(12 Hours Ago)
“KUYA, sa tabi na lang po,” sambit ko sa driver ng taxi pagkarating namin sa tapat ng kilaki-laking gate ng Mansiyon ni bossing.
“Ge.”
Binitbit ko muna ng maayos ang mga dadala-dala ko atsaka inaayos ang sarili ko sabay spray ng pabango at mouth spray. Mahirap na maging mabaho baka ma-bash na naman tayo ng boss kong no doubt, no. 1 basher spotted talaga.
All set! Kaya nagsimula akong maglakad papasok ng Mansiyon ni boss bit-bit ang mga papel na kailangan kong papermahan at ang bouquet na para naman sa jowa n’ya.
To be honest, ang pagiging secretary ko sa kan’ya requires strength, literal na walang kapaguran bhie, also you need to be creative, kung kailangan mong maging kasing creative ng mga bakla gogora ka kasi pati surprise n’ya sa girlfriend n’ya ako pa ang nag-iisip, if you’re his secretary you should be fast, araw-araw nasa marathon kayo teh, kung gaano siya kabilis maglakad dapat gano’n ka rin kabilis maglakad dahil kahit naglalakad nagsasalita ‘yan ng mga ipapagawa n’ya sa ‘yo kaya kung slow poke ka, jusko! Maagang magtatapos ang career mo.
“Hola! Magandang araw po sa inyo!” bati ko nang mapagbuksan ako ng security guard ng pinto.
Hindi kasi ako dumaan sa main entrance sa halip ay sa gilid ako dumaan na usually kung saan makikita ang mga kasama n’ya sa bahay.
“Meg! Dami nating bit-bit ah?” puna agad ni Manang Pepita ang Mayordoma ni boss.
Kumindat muna ako kay Manang atsaka nagsalita.
“Alam mo naman si boss, Manang. Araw–araw ganado, todo-todo!” sagot kong sabay-sabay na nagpatawa sa aming lahat.
Pinatong ko ang mga dala-dala ko sa mini-table ng kusina n’yang mas malaki pa yata sa buong condo ng pamilya namin.
“Korek ka dyan! Ito nga kay aga-aga hindi kami magkumayaw dahil nag-request ng full course breakfast!” sambit ni Manang Judy na abala na ngang naghuhugas sa lababo ng mga kilaki-laking lutuan.
“Pfft nag-away sila ni Jowa kaya todo effort ang boss natin!” Natatawa ko namang gatong habang naka-upo na sa mesa at sinimulan nang ini-start ang laptop ko na naka-monitor sa dining area ni boss na ngayon ay may mga maids nang nag-aayos at naglalagay ng kung ano-anong bulaklak sa paligid.
“Ay! Kaya naman pala! Bulungan ko nga minsan itong si Miss Prim na ayusin ang--” Hindi na natapos ni Manang Judy ang sasabihin n’ya ng biglang sumulpot si Mr. Estrellas sa kusina, napatayo kaming lahat sabay yuko sa kan’ya.
“Secretary Laxa, na-check mo na ba kung clear ang connection mo sa dining area?” tanong n’ya agad habang naglalakad na sa loob ng kusina.
Dumirertso siya sa mga nakaluto ng pagkain at isa-isang tinikman.
“Yes, sir. Clear na po, ayan na po ‘yong pinabili ninyong bouquet. Nakapatong na po siya sa may Bar Counter, may kailangan pa po ba kayo?” kabado kong tanong.
“Good. I think, nothing so far? Anyways, I’ll update you later, be attentive, baka may sabihin si Prim na hindi natin na ready, get it immediately. She’ll be here soon, you all have 10 minutes left.” Pigil hininga kaming lahat na nakatitig sa kan’yang nakatalikod na’t pabalik na ulit sa dining area.
Tuluyan na siyang nakaalis kaya sabay–sabay kaming napabuntong hininga.
“Diyos ko! Lord! Akala ko papagalitan ako! Bakit ba kasi pasulpot–sulpot ‘yang boss mo, Meg!” bulalas ni Manang Judy sabay punas ng pawis n’ya at agad nang binilisan ang kilos.
Ako naman napangiti ng pilit atsaka bumalik sa ginagawa ko kanina. Bakit parang kasalan ko, manang?
“Good. I think, nothing so far? Anyways, I’ll update you later, be attentive, baka may sabihin si Prim na hindi natin na ready, get it immediately. She’ll be here soon, you all have 10 minutes left,” mahina kong sambit mimicking his voice. Daming ebas, boss! Sana alam mong kumalma kahit minsan lang.
Kinuha ko ang aking iPad at binuksan ang email ni boss na s-in-end n’ya sa akin after n’yang tumawag kaninang umaga. Tungkol ‘yon sa mga nais n’yang gawin namin sa dining area, bitbit ang iPad ko ay naglakad ako papasok sa dining area at inisa-isa kong ch-in-eck ang plato, kutsara, tinidor, pati ang kutsilyong gagamitin nila, buti na lang wala na siya roon. Sinunod ko ang mga scented candle na nakahilera sa table, ang ayos ng mga bulaklak sa paligid, pati mga alikabok o dumi sa bawat sulok ay ch-in-eck ko na rin dahil napakametikulusa ng jowa ni boss nakakaloka, sobrang arte! Kaya need talaga ng puspusang paghahanda.
Matapos kong ma-check ang kabuoan ng dining area ay agad akong bumalik sa kusina at tinignan ang mga menu.
“Manang Pepita, okay na po ba ‘yong pinaluluto ni boss?” ani ko habang nakatutok sa listahan ng iba’t ibang menu na request n’ya na inilista ko sa iPad.
“Kompleto naman na, Meg. Pinalagay ko na rin sa lalagyan para sa pag-serve mamaya.” Tumango ako.
“Nandiyan na rin po ba ‘yong wine?” Pagsasalita ko habang ch-in-eck ang mga tapos na, inilagay ko kasi sa notes ang email ni boss para wala akong ma-miss na detalye, mahirap na, bibingo na naman kami kapag may mali.
“Nasa bucket na, nilagyan na ni Judy ‘yon ng ice cube kani–kanina lang.” Tumango ako noong matapos kong tignan ang wine na nasa bucket na nga. Nang matapos ako ay naglakad ako pabalik sa mesa kanina.
Sinaksak ko ang airpods sa dalawa kong tenga para marinig ang nangyayari sa dining area, nakatalikod si boss habang nakatanaw sa glass wall n’yang kita ang garden at ang mga taong pumapasok galing sa main gate.
Sa isang monitor naman ay nakikita kong papasok na ang luxury car na sundo ni Ma’am Prim kaya agad akong umayos nang upo at nagsalita.
“Nandito na ang jowa,” hudyat ‘yon sa aming lahat kaya halos hindi na magkanda-ugaga ang mga tao rito sa kusina.
NAKITA ko kung paano lumabas si boss para salabungin ang jowa niyang halos suotin na ang laman ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kinang ng mga alahas niya sa katawan. Agaran ang pagligkis ni Ma’am Prim kay boss sabay halik pa, ito namang si boss pokmaru, ahay. Pinagbuksan sila ng dalawang security papasok ng Dining Area, pinaghila pa nga siya ni boss ng upuan bago ito tumungo sa sarili niyang upuan at agad na ibinigay ang bouquet na binili ko.“This is beautiful, babe! I love it! Kaya I super love you talaga eh.”Nyeyeyeye, Reyna talaga ng kartehan.“I love you too, babe. All I want is the best for my best girlfriend.”Cringe!Tumayo si Ghurlalu atsaka kumandong kay boss kaya nauwi ‘yon sa paghahalikan nilang dalawa, imaginin n’yo, mga mami! Sa araw–araw na ginawa ng Diyos lagi kong tinitiis ‘tong ka-cheesyhan nila sa isa’t isa. Hustisya sa walang jowa! Hustiya sa aking single!Mata
“YES, SIR. You need to look for my replacement dahil I resign po.”Malaki ang ngiti ko habang direktang nakatingin sa kan’ya. Inayos niya ang tie niya bago ako talikuran.“We’ll talk about this later, Secretary Laxa. Let’s go to my lunch meeting,” matigas niyang sambit.“Yes, sir.” Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sumunod ako, nakangiti ako kasi kahit papaano nagawa ko na rin ang matagal ko nang gustong gawin. Makakahinga na ako ng maluwag.Finally!10 minutes early ay naglalakad na kami patungo sa Conference Hall at mukhang nasa loob na si Mr. Fernandez dahil may mga body guards na sa labas.Binilisin ko ang lakad at inunahan si boss para pagbuksan siya ng pinto, pagkapasok niya ay agad akong sumunod sa likod niya at nandoon na nga si Mr. Fernandez nakaupo habang kaharap ang mga pagkaing nakahanda.“Mr. Fernandez, I’m sorry for keeping you wait,” panimula ni bo
“ASA! May jowa na ‘yang si boss!” sagot kong nagpagitla sa kan’ya. Hindi nila alam?“Ay true ba? Eh whysung naman gano’n ang reaction niya? Very fishy naman!”Nga naman? Pero baka wala lang talaga siya sa mood, tinignan ko ang oras at napakabilis lumipas ng oras, 2:45 pm na.Napagdesisyunan kong mag-ayos na lang ng mga gamit ko at mamaya ko na tatapusin ‘tong Minutes of the meeting.“Ay naku, bakla! Hayaan mo na ‘yan, eemail ko na lang sainyo mamaya ang comments niya, aawra na ako baka buminggo ako sa kan’ya pagna-late ako.”Hindi ko na pinag-aksayahan ng pansin ang kung anong kalandiaan ang sinasabi nitong si Marquez at nag-umpisa na lang maglakad paalis.“Gesi, bakla! Umawra kana, kita-kits sa gedli.” Hindi na rin ako sumagot sa kan’ya at dire-diretso nang pumunta sa conference hall. 2:50 pm pa lang n’ong nakarating na ako sa harap
NAIS ko namang hanapin ‘yong sarili kong kasiyahan.Nais ko namang pangarap ko naman ang manaig ngayon.Nais ko namang makawala sa anino ng ibang tao.Nais ko namang tumigil nang maging selfless, nais ko ring i-try maging selfish.P’wede naman na siguro, hindi ba?Matatapos kong maging emoterang frog sa banyo ay nagbihis ako at umupo na sa kama ko. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ko ay hawak ko rin ang phone ko sa kabilang kamay at nagscro-scroll lang ako hanggang sa nakatanggap ako ng text galing kay Alex.Nakauwi na kaya ‘tong best friend ko?Binuksan ko ang text niya at binasa.Bantot, labas ka. Nasa garden ako ng Condominium n’yo.Hindi pa siya nakauwi? Kaya nagtipa ako ng reply ko.Sandali. Hindi ka pa nakauwi? Matapos kong na-send ay kumuha ako ng cardigan sa cabinet para medyo maayos naman pagmumukha ko
NAPABALIKWAS ako sa inuupuan ko nang biglang malakas na tumunog ang phone ko. Inaantok pa kasi ako, nakakaloka kasi itong si Baklang Marqueza! May chikang ini-spyuk!Matapos ang chat niyang, what’s wrong with Miss Alex? Sa group chat naming kasama ang team nila ay sunod-sunod na ang mga naging replies, na kes’yo anong meron, kung may nangyari ba raw or nag-away ba raw sila ng kuya niya, gano’n gan’yan.Pero bago ako mag-chika tungkol doon sasagutin ko muna itong mahiwagang tawag ni bossing, nag-vocalizing muna ako bago ko pindutin ang answer button.“Sir, good morning po! Napatawag po kayo?” napaka-energetic kong sagot. Nabeat ko yata ang energy gap kasama ang milo! Joke!“Morning, may business meeting ako sa Singapore ngayon. Help my sister interviewing the new applicants for your position.” Huwow! Sana all nasa Singapore pero above all! Himala! Morning daw! Maganda yata ang gising ni bossing!
Habang naglalakad ako papasok ng kompanya ay halos lahat nang madadaanan ko ay nagtitinginan sa akin. Wow? Dami ko naman yatang fans?Gulat kayo 'no?Akala ninyo habang buhay n’yo akong makikita rito? Uy! Hindi! Ako lang ‘to! Ngingiti-ngiti akong naglalakad hanggang sa makasakay ako sa elevator at pinindot ang 14TH Floor kung nasaan ang opisina ng best friend kong umiyak pala kagabi, hmph! Tumunog ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bag ko’t sinagot.“Bantot!” bungad niya agad sa akin. Ganda? Umagang-umaga rinig mo agad ang mabaho niyang tawag sa ‘yo. Saya, sobrang saya lang.“Good morning, ha? Good morning,” inis kong sagot.“Kalmahan! Ang puso mo.” Nag-tsk lang ako.“Good morning, bantot! Nasaan kana? Daanan na ba kita?” Ay wala.“Sana alam mong ang dadaanan mo palang ay papunta na sa opisina mo,” natatawa kong sagot lalo pa at rinig
EH, SIYA? Best friend lang ba talaga ang tingin sa ‘yo? Ang tanong nilang anim na nagpatigil sa akin, matagal akong blangkong nakatitig sa kanila pero wala namang lumalabas na salita sa bibig ko kaya’t mas minabuti ko na lang na talikuran sila ulit at magtanong sa cashier.“Magkano nga akin, Manang?” tanong ko muli habang kinukuha ko na ang wallet na nasa bag ko pa.“100.00 lahat, ma’am.” Tinanguan ko ang sagot niya atsaka kumuha ng 100 na buo at ibinigay sa Ale bago ko binitbit ang tray na may laman ng mga in-order kong pagkain.“Best friend lang kami, mga bakla. Huwag n’yo nang bigyan ng kulay.”Finally. May lumabas ng katwiran sa bibig, matapos ko iyon sabihin ay tumabi ako’t hinintay na mabayaran at makuha nila trays nilang may lamang pagkain.“Saan tayo?” tanong ni Donnabel ng matapos sila kaya agad naman akong sumagot.“Doon na raw tayo k
Pagkatapos naming kumain ay sabay-sabay na kaming sumakay ng elevator kaya nang makarating na kami sa 15th floor ay naunang lumabas si Alex.“Bye, Vice Chair! Salamat sa pakain!” pangunguna ni Marquez atsaka sabay-sabay na ring nagpasalamat ang lima. Bilang sagot ay ngumiti naman si Alex at tumango bago maglakad ulit.“Bakla! Mamaya ha? Shot tayo!” paalala ni Kelly kaya agad akong kumindat sa kanila.“Call!” huli kong sagot sa kanila bago sumunod kay Alex.Dire-diretso na siyang pumasok sa office niya lalo na’t marami ng applicants ang naghihintay sa amin sa labas. Kumaway na lang ako kay Ate Pearl na tumayo para salubungin si Alex.Umupo kaming dalawa sa puwesto namin kanina at agad nag-umpisang mag-interview.Halos 16:45 kami natapos kaya agad akong uminom ng isang bote ng tubig, straight!“Uhaw na uhaw?” natatawang sambit ni Alex na nasa swivel chair na niya.&