Share

Chapter Twenty Six

                           ALAS dos na ng madaling araw ay gising pa rin ako. Pabiling-biling sa higaan at sa katunayan ay naubos ko na rin lagukin ang dalawang bote ng delight. Ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi pa kasi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay naging palaisipan pa rin sa'kin ang muli naming pagkikita nina Daisy at Paul.

Naisipan kong tawagan si Mr. Ledesma. Baka sakaling gising pa ito at may makuha akong kaunting impormasyon.

Tatlong beses ko itong tinawagan subalit tila wala itong balak na sumagot. Kaya naman hinayaan ko na lang ito.

Muli akong nahiga at sinubukan ko ulit matulog.Ngunit wala pa rin nangyari. Nanatiling dilat ang aking mga mata hanggang sa namalayan kong alas singko na pala ng umaga.

Tinatamad na bumangon na lang ako at matamlay na lumabas ng kuwarto. Para akong zombie dahil sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status