Share

Kabanata 56 - Break up

Feeling ko lalabas na ang puso ko sa lakas ng hila niya sa akin mula sa likod, lalo na noong makita ko ng maayos ang mukha niya sa harapan ko.

Ang ilan ay napatingin na din sa amin dahil sa ginawa ni Wesley. Hindi pa ako nakakapagsalita nang kaladkarin niya ako papalayo doon. Hindi pa rin napapawi ang kabog ng dibdib ko. 

Alam ko naman na pag alam niyang umalis ako nang walang paalam ay hahanapin niya ako, pero hindi ko inaakala na hindi pa tuluyang natatapos ang araw na ito ay nandito na siya. Nagtaka ka ba talaga, Sunny? He's a former member of XZUS. Siguro ay ginamit nanaman niya ang kakayahan niya sa pag iimbestiga at kong ano ano pa.

Nang nakalayo ay hinila ko ang kamay kong hawak niya. Timigil siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Kita ko sa mata niya ang galit at sakit. Hindi na ako magugulat pag sisigawan niya ako ngayon dito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status