Share

KABANATA 6

TANGHALI na si Lexi nagising. Isang pangkaraniwang araw iyon para sa kanya dahil linggo naman. It's time for her to relax. Noong weekdays kasi ay masyado siyang naexposed sa trabaho. Feeling the scent of her pillow. Nakangiting isiniksik niya ang ulo roon. Life was really good on her side. Mabuti nalang at hindi siya kailanman ipinanganak na may irresponsableng mga magulang.

Idinantay niya ang kanang binti sa unan na nasa ibabang bahagi ng kama ng makarinig siya nang eksaheradong tikhim.

"Bumangon ka na riyan, binibini nang sa ganoon ay hindi tayo maabutan ng traffic," ang boses na iyon na may halong sarkasmo...

"Xorxell?"

"That's me," nakaupo ito sa rattan chair na nakaharap sa kanya habang panay ang panunuri sa relong pambisig nito.

"Paano ka nakapasok? Di'ba ay sinabi mong tatawag ka para ipaalam sa'kin kung kailan tayo luluwas?"

"Para sa unang katanungan mo," tumayo ito nang nakapamulsa. Bagaman hindi niya alam kung sino ang nagpalis ng kurtina na nakatabing sa glass door na kitang-kita ang nalalapit na pag-angat ng haring araw. Kitang-kita pa rin ni Lexi kung gaano kagandang tingnan ang lalaki na nanariwa pa sa isip niya ang imaginary wings nito. "—pinapasok ako ng papa mo." Magsasalita na sana siya ng hindi siya hinayaan nito. "Ipinagpaalam na kita sa kanila. Your father and your mother agreed. Magandang outlook daw iyon para sa nalalapit nang maikasal. And for your second question. Hindi na ako nakatawag kagabi dahil marami akong naasikaso. Dahil maging ako man ay hindi inaasahan na ngayong araw na ang luwas natin sa syudad."

Umahon siya sa kama hindi para bumangon kundi ay para isandal lang ang likuran sa headrest na hinilot-hilot ang sentido.

"Give me seconds to prepare."

"Five minutes. Is that enough?" Lumipad ang mga mata niya sa binata. Xorxell made an innerable look na parang gustong pahabain pa ang pasensya ng mas matagal. "Five minutes it is."

"Thank you ha?"

Hindi niya na hinintay pang makabwelta si Xorxell dahil baka mauuwi sa walang katapusang pikunan na naman ang usapan nilang iyon. Kung mananatili siyang tangkilin ang kasungitan nito. Halfbath nalang ang ginawa niya. Kaya nang makalabas siya sa banyo ay nagulat si Lexi nang makita si Xorxell na nakaupo pa rin sa silya na yari sa rattan at hindi nagtitiyagang hintayin siya dahil nagpang-abot na naman ang mga kilay nito. Nakakrus ang mga braso nito at suplado na namang sinalubong ang mga mata niya.

"Akala ko ba ay lumabas ka na dito sa kwar—"

"Three minutes and ten seconds,"

"Lumabas ka nga muna dahil magbibihis ako."

"Three and fifteen,"

"Gusto mo bang sa harapan mo ako magbibihis?!" Her patience is wearing thin and thin.

"Twenty seconds of three."

"Xorxell!"

"Twenty-two."

Bwesit!

Unconsciously, para siyang naging robot bigla. Mabilis ang mga kilos niya at tutunguhin na sana ang banyo para doon magbihis nang biglang magsalita si Xorxell.

"Nakita ko na ang katawan mo kaya walang problema sa'kin kung sa harapan ko ikaw magbibihis." Ang unang tela na nahawakan niya ay ibinato niya sa binata. Ngunit naipikit ni Lexi ang mga mata kasabay ng kanyang nahihiyang ngiwi ay ang pagbaling ni Xorxell sa bagay na nakalatag sa sahig. Nakakunot ang noo nito, bago ibinalik ang tingin sa kanya.

"I think, black underwear suits you more, Alexis Montejano. Masyado kang girly para sa pink panty user—"

"Xorxell, nakakalitse ka na!"

Dinampot niya ang panty niyang itinapon sa paanan ng binata at walang lingon-likod na tinungo ang banyo na pinamulahanan ng mukha. Bakit ba ay sa lahat ng pagkakataon ay puro nalang kahihiyan ang nalilikha niya kapag ito ang kaharap. My God Lexi Montejano. Malala ka na yata.

"Times up! I'll wait for you porch."

Hindi si Lexi sumagot. Kaya malaki ang ipinagpasalamat niya nang pagkalabas niya sa banyo ay totoong wala na si Xorxell sa inuupuang silya nito. Sa hinayon ay natagpuan niya ang sarili na tinatahak ang hagdanan pababa. Only to see that her parents and Xorxell Diaz were having a blunt conversation na mukhang wala yatang balak ang mga itong isama siya sa usapan. Dahil hello?! Ngayon lang siya malalayo sa mga magulang niya pero ang lalaking iyon pa ang inatupag mga magulang niya. Naramdaman siguro ng binata na may nakatingin dito dahil inangat nito ang tingin sa kanya.

"Oh, Alexis. Come down here." Ang papa niya sa masiglang tono. "Nag-uusap lang kami ng mamanugangin namin. Naku! Kay gandang lalaki nga talaga. Hula ko'y magiging guwapo at maganda ang mga magiging apo namin,"

"Sinabi mo pa, honey."

Naglikha siya ng malakas na ungol bilang pagtutol. Hindi niya tuloy alam kung bakit parang nag-iba ang tingin ni Xorxell sa kanya.

Hawak ang handler nang maleta ay hinatid silang dalawa ni Xorxell sa mga magulang niya hanggang sa may gate. May usapan na namang naganap ulit sa pagitan ng mga ito at siya...nandoon lang sa tabi. Idinispatsa na tila ay walang papel sa mundo. Hindi tuloy napigilan ni Lexi na humaba ang nguso ngayong sakay na siya sa passenger seat at si Xorxell na siyang nagmamaneho.

Nagtatampo siya. Para kasing ang lalaking ito ang mas binibigyan ng pansin ng mga parents niya. Tuloy, sa sobrang sama ng loob ay hindi na siya nakapagpaalam sa mga tauhan niya.

"Ilang araw ba tayo doon?"

"One to two weeks maybe," nanlaki ang mga mata ni Lexi. "Ganoon katagal? Hala! I-uturn mo muna dahil hindi ako personal na nakapagpaalam sa mga tao ko sa rancho at taniman ng mga—"

"I told your father to tell your men in behalf of you. Kung babalik tayo ay tiyak, aabutan tayo ng traffic sa fairview. Besides, maiintindihan naman nila iyon. Wala kang dapat na ikabahala dahil kahit na umalis ka. Sinisigurado ko na walang mangyayari sa mga tao mo dahil may inihabilin ako maliban sa salitang pamamaalam in behalf of you. Your men was all reliable. Hindi sila dapat tratuhing mga trabahador lang,"

"Ano pa ang inihabilin mo para sa mga tao ko?"

"I won't tell,"

"Xorxell!"

"Pagkain. Pera para pambili ng mga pagkain."

"Y-you done that?" Parang may humaplos na malaking kamay sa puso niya. Aww! Kahit pala ay purong kasungitan ang lalaki ay may kaunti rin pala itong concern.

"I am wrong at my perceptions of you with your men for the first time. Akala ko kasi ay masyado kang mahigpit at suplada sa kanila noong araw na nagpanggap akong trabahador mo dahil masyado kang—"

"Maganda para sa isang may-ari ng rancho?" Pagtatapos niya dito.

"Hindi. Masyado kang atrimitida para latiguhin ang inosenting puno na walang kinalaman sa pagkawala ng mga kabayo mo."

"Alam mo Ikaw? Hindi ko alam kung literal na pakialamero ka ba o sadyang malawak lang talaga ang takbo ng utak mo para magpanggap na tauhan ko noong araw."

"Unang dating ko palang sa bayang ito ay alam ko na ang motibo ko. At iyon ay ang bilhin ang lupain mo samantalang ang isa ay para maging asawa mo." Kumunot ang noo ni Lexi.

"How do you manage letting Richard Diaz manipulated the plan for you?! Pumayag ka ba agad ng malaman mong may ka-arrange marriage ka—"

"It's not arrange marriage or so. It's another way around, Alexis Montejano."

"Kung hindi arrange marriage. Ay ano?"

Hindi muling nagsalita ang binata kaya lihim na lamang siyang umirap. Nang kumaliwa ang sasakyan nito at ibang lane na ang tinatahak nitong daan. Papunta sila sa NAIA II! Nagtatanong na bumaling si Lexi kay Xorxell na mukhang alam nitong iyon ang dahilan niya para lingunin ito.

"...may private chopper ako sa hangar nitong NAIA II. Ahh, no. Hindi lang pala ako. Lahat pala kaming mga miyembro ay may ganoon. Ang tanging ambyon lamang na masakyan natin papunta sa FVC ay ang air jet."

"Bakit hindi mo ako binigyan ng screening o sinabihan man lang?"

"Hindi ka naman nagtatanong," ayy Oo nga naman Alexis!

Ora-oratang tinangkilik sila ng mga guards at ang ilan ay mga personal bodyguards nang makarating na. Akmang hahawakan ni Lexi ang handler ng kanyang bagahe ay nagulat siya nang maunahan siya ni Xorxell. Bumaba ang tingin niya sa isa pang kamay nito. At ang bagpack na nakasabit sa balikat nito. Lahat ng bitbit ng binata ay puro gamit niya.

"Bakit wala kang maleta ni isa?"

"Nasa FVC. Let's go,"

Hinila nito ang mga bagahe niya palapit sa chopper. Pero dahil walang bitbit si Lexi kahit isa. Hinarangan niya ang daanan ni Xorxell para abutin ang shoulder bag niya na nakasabit sa leeg nito pakaliwa. Yumukod si Xorxell para makuha niya iyon na naging dahilan kung bakit ilang dangkal na lamang ay mahahalikan na siya nito. Out of nowhere, biglang na-conscious na naman si Lexi sa sarili. Paano ba kasi ay masyadong perpekto ang kabuuang mukha nito. Mula sa mahabang pilikmata, makakapal na mga kilay. Mapang-akit na mga labi—

"Kung titigan mo ako ng mas matagal ay hindi tayo makarating agad sa paroroonan. Isa pa, binibini. Nangangalay na ang likuran ko kakayukod. Ilan ba ang height mo?"

Doon lang si Lexi natauhan.

"Huwag mo akong maliitin. Matangkad lang talaga."

"At ikaw ay tunay na maliit, kasasabi mo lang."

"Aba at..."

"Ano? Kukunin mo ba ang bag mo o hindi?"

Marahas niyang inalis ang pagkasabit ng bag niya sa leeg nito at inilipat sa kanya. Bago inunahan si Xorxell sa paglalakad. Ilang minuto pa ay lulan na siya sa chopper. At dahil first time makasakay ng air transportation. Bumaliktad ang sikmura ni Lexi na parang gusto niyang masuka. Napahawak siya sa laylayan ng polo shirt ni Xorxell na mabuti na lang at nasa tabi niya naupo.

"Bakit?—oh, no! Not here Lexi!"

Lalong humigpit ang hawak niya sa polo nito bago nagtawag si Xorxell ng isang assistant pilot at nanghingi ng bagay na ma-sukahan niya. Subalit hindi na ni Lexi napigilan at sa kandungan siya ni Xorxell nagsusuka. Bagsak ang balikat niya na parang naubos lahat ng kanyang lakas nang iangat niya ang tingin ay mukhang si Xorxell na naman ang masusuka kasunod niya.

Xorxell give her a deadpan look. Na agad si Lexi ay tila kuting na naisuksok ang sarili sa sulok, sapagkat hayun na naman ang mga kilay nito. Na tila nanghahamon ng away sa kanto dahil galit na naman.

"S-sorry. Hindi ko na talaga kasi—"

"Don't try to talk." Napangiwi ito. Hindi matingnan ang lagay ng kandungan nito. Siya naman ang ngumiwi. Totoong nakakasuka talagang tingnan iyon.

Nang makalapag ang chopper ay naunang naglakad si Xorxell na kahit wala sa tyempo nitong hilahin ang maleta niya dahil sa ginawa niya ay busangot ang mukha nitong ginawa iyon. Iyon nga lang, napuno ng tukso ang lalaki dahil sa hindi na nga kasi maitsura ang suot nitong pantalon. Even her felt sticky seeing Xorxell with her dumped.

"...natae ka ba habang nasa biyahe Xorxell?"

"Don't ask me Dwight, Zhared. Pakihila nitong maleta."

"Ayaw ko nga! Ang role ko dito ay ang makitsismis lang sa bagong dating."

"So nahawaan ka na rin nina Henjie at Bark—"

"Was she, Alexis Montejano?" Turo sa kanya ng lalaking binanggit ni Xorxell na pangalan ay Zhared. "Aba'y maganda! May taste ka ngang tunay babaeng iyan. Kaya pala hayagan mong nirereject ang mga babaeng—"

"Shut up, Zhared!"

"Okay,"

Nilingon siya ni Xorxell. "Come over. Bakit nakatayo ka lang riyan?"

"Hindi ka galit?" Tumabingi lamang ang ulo nito.

"Just come over." Na sinunod niya naman. Naroon ang mukha sa mga lalaking kung hindi siya nagkakamali ay kasama ang mga iyon sa litratong laman ang images content ng FVC. Nang ipinakita ni Chelsea iyon sa kanya.

"So ikaw pala...ang sumuka sa kandungan ng batikang women rejector namin dahil ikaw. Ikaw lang ang tinitibok ng puso niya."

"Clayton!"

"Hi, I am Henjie Alcuizar." Pagpakilala ng lalaking mukhang mas makwela kumpara sa iilang kasamahan nito.

"I am Alexis Montejano—" nang kinabig ng isa pa ang kamay niya. "Don't you try taking his handshake. Silang dalawa ni Barkley ay literal na malas."

"Hoy! Grabe ka naman sa akusa mo sa amin, Jackson!"

"E bakit totoo naman ah,"

"Huwag mo silang pansinin. Mga siraulo ang mga 'yan."

"Okay," sagot ni Lexi kay Xorxell.

"Uy! Binibini. Alam mo bang iyang si Xorxell ay ikaw lang ang palaging—" tinapal ni Xorxell ang mukha ni Henjie sabay sabing;

"Ang dami mong alam. Bakit ba ninyo isinama ang sinto-sintong iyan dito?! At bakit si Owen ay hindi ninyo kasama?"

"I'm outta here, Xorxell Diaz."

Nilingon niya si Owen na guwapong-guwapo ang dating sa pagkakasandal sa land cruiser.

"Owen!"

"Oh, hi Lexi."

"Nice! Mukhang magkasunod ang dalawa Xorxell hahaha!"

"Friends naman talaga kami e. Di'ba, Xorxell?"

"Heh! Lexi, tayo na. Ipapakilala pa kita kay Zeus."

"Hindi na kailangan." Nabaling ang tingin ni Lexi sa bagong dating na lalaki na ma-otoridad ang awra habang papalapit sa kanila.

And O to the M to the G! She was sorrounded by hot, Greek Gods! Masyadong perpekto ang mga lalaking ito para ipasok sa napakalaki niyang pantasya at imahinasyon. Nang sa tapat niya mismo huminto si...

"Welcome to the FVC, Miss Alexis Montejano. I am Zeus Ferrer. And you're free to roam around anywhere you want just please avoid yourself getting in touch with a cliff. Like what happened to Xander's wife and the rest."

Wala siyang naintindihan kaya ngumiti ang lalaki.

"Well anyway. Our friend here. Xorxell Diaz well umm—anong nangyari sa'yo, Xorxell? Naihi ka ba sa buong—oh, I see." Bawi rin nito agad na mukhang nahinuha agad at muli ay ginawaran siya ng malapad na ngiti.

"For your stay with Xorxell Diaz. Siya ang magbabayad lahat ng kailangan mo. From foods, to cloth, amenities...all. huwag kang mag-alala at hindi mamulubi iyang si Diaz. Well, that's all for today. Let's get to the deepest part of all the visitors in the FVC."

Ha? Kung ano-ano naman ang sinasabi nito e.

Nilingon niya si Xorxell. Nasa magkabilang gilid nito ang mga bagahe niya. Bagaman may hindi kaaya-ayang tanawin sa kandungan nito. Walang kakupas-kupas ang kagwapuhan nito habang nakatayo roon. Looking devasted and betrayed with his friends na kanya-kanyang sakay sa mga sasakyan.

"I'm sorry. Bilang bayad. Ako na ang magkarga nitong isa kong maleta kaya let's g—"

"No," tinabing ni Xorxell ang kamay niya ng akma niyang hawakan ang handler ng isang maleta niya. Kasabay ng paglalakad ni Xorxell ay mukhang nag-eendorse naman ang kumag ng isang mamahaling damit sa fashion week at props lang ang mga maleta niya.

Naku!

Sukat pa yatang kahit butas-butas ang damit nito at magmukhang palaboy sa kalye ay mangingibabaw pa rin ang karismang taglay nito at ang gandang lalaki.

What? Bakit parang puring-puri niya ang binata sa araw na iyon. Nahihibang na talaga siya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status