Share

Chapter 22

Inayos ni Blaine ang suot na simpleng dress, nagpunta lang sya sa ukay para bilhin yun. Ayaw na ayaw nyang nagsusuot ng palda o dress pero kelangan nyang magmukhang simpleng mahirap, mabait, malumanay at walang gagawing masama para maging kapanipaniwala ang pag aapply nya bilang katulong sa bahay ni Cruxian Wolfe.

Nagdoorbell sya sa gate, pinagbuksan sya ng lalaking nakauniform ...driver ata ito.

"Ano yun neng?"

"Magaapply po sana akong katulong." maamong ngiti ni Blaine.

Mukhang umepekto naman ang pagiging cute nya

"Ah sige halika , sandali at tatawagan ko si Ma'am Angie", paalam ng mejo may edad na lalake.

Maya maya ay bumukas ang front door ng bahay at may nakangiting babae na dumungaw doon.."Halika pasok ka .."

Maamong sumunod si Blaine at , pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Agad na nakita nya ang bata sa loob ng bahay na nasa living room at nanood ng tv , may hawak itong malaking cookie.

"Mag aapply kang kasambahay? Ilang taon ka na?" tanong ng babae, maamo ang mukha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status