan niya pagkatapos siyang kinausap ng waiter tungkol sa order nina Rain.

Nakita ko agad ang apat na babaeng papalapit sa amin maganda at sexy naman sila pero hindi parin sila tatalab sa'kin. Para sa akin si Smart parin ang maganda at sexy. Wika ni Lucas sa sarili habang nakatingin sa apat na babae.

Hi kaming apat ang in-order niyo mga sir. Ako nga pala si Santa at ito mga kasamahan ko. Mukhang galing kapa sa trabaho ah. 

Ako naman si Lucas sila naman si Rain, Junny at Ethan.

Yes kilala na namin sila ikaw lang ang bago ngayon. Siya nga pala si Donna, Joy at Melanie.

Ok sige mag order narin kayo kong anong gusto niyo. Pag-iba ni Lucas sa usapan at inalis niya ang kamay ni Santa sa abs niya.

Habang nag iinoman at nag lampongan silang tatlo sa mga partner nila ako naman ito. Nakatingin sa babaeng kakalabas lang ng back stage para sumayaw sa entablado. Hindi ko na napansin ang babaeng nasa tabi ko nakatuon lang kasi ako sa kanya. Parang iba ang impact niya sa'kin bawat giling niya may kakaiba ring hatid sa'kin. Aminin ko naintriga ako sa kanya sa kilos niyang napakahinhin. Pero dito parin siya sa club nagta-trabaho pero sa tingin ko ay hindi niya kagustuhan ang mamasukan dito. Ang ganda pa naman niya at ang sexy. Halos nawala ako sa sarili ko nong oras na nakita ko ang babaeng sumasayaw sa entablado. Bumalik lang ako sa katinuan ko nong tinawag ako ni Rain.

Lucas, ano nanaman ba yan? Nasa tabi mo lang ang babae wala sa malayo. Ano pang hinihintay mo? Halika na dalhin mo na yan.

Salamat nalang pero ayaw ko muna Dodd's past mo na ako I'm sorry ms.

No, wag kang umalis Santa. Halika na mamaya mo nalang yan tingnan magtampo yang katabi mo sige iiwan ka talaga niyan.

Oo nga kong ganito din naman. Bahala ka nakakainis andito na ako sa tabi niya pero nasa iba ang tingin.

Sorry Ms pero ok lang kung aalis ka wala lang talaga ako sa mood. 

"Iniwan siya ni Santa nag-iisa nalang sa table nila. Hindi niya inakalang kakausapin ni Santa ang babaeng sumasayaw sa entablado para sa kanya. 

Ano kaya ang sinasabi niya d'yan? 

Scarleth ako na d'yan palitan mo ako doon.

Saan?

Yong lalaking nag-iisa sa table 50.

Ayaw ko Santa baka gusto niya ng sex lagot nanaman ako.

Diskartihan mo nalang mukha namang walang plano makipag sex yon wala daw kasi siya sa mood.

"Si Santa naman ang sumasayaw at si Scarleth nagdadalawang isip puntahan si Lucas sa table nila. Hindi rin nagtagal pinuntahan niya ito kong mag-inarte pa siya hindi siya magkakapera. Habang papalapit siya kay Lucas ang bawat lakad naman ni Scarleth ang tingin naman ni Lucas parang anghel bumaba sa lupa. Parang huminto bigla ang mundo niya ng makita palapit ang mala-anghel ang ganda ng dalaga.

Hi sir, gusto niyo daw po akong maka-table? 

"Halos 'di siya makapagsalita dahil nakatuon lang ang tingin ni Lucas sa katawan niya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa wala talaga siyang masabi para sa kanya perpekto ito sa ganda. 

Sir ok kalang? Ginulat nalang niya ito dahilan para bumalik ito sa katinuan. 

Oo gusto ko sige maupo ka. "Wala sa isip niyang naisagot sa dalaga.

Salamat po. Sir wag naman po kayong tingin ng tingin sa 'kin nahalata ko kasi simula nong lumapit ako sa inyo hanggang tumabi na ako nakatingin parin kayo. May mali ba sa'kin oh kaya may dumi sa mukha ko?

Naninibago lang kasi ako iba ang kinikilos mo sa mga kasamahan mo kanina. 'Di ba ang kagaya mo magaling makipaglandian? At parang linta kung magkadikit sa mga customer niya lalo na kong mayaman? Pero ikaw bakit ang layo mo sa 'kin? 

Sana sinabi niyo po sir kung saan ako uupo. 

Iba rin ang style mo. kunwaring inosente wala namang pinag-kaiba sa kasamahan. Alam kung lahat kayo mukhang pera at wag kang magalala babayaran kita.

Walang hiya pala tong gago na'to. Sorry po pero gusto niyo po bang nandito ako oh hindi? 

So iba ka sa kanila? Ganun? Hindi ka lang maganda at sexy marunong ka rin pala magpa hard to get? 

Kong insultuhin mo lang ako Sir? Sige maiwan na po kita?

Pag-aalis ka wala kang makukuhang bayad sa'kin? "Huminto at lumingon si Scarleth kay Lucas tiningnan niya ito sa mata at huminga ng malalim.

Oh bakit napatingin ka? Narinig mo lang ang bayad nagbago agad ang isip mo?

Kanina pa ako nakatingin sa'yo sir alam niyo yan. Lasing kalang siguro kaya hindi kita papatulan ngayon. 

Magkano ka ba?

Talagang ginagalit ako ng mukong na to e! Sir kung ganyan din naman po ang pakikitungo niyo sakin? 'Di bali nalang.

Sayang naman 50,000 to kahit limang araw kang magsasayaw dito sa club 'di mo kikitain to.

Sir kung wala na po kayong magandang sasabihin aalis nalang po ako. Maiwan kona po kayo.

Wag kanang magpa hard to get Ms sayang yong pera kung aayawan mo. Alam ko naman pera lang ang kailangan ng tulad niyo. 

Pera? Hindi ko kailangan ang pera mo. hindi niyo alam kung anong gusto namin. Kaya wag mo akong husgahan dahil lang sa pera mo. Sayong sayo na yang pera mo kahit kainin mo pa yan. Nakakahiya man pero wala na akong ibang naisip na sasabihin kundi sabayan siya sa kabastusan niya. 

"Umalis si Scarleth na umiiyak. Hindi niya kilala yung tao pero tagos sa puso ang sakit na nararamdaman niya. Dahil sa pambabastos nito sa kanyang pagkatao. 

Walang akong nagawa sa pangyayaring yon? Hindi ko rin inaasahang ganon ang sasabihin niya sa'kin. Hindi ko matanggap ang ginawa niya nagkamali siya baka hindi niya ako kilala? May oras karin sa'kin babae ka patunayan kong iisa lang ang katulad niyo. Pariho lang kayong madumi pa sa basura.

Dodd's anong nangyari? Bakit ikaw nalang mag-isa dito? 

Nandiyan pala kayo tapos na ba?

Kami pa? 'Di ba mga Dodd's.

Oo naman Lucas ikaw ba? Talaga bang ayaw mo? Sayang naman maganda at sexy yong sayo kanina 'di ba?

Hindi na uuwi nalang tayo pagod na ako gusto ko ng magpahinga.

Anong nangyari don? "Nagbayad mo na sila sa cashier bago umalis.

Hindi ko alam kong bakit nasabi ko sa kanya ang bagay na yon? Wala namang siyang ginawa sa'kin pero bakit ang sama ko sa kanya.? Nagandahan pa ako sa kanya at humahanga ako sa kanya pero bakit gano'n ang nasasabi ko? Lucas ikaw talaga kong sino pa yong mabait siya pa yong binabastos mo ng ganon? "Pangaral niya sa kanyang sarili hindi pwede to kailangan niyang makabawi sa dalaga. Natamaan naba kaya ang puso ni Lucas sa alindog ni Scarleth?

Scarleth halika nga dito?

Bakit?

Anong nangyari sa customer mo?

Ayon iniwan ko?

Bakit? Sayang naman? Mukhang mayaman pa naman yon?

Kasi naman Santa binastos ako. Sabi pa niya mukhang pera daw tayo at...

Oy..oy..oy... Scarleth! Dahil lang don kaya ka umalis?

Eh bakit ba? Ang bastos niya kaya.

Saan ang bastos don? Totoo naman talaga sinabi niya. Bukaka lang tayo sa kanila at babayaran pagkatapos alam mo yan. Kong mukhang pera man ang tawag nila sa'yo? Tanggapin mo yon dahil totoo yun dahil sa pera nila nabubuhay tayo sa ganitong trabaho.

Santa? Di ibig sabihin papayag na tayong bastosin nalang basta-basta. Alam ko kung ano tayo pero hindi naman pwedeng bastusin nila.

Scarleth ipapaalala ko sa'yo ulit. Noong pumasok ka dito sa club nato. Yon ang umpisa na madumi kana sa tingin ng mga tao kahit 'di ka pa nagpagamit sa kanila. Dahil p****k tayo Scarleth bayaran. Sa tingin mo ba may mag rerespito pa sa atin? Wala na Scarleth dahil ang tingin nila sa atin basura.

Di naman sa ganon Santa!. Ang gusto ko lang naman! Respitohin din nila tayo bilang tao kahit 'di na bilang babae. May puso din naman tayo. Nasasaktan din tayo tulad nila tao rin tayo nasasaktan.

Andiyan na tayo Scarleth! Pero alam mo naman ang mundong ibabaw maraming mapanghusga. Kahit mula pagkasilang mo mabait kang bata walang papansin sa'yo. Pero pag gumawa ka ng isang Mali lang? Isang Mali lang scarleth. Sikat kana sa kanila dahil gan'yan ka? Ganito ka? Madumi ka. 'di ba? Sige nga sabihin mo sakin scarleth. Saan ba dapat tayo lulugar sa mga taong walang ibang nakita kundi ang mali natin? Makasalanan tayo kasi pumasok tayo sa trabahong ito kahit di natin ginusto. 'Di ba?

Pasensya kana Santa! Nasasaktan lang kasi ako nong sinabihan niya akong mukhang pera.

Ilang beses ko ba sabihin sayo Scarleth! Tanggapin mo kung ano ka. Kung saan ka nabubuhay ngayon!

Wag kang magalala sa susunod kapalan ko na ang mukha ko. 

Ganyan dapat Scarleth. Dahil pari-pariho lang tayo dito! Madumi, bayaran, mukhang pera sa tingin nila. Panindigan nalang natin yon. Mairap ngang tanggapin kahit alam mong malinis ka pero walang maniniwala sa'yo..

ABANGAN..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status