"Adrian, she's working here. Isn't she?" she asked, surprised. "She's my secretary." "Really?" "Why? You have a problem with that?" he asked sarcastically. Lumapit sa harap ng kanyang mesa si Chariz. The truth is, he don't like this woman at all. Hindi niya maintindihan ang kanyang ina, kung bakit nagmamadali itong mag-asawa siya. Lahat na ata ng mga babaeng matitipuhan nito iririto sa kanya. "Adrian, I want you to stay away from that woman. Ayaw kong aahasin ka niya kapag naikasal na tayo. You don't know her much!" Napatingin siya sa babae. "Miss. Del Mundo, kung wala ka ng kailangan makakaalis kana. Please, do mind your own business. And one more thing. I don't have interest on marrying you." diretsahang saad ni Adrian. "Shut the door when you leave." pahabol niyang wika. Galit na nagrampa patungo sa pintuan si Chariz. Dahil nakayuko si Adrian at abala sa mga pipirmahang papeles, hindi niya nakita ang pag-asim ng mukha ng babae. Nagulat sina Luna at Josie sa mala
Walang sagot na narinig si Luna mula sa lalaki. Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata habang nasa elevator sila. Nakayakap ang braso nito sa kanyang baywang upang alalayan siya. Saktong tumingin siya rito ay nagtama ang kanilang mga mata. Napatingin si Luna sa mapulang labi ni Adrian, natutukso siyang halikan ito. Ngunit sinaway niya ang kanyang sarili dahil bigla niyang naalala ang pagpunta ni Chariz sa opisina nito. "Ba't ka naglasing?" biglang tanong nito. "Wala kang pakialam." nakasimangot niyang sagot. "Luna Marie!" Napatingin siya rito dahil sa pagbigkas nito sa buong pangalan niya. Biglang tumayo ang kanyang mga balahibo dahil sa seryosong mukha nito na nakatitig sa kanya. Bakit ba sa tuwing bigkasin nito ng buo ang kanyang pangalan ay para siyang alagad nito na kaagad tatalima sa anumang utos. "Ahh-ee k-kasi naman, kailangan kong mag-move-on, bawal ba 'yun? Pinaglalaruan mo lang ang feelings ko eh!" bulalas niya. Ngunit bago niya naisip na mali ang kanyang sa
Dalawang araw nang wala si Adrian sa opisina nito. Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan ni Luna. Secretary s'ya nito ngunit wala s'yang alam sa mga nangyayari. Maybe he was just toying with me? Sigaw ng kanyang isipan. Or, maybe he's busy. Pagbawi niya. Napailing s'ya, and heaving a sigh. Malungkot ang mukha habang sinusubo niya ang kinakaing siomai. Bumili s'ya sa nadaanang stall. Nasa park siya nakaupo at pinapanood ang mga kabataan na masayang naglalaro kasama ang mga magulang ng mga ito. Parang may biglang kumudlit sa kanyang dibdib. She's longing for a mother's love and care. Hindi niya napigilan ang biglang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata at agad naman niyang pinahiran. What if, magkaroon siya ng anak, magiging mabuting ina kaya siya? Tanong niya sa kanyang sarili. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. 'I'm sure magiging mabuting ina ako. Gagawin ko ang lahat maibigay lang ng buo ang pagmamahal at suporta sa aking anak'. Taimtim na bulong ng
Nagtaka si Adrian kung bakit si Josie ang pumasok sa kanyang opisina upang maghatid ng mga papeles na kanyang pipirmahan. Nagsalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa babaeng papalapit sa kanya. "What kind of look is that?" puna sa kanya ni Josie.Nakatukod ang kanyang mga siko sa mesa habang nilaro-laro ng mga daliri n'ya ang mamahaling pen na hawak. "Bakit ikaw ang nagdala niyan Josie? Where's Luna?" tanong n'ya rito. Kanina lang ay nakita n'ya ito sa labas.Napabuga ng hangin si Josie saka inilapag ang files sa mesa niya. "Ano ba kasi ang problema ninyong dalawa! Kanina'y kumatok na siya sa pintuan mo, ngunit biglang itinulos sa kinatayuan at namutla saka lumapit sa akin at iniabot ito, sabi magbabanyo muna s'ya. Hindi ko na kayo maintindihang dalawa Sir Adrian. Bakit parang malungkot ang kanyang mukha kanina. May ginawa ka ba sa kanya?"Nagulat si Adrian sa narinig. Napatingin s'ya sa pintuan. 'Hindi kaya n'ya narinig ang pinag-usapan namin ni Nikko?' naisip n'ya.W
Matagal nang nakatitig si Luna sa hawak na panyo. Nakahiga s'ya sa kanyang kama habang inaalala ang nangyari noon sa eskwelahan. Nakatago sa kanyang kahon ang panyo na tinapon ni Adrian noon sa kanya para takpan ang kanyang dibdib. Mayamaya bigla s'yang napaupo at binuklat ang panyo. Hinanap n'ya ang naka-engraved doon na initials. ADV sa tabi nito ay may drawing na diamond. 'Is it really him?' tanong n'ya sa kanyang sarili. Kinuha n'ya ang kanyang cell phone na nakapatong sa ibabaw ng unan. Pinindot n'ya ang search sa internet upang hanapin ang pangalan ng lalaki. Lumaki ang kanyang mga mata sa nakita at nabasa na mga article tungkol dito. "Gano'n s'ya ka sikat?" napamulagat s'ya habang nakatuon ang mga mata sa cell phone. Nag-browse s'ya upang maghanap ng mga pictures nito na nakasuot ng mask. Sa kalagitnaan may lumabas na picture nito, nakasuot ng itim na kalo at itim na mask. Pinalaki n'ya ang litrato upang matitigan n'ya itong mabuti. "Oh my god! No!"Nag-uunahan sa pagpatak
"What are you doing here?"Biglang nalukot ang kanyang mukha nang makita ang lalaking papalapit sa kanya. "I want to know if you're fine. C'mon, babe, I'm here because I missed you. I want to take care of you. Masama ba yun? Give me another chance, please?"Kung hindi lang mahina ang katawan niya siguradong mabilis pa sa pagong ang hakbang niya palabas ng kwarto upang makalayo sa asungot na'to.Tumayo siya mula sa hospital bed, upang ayusin ang damit at buhok. Mabilis na lumapit si Nolan sa kanya at hinawakan ang kanyang siko upang alalayan siya. "Please remove your hand, Mr. Magno!" mariing utos niya rito. Agad naman nitong inalis ang kamay nitong nakahawak sa siko niya. "I'm sorry." Wala na siyang inaksayang sandali. Mabilis niyang kinuha ang kanyang sling bag na nakapatong sa ibabaw ng mesa at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Mabilis namang sumunod sa likuran niya si Nolan. Binalingan niya ito dahil sa para itong kabute na biglang sumusulpot at naalibadbaran na siya sa
Weekend, umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang pamilya sa San Juan City. Pinauwi siya nng kanyang mga magulang dahil sa gaganaping dinner para umano sa nalalapit niyang engagement. Tinawagan siya ng kanyang ina kagabi upang ipaalam ang tungkol dito. Para siyang napanghinaan ng loob dahil sa nakita niya kanina sa hospital. Napatunayan niyang totoo ang kanyang nakita sa picture na nasa cellphone ni Tito Rey. Kaya ngayon napag-desisyonan niyang sundin nalang ang kagustuhan ng kanyang ina. "Son! Mabuti't narito kana." masayang sinalubong siya ng kanyang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit. Sa edad na singkuwenta'y siyete, nagmumukha pa ring bata si Jenny De Vera sa kanyang edad. "Mom, mukhang hindi ka ata tumatanda sa edad mo. Kaya dapat sana huwag ka munang magmadaling magkaapo!" biro niya rito na may halong katotohanan. Inirapan siya nito. "Anak, kung alam mo lang kung gaano ako naiinggit kina Lucy at Divina? Si Zedric nakadalawa na, pero ikaw ni girlfriend ay wala." nagtatampong sa
Pag-upo palang ni Luna ay para ng bumaliktad ang kanyang sikmura. Inaasahan na niyang mangyari iyon, dahil alam niya kung ano ang pagkain nito dahil siya ang nag-order nito mula sa paborito nitong Italian Restaurant. She hate the smell of tomato paste. "Can you serve me my food, Luna?" Napatingin siya rito. Nag-atubiling sundin ang utos nito. Ngunit sa huli sinunod niya rin upang makakaalis na siya roon. Nang mabuksan niya ang disposable plastic box na lagayan ng pagkain ay halos pigil ang kanyang hininga. Hindi siya nakatiis, kinuha niya ang panyo ni Adrian na nakapatong sa mesa at itinakip sa kanyang ilong saka nagmamadaling inilapit sa harapan nito ang box maging ang nakabalot na kutsara't tinidor maging ang tissue. Halatang nagtaka si Adrian sa ginawi niya. "What do you think you are doing? Nandidiri ka ba sa pagkain ko?" singhal nito sa kanya sabay hablot ng panyo sa kanyang kamay na itinabon niya sa kanyang ilong. Hindi na napigilan pa ni Luna ang kanyang sikmura. Agad