What is Love?“The second lead’s fear.”“Where’s Euriel?”Agad na napalingon ang dalawa - si Iris at axl - na ngayon ay parang may pinag-uusapan.“Masinsinan yata ang kwentuhan niyo.”Tumuwid ng upo si Iris dahil sa sinabi ko.“Nagkakape ka ba?”Umupo ako sa tabi ni Axl, sabay kawit ng kamay ko sa kaniyang braso.“Kiss in the morning will do,” narinig ko ang pagngiti ni Iris. Tiningnan ko siya at kinindatan. “Just pretend you can’t see us.”Umayon na lang sa akin si Iris na nagtungo ng kusina.“Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang seryoso kayo pareho.”Hinalikan muna niya ako sa noo bago sumagot. “Ask her for it. I promised her not to tell anyone.”Inirapan ko siya. “Kahit sa akin?”“Kahit kanino. Teresa, promise is a strong word. She trusted me for this.”Wala na akong nagawa kundi tumango. Hindi naman talaga ako interesado na malaman kung anong pinag-uusapan nila. Siguro ay nagtaka lang ako dahil hindi ko kailanman naisip na magsasabi ng sikreto si Iris kay
What is Love?“Out of Place”I can’t totally say if we made it. Did we make it? I just know that after another two years with him, we’re finally at this point.Two years.What happened within those years?I think I’m more mature now. Kaya ko nang makinig ng mga kwento niya, ganon din siya sa akin. Natatanggap ko na paunti-unti na hindi ko dapat ikumpara ang sarili ko sa iba dahil hindi naman ako sila.Tama si Mama Marga, hindi dapat isa lang ang nakikinig sa parte ng relasyon. Dapat parehas ay nagkakasundo, nagkakalinawan at nagkakaintindihan.I think that’s a great recipe for a successful couple. ‘Yung tipong hindi niyo parehas kailangan maging perpekto pero sigurado at walang makakataob sa inyo dahil mas matindi ang tiwala at komunikasyon niyo sa isa’t-isa.The first time I broke down in front of him was two years ago. Sa resto, kung saan minaliit ko ang sarili ko. That’s the last misunderstanding I can recall.Because years passed by, our relationship grows
What is Love?“Favor to ask for”Anuman ang nangyari ay itinago ko na lang sa sarili ko ang pagkadismaya. Pinilit kong umakto sa harap niya na ayos ako… na ayos kami.Ang bilis ng panahon. Noon, hindi pa ako sigurado na aabot kami sa ganito. Ngayon, nag-uumpisa na kami. At dala-dala ko kaagad sa simula ang lungkot.“How’s my look?” tumalon ako sa harap niya sa loob ng walk-in closet. Nagbibihis din siya.Habang pinapasadahan niya ng tingin ang suot kong pair of red long sleeve dwarf suit and jeans ay malawak ang ngiti ko sa kaniya.“Say that I’m cute, please.”Kasabay ng kaniyang pag-iling ay ang multo ng ngisi sa kaniyang labi. Hinalikan niya ako sa noo habang sinusuot pa din ang red long sleeve blouse na kapareho ng akin.“You’re cute kahit ano pang isuot mo.”Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. “May kailangan ka ‘no?”“Bukod sa ‘yo? Wala naman.” Napanganga ako sa banat niya.“I can’t believe this! Napapadalas na pagbanat mo, Mahal. Ano? Agaha
What is Love?Disappointment at its greatestNagising ako kinabukasan nang wala na naman siya sa tabi ko. He sent me a text message before I even called him that he’s going to visit a relative somewhere. Gusto ko man samahan siya, hindi ko na lang ginawa. Kung gusto niya naman akong isama ay hindi na niya ako iiwan pa ditong mag-isa.I just sent him a ‘take care’ before I doze off to sleep again.Ilang oras lang ang itinulog ko ulit at bago pa man mag-tanghali ay gising na ako. Sinilip ko ang cell phone ko, umaasang may text galing sa kaniya. Itinapon ko na lang iyon sa kama nang walang natanggap kahit isa.Nagtungo ako sa kusina para maghain ng sarili kong pagkain. Pagak kong tinawanan ang sarili. Hindi man lang niya ako napaghanda ng pagkain. Hindi iyon ang trabaho niya at wala naman akong karapatang magreklamo tungkol doon dahil hindi iyon ang role niya bilang nobyo ko.Nakakatawa lang na nasanay akong ganon siya. Tapos biglang aalis siya ng maaga, walang iniwa
What is Love?“Tired but still holding on”Pagdating ko sa bar ay pinaalis ko na ang driver na naghatid sa akin. Tinanong pa niya ako kung magiging maayos na daw ba ako. Hindi ko sigurado pero tumango na lang din ako.Nasa labas na silang lahat. Mukhang hinihintay na nga lang ako.Nakita ko sa gilid si Luna. Para itong minolestya dahil sa awra nya. Isang simpleng shirt at jeans lang ang suot nya. Sa kabila non ay maganda pa din ang pagdadala nya doon ngunit bakas na bakas sa mukha nya ang kanyang pag-iyak.“Axl.” tinapik-tapik ko ang pisngi nito. Nagmulat ito ng konti at tinitigan ako. Hinawakan nya ang aking pisngi at napangiti. Maya-maya’y bumagsak ulit.“Madami siyang nainom.”Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Gusto kong sigawan si Axl dahil sa ginagawa nya. Paano ko naman masisigawan ang lalaking ito? Daig pa niya ang pinaka-problemadong tao sa mundo dahil sa hitsura nya.“Tingin niyo, anong oras pa sya nandito?” nagkibit-balikat ang lima. Nilin
What is Love?“Maternal Bond”I watched how the little girl delightly ate her food that was served on the table. I can’t find a way to eliminate my gaze with her. I just still can’t believe it.“Kristal, dahan-dahan lang. Look at your clothes, it’s already messy.”Nalumbay naman ang bata sa pagpuna ng kaniyang… ama sa kanya. Nakangusong pinagpagan niya ang dibdib at hita kung saan nalaglag ang mga kinain niya.“Sorry, Daddy.”“Okay. Just eat properly, okay?”Tumango ang bata at galak na galak na kumain ulit. Ang ganda niya kaya hindi ko mai-iwas ang tingin ko sa kaniya. Her face is enchanting. Sigurado akong hindi ako magsasawa na titigan siya.“Matti.”Naputol ang pagtitig ko sa bata. Napansin kong tumingin din ito sa akin nang tawagin ako ni Kris.“Eat your food.” natauhan naman ako kaya tumango ako at sinimulang kainin ang nakahain.Habang inuubos ang pagkain ko ay hindi ko pa din maiwasang hindi mapatingin kay Kristal. Bukod sa ganda niya ay hindi ko din
What is Love?“Jealousy”Kristal is comfortable in the house for a whole day. Bandang hapon nang umuwi sina Lola mula sa hindi ko alam kung saan sila nanggaling ni Lolo. Napuno ng tawanan at hagikhikan nila ang buong espasyo ng sala dahil kay Kristal at sa pagiging bibo nito.The whole day was not the same as how I usually spent my saturdays. And that’s because of her. This day is a little bit relaxing and calming.Pinapanood ko kung paanong nagtatawanan sina Lolo’t Lola kasama si Kristal sa sofa dahil sa kung anong magic ang ginagawa nito. Nasa hamba ako ng hagdanan habang malawak pa din ang ngiti dahil sa kanila nang mapansin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na kotse sa garahe sa pamamagitan ng glass wall.“Kristal, your Daddy’s here.”Naglaho kaagad ang malalakas niyang tawa dahil sa sinabi ko. Paglapit ko sa kaniya ay kinuha ko ang kaniyang kamay. Sabay kaming naglakad palabas.Kris’ face was dark as he got off of his car. Pino ang paglakad nito para salubun
What is Love?“THE HEARTBREAK”Another month passed by. Tila naging normal na lang ang mga nagdaang pangamba. Iisipin ko ngayon tapos mamaya, pipilitin kong makontento sa mga nalalaman ko. Talagang delubyo ang nangyari sa semester na ‘to. Minsan ay ayaw ko na lang gumising sa umaga dahil ibig sabihin lang niyon ay panibagong bakbakan na naman.At habang nalulunod ako sa gawain sa school works ay gumagapang lalo ang mga araw at gabi na normal at ordinaryo na lang din ang relasyon namin ni Axl.Sinisiksik ko sa sarili ko na nangyari na ‘to dati at malalagpasan din namin ito.Pinipilit kong maging kampante.Pero aminado pa din ako sa sarili kong hindi ko kayang maging kampante lang.I believe that when people tend to be comfortable on some things, they won’t realize that changes are starting to befall them.Kaya kung naiisip kong kampante lang ako na ganito kami ni Axl, naiisip ko lang ‘yun.Kailangan normal lang kaming mag-usap sa tawag, ordinary exchange of te