“Ma'am, magpapahatid po ba ako ng lunch mo?” magalang na tanong ng secretary niya matapos pumasok ng opisina niya. And as usual, walang emosyon niya itong binalingan, dahilan para marahan itong mapalunok. Kahit na sanay na ito sa kaniya'y hindi pa rin nito maiwasang matakot sa tingin palang niya.
“No, sasabay ako sa husband ko,” tipid na sagot niya, saka muling ibinalik ang atensiyon sa laptop niya.
“Okay po, Ma'am,” huling salitang narinig niya sa secretary niya, bago nito muling nilisan ang opisina niya.
Mula nang bumalik siya galing Spain three days ago, parati nang sumasabay sa kaniyang mag-lunch ang asawa niya; pinupuntahan siya nito dito sa opisina niya para magdala ng pagkain at para sabayan siyang kumain. Medyo nagtaka siya sa pagiging extra-sweet ng asawa, pero hindi niya na lamang ito binigyang pansin at hinayaan na lamang ito sa mga gusto nitong gawin, kahit na parang may kumakalabit sa kaniyang isipan na may ibang nangya
Muntik na siyang mabistong may ginagawang kalokohan kagabi, good thing at mukang hindi napansin ng asawa niyang hindi niya suot ang wedding ring nila. Sa pagmamadali niyang makapunta ng hospital ay nawala na sa kaniyang isipan ang tungkol sa wedding ring nilang tinanggal niya nang puntahan si Camina.At nakahinga siya ng maluwag nang hindi na humingi pa ng paliwanag sa kaniya si Ezra kung bakit wala siya sa resto, samantalang sinabi niyang busy siya sa trabaho dahil maraming guest, ayaw pa naman sa lahat ni Ezra ay ang nagsisinungaling. Masyado lang siguro itong nag-alala sa anak nila kaya hindi na nito binigyang pansin ang kaalamang wala siya sa resto at hindi siya sumasagot sa mga tawag at text nito.Pero may parte pa rin sa kaniya ang nag-aalala sa kung ano'ng laman ng isip nito ngayon. Alam niyang normal na dito ang pagiging tahimik, pero parang mas dumoble ito ngayon, pero agad rin namang nawawaksi ang pag-aalala niya sa tuwing kakausapin siya
Binalaan na kita noon, Ezra, pero hindi ka nakinig sa 'kin. Napakalaking kahihiyan nito sa pamilya!” mahinahon pero mariing saad ng chairman na siyang lolo niya sa father' side.Sa halip na nasa opisina ay narito siya ngayon sa Saavedra Mansion, dahil hindi lang pala siya ang pinadalhan ng video ng hindi kilalang sender na 'yon, kun'di pati na rin ang lahat ng miyembro ng pamilya niya na ngayo'y nakapulong na sa enggrandeng hapagkainan ng naturang mansion.Ang chairman na siyang grandpa niya na nasa dulo ng mesa, ang grandma niya na nasa kaliwang side ng chaiman, ang father niya na nasa kabilang dulo ng mesa, ang mother niya ay nasa right side ng ama niya, at samantalang siya'y nasa left side naman nito.Maliit lang ang pamilya nila dahil nag-iisang anak lang ng chairman ang father niya, at wala rin naman siyang kapatid, kaya nga nag-iisang tagapagmana lang talaga siya ng mga Saavedra. Though may mga kapatid, pinsan, at mga pamangki
"Honey, let's go,” tawag niya na kay Julius na nasa bathroom pa ng kuwarto nila, saka na siya naglakad palabas para puntahan ang anak nilang nag-aantay na sa baba.Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa asawa niya sa kabila ng natuklasan niya. Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa nitong kataksilan sa kaniya'y nagagawa niya pa ring ngitian, yakapin, at halikan ang asawa niya.Dahil gaya ng plano niya'y wala siyang balak na ipaalam dito na may nalalaman na siya. Alam niya na ang lahat ng impormasyong dapat malaman, kaya hindi niya na kailangan pa ng paliwanag ng asawa niya; hindi na nito kailanga’ng magpaliwanag pa sa kaniya.“Wala ka na ba'ng nakalimutan? Ang inhaler mo, nasa bag mo na ba?” tanong niya sa anak nang maabutan ito sa sala habang nagbabasa ng libro nito.“Yes, Mommy,” sagot nito, saka na isinilid ang libro sa bag nito't tumayo.“Good. Mauna ka na sa kotse, pababa na rin
After two days…“Bumalik uli ako kahapon sa condo niya pero wala siya, pinuntahan ko rin siya sa kanila pero maski ang pamilya niya ay wala rin, ‘tapos bigla nalang mapapanood ko sa balita na bumagsak na ang kumpanya nila?” Namomroblemang naisuklay niya ang kamay sa buhok niya. Narito siya ngayon sa opisina ng kaibigan niyang si Raniel na isang manager ng isa sa mga sikat na restaurant dito sa Crimson Wood; which is the ‘9;19 Fusion Beanery.’“Sinabi ko naman na kasi sa 'yo, tigilan mo na 'yan; kilala mo si Cielo, ang laki ng eager niya na sirain kayong dalawa ni Ezra, kaya hindi na 'ko magugulat kung nasabi niya na 'yan sa asawa mo,” tila'y paninisi nito sa kaniya, dahilan para lalo siyang mamroblema.“Pero wala namang sinasabi si Ezra, mukang wala pa naman siyang alam.” Gano'n pa rin naman ang pakikitungo sa kaniya ng asawa niya, kaya siguro naman ay hindi pa pinupuntahan ni Cielo ang asawa niya; kaya kailangan niya talaga’ng
“Ilang araw kang mawawala?” tanong ni Julius habang tinutulungan siyang mag-impake ng mga gamit na dadalhin niya.Isang araw na rin ang lumipas mula nang personal silang magkakilala ng girlfriend ng asawa niya, at ngayon ay nagpaalam siya sa asawa niya na inutusan nanaman siya ng ama niya na bumisita naman sa France para tignan ang mga branches nila do'n.But that's a lie. Hindi lang naman asawa niya ang marunong magsinungaling, she can also do that basically.Hindi talaga sa France ang punta niya, kun'di sa Harmony Bridge; kakaibiganin niya si Camina at susubaybayan niya ang gagawin ni Julius habang wala siya, nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi niya na ito nakikitang nakatutok sa cellphone nito, at ayon sa napagkakatiwalaan niyang tao na isa sa mga empleyado ni Julius ay hindi na ito lumiliban sa trabaho. ‘Maybe that's the reason kaya gano'n ang naging reaction ni Camina kahapon nang tanungin ko ang tungkol sa pagpapakasal
‘So my husband is really just playing with her.’ She stifled a grin after hearing Camina's recount.Base sa kuwento nito, talagang hindi nga seryoso ang asawa niya sa pakikipagrelasyon dito, pero mukang nabulag nito ang kawawang babaeng 'to.“I think hindi nga siya seryoso sa 'yo, kasi kung talagang serious siya sa relationship niyo, hindi niya gagawin 'to sa 'yo, hindi ka niya sasaktan. Anyway, did he already told you that he loves you?”Hindi nakaimik si Camina at bahagyang napayuko. ‘Alam ko na ang sagot. Of course my Honey only loves one woman, and that's me, only me.’“But I love him, I really do,” sa halip ay sagot nito na nananatili ang tingin sa lamesa. Bumuntong hininga siya. ‘Gago ngang talaga ang asawa ko, tss.’ This lady is innocent, pero dinumihan ito ng taksil niyang asawa.“Pero mahal ka rin ba niya?” tanong niya dito, pero muli ay hindi ito nakasagot.‘Masasaktan
Pinag-isipan niyang maigi ang mga sinabi ni Ezra kahapon, at nakapagdesisyon na siya; tama si Ezra, walang mangyayari kung maghihintay lang siya sa pagbabalik ni Julius, ni hindi na nga siya sigurado kung babalikan pa ba siya ehh, baka nagmumuka nalang siyang tanga kahihintay sa wala.Wala na siyang pakialam kung magagalit ito dahil pupunta siya sa workplace nito ng walang paalam, kasalanan naman nito dahil mukang ayaw nitong magpa-contact sa kaniya, at saka tama naman talaga si Ezra, may karapatan siya dahil girlfriend siya nito.Kaya naman hindi siya pumasok ngayon sa shop dahil ngayon niya planong magtungo sa Emerral City para puntahan ang nobyo niya; tinawagan niya na rin si Ezra dahil gusto niyang tanggapin ang alok nitong pagsama sa kaniya, para kung sa kali mang may mangyaring hindi maganda, hindi siya nag-iisa, may kaibigan siyang makakapitan.Palabas na sana siya ng bahay niya nang mapahinto, dahil pagbukas niya ng kani
“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, o nag-re-reply sa mga text ko?” kunot noong tanong niya nang sa wakas ay tawagan na siya ng asawa niya. Isang buong araw talaga itong hindi sumagot sa mga calls and messages niya mula kagabi, ‘tapos ngayon after niyang mag-dinner ay sa wakas tumawag na rin ito.“Medyo naging busy lang dito, Honey, nagkaro'n kasi ng problema sa isang branch. I'm sorry,” sagot nito na medyo pagod ang boses, kaya agad na nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ng pag-aalala para sa asawa niya.“Are you okay, Honey? Masyado ba'ng malaki ang naging problema?” nag-aalalang tanong niya rito.“Yeah, pero okay na, naayos naman na ngayon.” Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong hininga nito. Mukang napagod talaga ito sa inayos na problema.“Honey, don't stress yourself, okay? Magpahinga ka, 'wag mo masyadong pagurin ang sarili mo at 'wag na 'wag kang magpapalipas ng gutom, 'wag mo 'ko