Raden's POV "Mind your own business," narinig kong sagot ni Alexandra saka umalis. Hindi na ako nag-abala pang sundan siya ng tingin. She's maybe angry about what happened. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Tumayo ako at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Hindi ko na rin nakita si Alexandra, pumasok marahil siya sa gubat. Pinag-aralan ko ang buong lugar kung saan maari akong pumunta. Napako ang paningin ko sa gubat, tama kailangan kong bumalik sa St. Louis at sa gubat na iyan ang daan pabalik para makalabas sa islang ito. Dapat pala sinundan ko si Alexandra, lumakad na ako papasok sa gubat. Ilang hakbang ang ginawa ko ng makarinig ako ng nag-e-echo na sigaw, nagsiliparan rin ang mga ibon sa gubat. Alexandra. Siya agad ang naisip ko, nasaan kaya siya, bakit siya sumigaw? Mabilis kong sinundan ang sigaw niya kanina, pero napahinto ako ng makakita ng dugo sa mga tuyong dahon ng puno na nagkalat sa lupa. Nag-squat ako at kinapa ang dugo, presko pa ang
Alexandra POV Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, malabo ang paningin ko sa una pero kalaunay luminaw rin. Napasyal ko ang paningin ko sa kabuuan ng paligid, hindi familiar sa akin ang lugar na ito. Nasaan ba ako? Natigil pa ako nang dumako ang paningin ko sa isang lalaki na nakasandal sa bato at nakaupo habang mahimbing na natutulog. Naka halukipkip pa. "Raden?" Anong ginagawa namin dito? Saka bakit siya nakahubad? Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid. Mukhang kuweba ang lugar na ito. Sinubukan kong bumangon kahit na medyo mabigat pa ang pakiramdam ko. Saka ramdam ko ang panghihina ng kalamnan ko."Ah!" Daing ko ng kumirot ang tagiliran ko. Pero pinilit ko pa ring bumangon.Kinapa ko iyon, saka tiningnan. May pinunit na damit na naka gapos sa tagiliran ko paikot sa bewang ko Ginawang panali iyon, saka ko lang naalala na tinamaan pala ako ng bala. Kung gano'n nakita na pala ako ni Raden. "Alex? You're awake, are you okay?" anang Raden saka mabilis na lumapit s
Nanatili pa kami ng dalawang araw sa loob ng kuweba bago napagpasyahan ni Raden na umalis na sa lugar na iyon. Well, yeah. Siya ang nasusunod, at saka mainam na rin para makapagpahinga pa ako ng kunti. "Ano ba naman 'tong lugar na ito ang daming grass," reklamo ko. Nangangati na kasi ako dahil sa mga damo na nadadaanan namin. "Look at this oh, lampas sa akin ang damo." Wala akong narinig na kahit isang salita kay Raden. Kanina pa ako nagrereklamo pero siya naglalakad lang, parang wala lang at hindi rin nagrereklamo. Ang bilis pang maglakad. "Alam mo Raden kasalanan mo talaga lahat ng ito eh. Kung mabait lang sanang tao ang tatay mo e 'di sana tahimik ang buhay niyo at ang buhay ko." Buhay pa sana ang pamilya ko. Gusto ko sanang idagdag iyon pero nanatili na lang akong tikom bibig. Muntik pa akong mabunggo sa likod niya nang bigla siyang huminto at humarap sa akin. "Alam mo naiintindihan kita, magreklamo ka man ng magreklamo hanggang sa maputol iyang ugat mo sa leeg.
Alexandra POV "Tayo!" Paangil na utos ng lalaki. Wala akong magawa kun'di tumayo. Nakita ko rin mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Raden. Akmang manlalaban pa si Raden pero palihim kong inapakan ang paa niya. Bahagya pa siyang lumingon sa akin na may kunot sa noo, kaya umiling ako. Sana lang maintindihan niya ang gusto kong sabihin. Wala kaming laban sa mga ito, lamang sila ng armas sa amin. "Sinong nagpadala sa inyo rito? Mga espiya kayo 'no?" anang isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nasa likod ko siya, siya ang may hawak ng baril na nakatutok sa akin. Marahan akong umiling. "H-hindi po." Ako na ang sumagot. "Sinungaling, bakit kayo nagmamasid!" Galit na sabi ng isang lalaki rin. Dahan-dahan akong humarap sa kanila habang nakataas pa rin sa ere ang dalawa kong kamay. Na-alerto naman sila sa ginawa ko. "Pasensya na po, gusto lang sana naming humingi ng tulong," sabi ko. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ng lalaking nasa harap ko n
Napamulat ako ng may marinig akong ugong ng sasakyan. Bumalikwas ako ng bangon para silipin kung saan galing ang sasakyan. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto ng bintana, may nakita akong mini jeep at lulan ang mga armadong kalalakihan. Medyo nakikita ko sila dahil may kunting liwanag na sa labas pero hindi ko maaninag ang mukha nila. Sa tingin ko alas kuwatro na ng umaga. "Oh, bakit ngayon lang kayo, akala ko patay na kayo eh." Narinig kong salubong ng pinakaboss sa kanila. "Pinuntahan pa kasi namin si Senator Wem." "Kumusta napatay niyo ba?" Tanong ulit nito. May hindi na akong magandang kutob sa pag-uusap ng mga barakong iyon. "'Yan din ang dahilan boss kung bakit kami natagalan. Hindi namin nakitang patay siya dahil nahulog sila sa bangin…" "Sila?" Nilapat ko ang tainga ko sa pintuan ng marinig ko ang pagpasok nila. Gusto kong pakinggan ng mabuti ang pinag-uusapan nila. "May kasama siyang babae boss, magaling makipagbarilan. Ang totoo niyan maraming tao natin a
"BELIEVE na talaga ako sa 'yo, alam kong hindi lang basta-basta self defense ang taglay mo." "I don't want to talk about that, Raden. I'm too drained." "I know, I know," aniya. Naglakad lang kami ng naglakad sa animo walang hanggang kagubatan. Naligaw na kami sa kakatakbo namin kanina, at hindi na namin maalala ang daan pabalik sa kampo ng mga kalaban para sana sundan ang daan nila palabas. Huminto ako nang may marinig akong lagaspas ng tubig. Saka ko naman naramdaman ang matinding uhaw. Kaya mabilis akong pumunta sa ilog. Tahimik lang rin na kasunod sa akin si Raden. Pagdating na pagdating namin sa ilog aý napangiti ako dahil malinaw roon. Mabilis akong naghugas ng kamay saka nagsalok ng tubig sa pamamagitan ng palad ko. Gano'n rin ang ginawa ni Raden. Saka humiga ako sa malapad na bato dahil nakaramdaman na rin ako ng labis na pagod. "Hanggang kailan kaya tayo rito. Kailan tayo makakalabas?" "Hindi ko rin alam," narinig kong sagot ni Raden. Bumangon ako saka pinagma
RADEN POV Napabuntonghininga ako saka nilingon si Alex 'di kalayuan. Nakaharap siya sa akin at nakatayo lang habang tinitingnan ako. I feel so ashamed of kissing her. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko. I really thought I would lose her. Lalo na kanina ng tumalon ako sa tubig at hanapin siya. Gusto nang lumuwa ng puso ko sa kaba ng hindi ko siya makita sa ilalim ng tubig. Para naman akong nabunutan ng tinik nang sa wakas ay mahawakan ko siya. Pero muli akong kinabahan nang iahon ko siya na hindi na humihinga. I know she's still alive but she doesn't breathe anymore. At no'ng naging maayos siya ay hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko kaya nagawa ko siyang halikan. Mas nagalak pa ang puso ko ng tinugon niya iyon. Pero nagulat naman ako ng bigla niya akong itulak. Tumayo ako. Ah, marahil nagulat siya at no'n lang napagtanto. Pero may pag-asang bumangon sa puso ko. Ah, hindi ko maintindihan. Humakbang ako palapit sa kaniya, habang patuloy na nakatiti
Alexandra POV Hindi ko na alam kung paano ko pipigilan. Kung paano ko pipigilan ang bumangong init mula sa aking kaibuturan. Kung paano ko babawiin ang pagnanais ng katawan ko na maangkin ni Raden. I'm drowning. I felt my wetness down there. Gusto ko mang idilat ang mga mata ko. Gustuhin ko mang itulak si Raden at patigilin sa ginagawa nitong paghalik sa leeg ko at paglamas sa maumbok kong dibdib ay hindi ko magawa. Dahil hindi man ito gusto ng isip ko, pero gusto ito nang puso ko. At umaayon ang katawan ko sa sigaw ng puso ko. Muling bumalik ang labi ni Raden sa labi ko. Oh, how sweet and smooth his lips are. This feeling that will keep you wanting for more. Ito iyong pakiramdam na hindi mo kayang labanan at mas lalo lamg lumalala. Para itong drugs na imbis iwan may binabalik-balikan mo. Tinugon ko ang mga halik niya na may alab. Na mas mainit, na may pagnanais sa makamundong pagnanasa. Pumulupot na ang mga braso ko sa leeg niya at dumako sa buhok niya saka ko pinasadah