Share

Chapter 30 #threated

Kabababa lang namin ni Raden ng kotse. Nasa harap kami ng BL Empire. May aasikasuhin ako at kailangan kong makausap si Bernardo. Simula kasi no'ng pangyayaring iyon ay hindi ko pa siya nakakausap. Kailangan kong masiguro na seryuso siya sa sinabi niya na hindi makakararing kay Raden ang nangyari. Baka traydurin niya ako.

Natigil kami sa paghakbang nang may marinig kaming sunod-sunod na putukan. Naalerto si Raden at hinila ako patungo sa nakaparadang kotse para gawing sanggalang.

"Sh*t!" Narinig kong mura niya.

May binunot siyang baril sa kaniyang tagiliran nang hindi pa rin humuhupa ang putukan. Nakikipagpalitan na rin ng putok ang mga bodyguards nila.

Kinapa ko sa binti ko ang baril na nakasuksok sa secret pocket dahil bubunot rin ako sa oras na magkagipitan.

Hindi nagtagal ay nakipagpalitan na rin ng putok si Raden dahil mukhang siya ang target ng mga ito. Dahil tinadtad nila ng bala ang sasakyang pinagtataguan namin.

"Sino sila sa tingin mo?" tanong ko kay Raden hab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status