Share

Chapter 7

Its been Three days since they got home from cebu.

Nasa mansyon pa rin sila ng mga Villafranca.

They still slept in the same room,pero halos parang di sila magkakilala ni justine tuwing nasa loob na sila ng kwarto .

He won't talk to her ,unless nakaharap sila sa ama nito.They still manage to act accordingly tulad ng napag kasunduan nila ni Justine.

" Angela! " Ngiti ni Bren ng makita ang dalaga.

" its nice to see you again, one week akong naka assign sa International flight.. Wala kasi si Capt. Guan .."

" Nice to see you too , hows your day?"

Kamusta ni angela.. Saglit na nawala ang mga iniisip nya kanina.

" Im good And starving as well.. Lets eat dinner together ,My treat.." imbita ni Bren sa kanya.

" ha? Ah kasi baka hinihintay ako --"

" Don't worry ,ihahatid nalang kita sa inyo..

Besides its 9pm .For sure pag dating mo tapos na magdinner sa inyo,wala ka ng kasabay kumain.."

He insisted.

Hindi na nakaimik si angela, pano nya ba sasabihin na hindi na sya umuuwe sa bahay ng mama nya, or worst kinasal na sya last week???

Wala ng nagawa pa si Angela..

Nasa gitna na sila ng daan ng bigla mag ring ang cp ni angela,

Nag flash ang pangalan ni Don Enrico sa screen nun..

" Hello Ninong?"

Napasulyap si bren sa kanya at tumango lamang..

"Good evening po, Ah pauwe na po ako.. Sige po.."

Matapos magpaalam sa kausap, bumaling sya kay Bren..

" Is there any problem?"maagap na tanong ng binata.

" No its just Ninong ,his asking if Im with Justine.." paliwanag ni angela..

" Justine?  .. " nagtatakang ulit nito..

" you mean Justine villafranca?

Hahaha so kinakapatid mo pala sya.."

Ngiti ni Bren..

Alanganing napangiti si angela..

" ah ..oo kinakapatid nga nya ako.."

" Your close with each other?" amuse na tanong ni bren..

" ah hindi naman masyado.."

Nagaalangang sagot ni angela..

" I see ..  Justine and I were sort of relatives.

Pero malayo ng relatives .. his Villafranca and Im Del Mundo , my moms middle name is Villafranca actually."

Kwento ni bren ..

Hanggang sa tumigil ang kotse nito sa isang pamilyar na lugar..

Kakain sila sa japanese restaurant and sa pagkakatanda nya nakapunta na sya dito..

" this looks familiar.." angela..

" yeah, nakapunta ka na dito. Saab 8 .remember?" paalala ni bren.

" ah oo nga pala .."

Madadaanan nila ang entrance way ng saab8 ground floor pero sa 2nd floor naroon ang japanese resto kung san may glass panel wall sapagitan ng Vip room ng saab8 at connecting door tagos sa restaurant.

Si Syrahn Riyuta ang may ari ng dalawang establishment na yun .

Hinatid muna ni Bren si angela sa pwestong oukopahin nila bago lumapit sa counter ..

Angela was busy scanning through her phone when she felt a pair of eyes  gazing  into her..

She look into the corner of the resto and their she saw Justine .There are two girls and another guy who looks familiar..

Naka pwesto ang mga ito sa couch,justine was holding a bottle of drink..

Bago pa sya makapag react lumapit na si bren sa kanya at mukhang nakita na rin nito kung sino ang tinitingnan nya.

" Hey buddy!" kaway ni bren sa kanila..

Justine get up from the couch and the other guy also did..

" Captain!" ngiti agad ni jake

Lumapit si bren sa kanila ,magkatapat lang sila ng pwesto nasa bandang sulok lang ang couch na kinalalagyan nila..

" Hi , good evening ladies " bati ni bren sa mga kasama nila..

" how are you buddies?" kumusta nya sa dalawang binata.

" handsome as ever.." halakhak ni jake..

" bro that was a beautiful view right there"

Tudyo ni jake na tinutukoy ay si angela..

" Is that your girlfriend?" seryosong tanong ni Justine,sa wakas ay nag salita din.

" actually she is a good friend and workmate of mine.. One of the most beautiful faces in Belle Air,right?"

Pakilala ni Bren.

Tumayo na si angela at kusa ng lumapit sa kanila.

" Hi ,Good evening ..Im Angela" pakilala ng dalaga.

" oh I remember you, the girl in white" parang may umilaw na bombilya sa ulo ni jake..

" nice to see you again beautiful" lahad ng palad ni jake..

Nahihiyang inabot  ni angela ang kamay,agad na inabot yung ng binata at mabilis iyong ginawaran ng halik ni jake.

Agad na nilingon ni angela si justine,

He look so annoyed.

Their gaze lock into each other ,at walang nagsalita sa kanila..

"oh you two know each other ,right?" tawa ni bren.

" Yeah, " sagot agad ni angela..

" we're ---"

" kinakapatid ko sya." agad na putol ni justine ng sasabihin nya.

" What ?! You didn't tell me na may maganda ka palang kinakapatid?" violent reaction ni jake..

Nalilitong napatitig sya kay justine..

Why did he lie?

"anyway come on guys ,baka gusto nyo kaming saluhan.. Its dinner time"

"Sure sure.." agad na sagot ni jake ..

" Ladies come on ,its my treat.." tawag ni jake sa dalawang babae sa couch.

Angela go back to their table ,sitting next to her is bren and across her is justine.

Umorder si bren ng wine..

Saka sinalinan ng kunti ang baso ni angela, Justine threw a steel cold stare at her.

" Hindi sya pwede uminom,she has low alcohol tolerance." Sita ni justine kay bren.

"Oh , sorry.. Di bale its ok if you just want to taste it.." wika ni bren sa dalaga.

Jake look at them suspiciously..

" oh You know her that well..?  Thats kinda sweet bro.."

Bumungisngis ang dalawang dalaga na kasama nila..

Kung wala lang sila sa harap ng hapag kainan baka itinaas na ni justine ang middle finger para sa walang magawang kaibigan..

" uhm ,sweetie do you want this sushi?" alok ng isang babae kay justine.

" thanks ,but no " sagot ng binata.

Hindi pinansin ni angela ang dalawa ,at itinuon ang atensyon sa tempura halos sabay pa sila ni justine dumampot nun.

" ay " agad na ibinaba ni angela iyon at hindi na itinuloy ang pagkuha.

Hinayaan na lamang nyang makuha iyon ni justine ,ngunit pagka kuha ng binata bahagya nitong inunat ang bisig at inilagay iyon sa plato ni angela..

" its yours.."wika ni justine.

Saka dumampot pa uli ito at inilagay naman sa sariling plato.

"Thank you.." mejo nagulat sya sa inakto nito ,kaya wala sa sarili na nagpasalamt si angela ..

" you' re very much welcome.. " sagot ni jake in behalf of justine. May nakakalokong ngiti sa labi nito..

Ngumiti na rin pati si bren..

" You should try this california rolls..

Its fantastic.." abot nito sa dalaga .

He even put 3 pcs on her plate..

" salamat po.." magalang na wika ni angela.

Sinadya nyang hindi lingonin ang kaharap dahil sigurado syang nakakunot na ang noo nito..

She tried dipping it in wasabi  ..the green sauce,ng maipasok sa bibig, di nya inexpect na ganun pala iyon kaanghang!

Ginawa nyang tubig ang wine dhil yun ang una nyang nahawakan at nainom..

They had a few talk of thoughts then after dining , bren expected that he would be the one to drove angela home..

Matapos magpaalam sa isat isa.. Jake go back inside the club. Justine and bren walk side by side through the parking area ..

Angela was walking at the back of them, sa magkabilang dereksyon  ang kotse ng dalawa so angela was now at the middle of them..

" hey come on ,ihahatid na kita" paalala ni bren..

" ahm no its okay, sasabay na ko kay justine. Thanks for the dinner:)" ngiti ni angela kay bren.

Bren smiled at her ..

" okay then.., bro take care of her ,please drive safely."

Saka nagpatuloy na sa paglalakad si bren.

Justine was standing beside her,

" You too bro.." balik ni justine sa kaibigan.

Saka naglakad na rin papunta sa dereksyon kung san nakapark ang kotse nito.

Pareho silang tahimik sa loob ng kotse..

"so now your dating the captain ?"

Basag ni justine ng katahimikan.

" simpleng dinner lang yun ,infact andun ka rin naman, please no issues.."

paliwanag ni angela.

"Yeah for you its just a dinner..

Poor guy hitting on you,not knowing your real status." sarcastikong wika ni justine.

" wala syang ginagawang mali .." she defended him.

" ofcourse, he just put wine on your glass and 3 pieces of california rolls on your plate.What does supposed to mean ?"

Madilim ang mukha nito habang nakatutok lamang sa daan ..

"Nagseselos ka?" deretsang tanong ni angela.

"sinasabi ko lang , its so obused he likes you."sagot ni justine.

"Thats why I have to tell them that we're married ,but what you did is ..you lied to them."  paalala ni angela sa isinagot nito kanina ..

Hindi na sumagot si justine, he look outside the window while driving.. Nakataas ang sulok ng labi nito like it was about to form a smile, but it didn't went through, dahil pinipilit nyang hindi matuwa sa narinig ..

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

Nagtatakang tanong ni angela.

What the fuck.

Shes giving me that feeling again..

So shes willing to tell the truth,

that she's mine anyway. Good girl.

That dissolves all my miseries today..

Im an asshole though.

He thought to himself.

#

Pag dating sa mansyon , halos magkasunod lang sila pumasok sa kwarto , nag usap kasi sandali ang mag ama kaya't nahuli na tumaas si justine.

Nadatnan na nyang nakahiga sa kama ang dalaga, nagbabasa ito lagi para makatulog

Nag angat ito ng tingin ng pumasok sya..

" Pinagalitan ka?" tanong agad ni angela..

Hindi nito sinagot ang tanong ng dalaga,

" May pa surprise si tanda bukas.." tugon ni justine.

Dumeretso ito sa cabinet at kumuha ng maisusuot ..

Nasanay na si angela sa style nito , madalas kasing walang pakialam ang binata kung may kasama syang babae o wala , basta basta nalang ito naghuhubad ng walang pasintabi..

Kahit ilang beses nya itong pagsabihan di ito nakikinig. Kaya naman si angela nalang ang nag a adjust ,sya na ang nahihiya at nagiiwas ng tingin.

" hayy naku" takip nya ng libro sa mukha nya..

Nang maramdaman nyang gumalaw ang kama at pumwesto na dun ang binata,

Saka nya ibinaba ang libro sa hita nya..

" alam mo napaka insensitive mo.." sita ni angela sa binata.

" bakit anong ginawa ko sayo?" nakatutok ang mata nito sa cp.

" Yan"   tukoy nya sa ayos ng binata ,naka boxer short lang nanaman to.

"lagi ka nalang naka ganyan..  Parang kwarto mo lang to at ikaw lang ang nandito no?"

" kwarto ko naman talaga to, nakikitulog ka lang dto sa kwarto ko db?" paalala ni justine sa kanya,saka nito itinabi ang hawak na cp .

" napaka gentleman mo talaga.." sarcastikong wika ni angela .

" buti naman at naappreciate mo "

Sagot ng binata.

"hmp." Angela rolled her eyes .

" 2 weeks na , may 2 months at kalahati pa bago mag expire ang pagiging gentleman ko." kwenta ni justine ng mga araw.

Binalingan sya ng masamang tingin ni angela.

"manigas ka !" asik ng dalaga.

" Kapag sa iba ,kahit daring ang suot mo ayos lang sayo pero pag sa kin halos itago mo na lahat .saan ang hustisya dun?"

Di na napigilan ni justine ang  inis nito na kinikimkim nung mga nakaraang araw pa kayat hindi nya ito pinapansin.

"ha?" maang ni angela , sa kawalan ng sasabihin..

" o hindi ba?, bakit anong meron kay Lenard? Tinitext ka pa ba nya hanggang ngayon?" sunod sunod na tanong ng binata.

" okay let me explain.. Yan ba ang dahilan kung bakit di ka namamansin nung nakaraan? Una, si Lenard ay photographer ng tita mo,kilala mo sya. Pangalawa, isang beses lang sya nagtext sa kin nung nandun tayo sa cebu para sa pictorial yun after that wala na. At walang namamagitan sa min, wag kang malisyoso."

" hindi ako seloso" agad na sagot ni justine.

" wala akong sinabing seloso ka, ang sabi ko malisyoso.." pagtatama ni angela.

" sa susunod na kulitin ka pa ni Aunt jess , sabihin mo na ayaw mo." inis pa rin na wika ng binata.

" Oo ,sasabihin ko na AYAW MO." litanya ni angela.

" Much better ,at ipapa delete ko lahat ng kuha ng Lenard na yun . Hindi yun lalabas sa kahit anong magazine." nakasimangot na tugon ni justine.

Inis na tumalikod si angela at nahiga na ,

Sa tuwing ipinapaalala nito sa kanya ang usapan nila mas lalo syang kinakabahan at natatakot ..

Tumayo ang binata at pinatay ang ilaw, agad naman binuksan Ni angela ang lampshade sa tabi .

kung saan naroon ang lampshade dun lagi ang pwesto nya..

Bumalik ang binata sa kama upang kunin ang unan nito pero biglang may kumatok sa pinto..

Akmang babangon si angela ng magsalita si justine,

" ako na"

pigil nito sa kanya ,saka hawak ang unan na lumapit sa pinto upang buksan iyon..

Nakatayo sa tapat ng pinto ang ama nya..

" Pasensya na nakakaistorbo ba ko.."

Bungad ng matanda ng makita ang ayos nya..

" Nagpapahinga na ba si angela?"

Ini On muli ni justine ang ilaw at tumabi upang makita ng matanda si angela na nasa kama ,bumangon na ito at nakatingin sa kanila..

" Iha , wala kang flight bukas pasensya ka na at kinausap ko na ang boss mo, sumama ka na sa amin ni justine bukas." wika ng matanda.

" ah sige po " ngiti ni angela.

" sige yun lang  ,Goodnight" malapad ang ngiti ng matanda ng umalis sa tapat ng pinto.

" Anong meron? " tanong agad ni angela kay justine.

" surprise nga ,bawal sabihin." tipid na sagot ng binata.

" pero alam mo na?" sumbat ni angela sa kanya..

The next day nagulat sila ng makasalo si Don Enrico sa hapag kainan good vibes ito ngaun habang si justine  hindi mo malaman kung malungkot ba o masaya kasi wala nanaman ang ekspresyon sa mukha nito , he always have that smug face.. Like he would pick a fight with somebody.

Mga 9am ng isama sila ng don sa isang lugar kung saan may 2 story na bahay ..

Tumigil sila sa harap nun ..

" looks like we're here.." sulyap ni justine sa bahay..

" anong gagawin natin dito?" tanong ni angela..

" we'll find out later.." sagot lang ng binata saka lumabas sila sa kotse ni justine.

Naka convoy sila may driver ang don at dala nito ang puting SUV car nito ,samantalang  naka itim na BMW sila ni justine.

Magkasunod sila na naglakad papasok ng gate at nakangiting binuksan ng matanda ang main door..

" Home sweet home" anunsyo ng matanda ng makapasok silang lahat sa loob..

Nagtatakang binalingan ng tingin ni angela ang may edad na lalake..

" from now on ,this will be your own home!"

surpresa ng don sa kanila..

But justine wasn't really surprise..

Only angela was left shocked.

" oh my God.. This is beautiful ninong!"

Hnd makapaniwalang wika ni angela..

" thank you so much po.."

" This is my gift ,because I want all the best for the two of you." masayang tugon ng Don saka iniabot ang master key kay justine.

Sinabi ng Don na tingnan nila at ikutin ang buong bahay..

Angela felt contented with what she saw.

5 bedrooms including the masters bedroom. Isang cr sa baba at isa sa taas at meron din sa masters bedroom.

Sakto lang ang luwag ng sala at maganda ang kitchen meroong ref at completo ang gamit dun.

May smart tv sa sala at malaki iyon  meron ding pool sa likod at 4ft ang lalim nun maaliwalas din ang garden at mukhang pina landscape talaga iyon .

Napaka thoughtful ng ninong nya..

" Did you like it  ? Kung may mga gusto kayong baguhin o idagdag ,feel free iha.." masayang wika ng matanda..

" No ninong ,its so perfect! Wala na po akong idadagdag pa o ibabawas" masayang sagot ni angela

"Masaya ako at nagustohan nyo, mula sa araw na to dito na kayo titira.

I hope you two will fill this place with love and care, make this your own home.

Im looking forward to the day where I could see my grandchildren running around here.. Dont make me wait too long Iha, Im getting Old."

Ngumiti si Angela at di nito napigilang yakapin ang father in law sa saya na nadarama.

Justine was standing there looking at them,like it was the most dramatic scene he had seen in his whole life, makes him wanna throw up a little.

" Ang drama nyong mag Lolo.."

he smirk and walk pass through them..

Tinapunan sya ng matalim na tingin ng matanda.

Sa araw din na yun lumipat ng bahay si angela at justine..

Gusto ng don na ipasama ang isang maid sa kanila ngunit umayaw si justine.

"We don't need one , di ba angela?" he gave her a sharp look.

" ah ,ha? Actually its fine with me.. Kung yun ang gusto ni ninong.. But I could also go around without a maid Ninong ,marunong naman po ako sa gawaing bahay.."

" No ,iha .. I don't want you to do a lot of stuff at home , concentrate on your work and with having a baby." malinaw na litanya ng Don.

Marahas na bumuntong hininga si justine..

" but I prefer no maid at home, makakasagabal lang yun sa min,

Am I right ,babe?" baling nito kay angela..

Now its time for angela to give him a sharp look ,bakit ba sya ang iniipit nito sa pagitan ng usapan nilang mag ama?!..

May pa babe babe pa itong nalalaman ??

" okay lang po sakin kahit ano.." alanganing ngiti ni angela.

" Your not thinking young man, Do you know how to deal with laundries,soiled plates , maintening the garden,cleaning the whole house ??"

litanya ng Don sa binata, na parang kilalang kilala nya ito na walang alam gawin sa buhay..

" I live in australia for 7 years ,old man.

I know how to do my thing."

Balik ni justine.

" okay tama na yan, sige po isama nalang po natin si Lala "

awat ni angela sa mag ama. At sa lahat ng isasama si lala pa talaga ang nabanggit nya ,17 years old palang ata ang pinaka bata at bagong maid sa bahay na yun.. Ito kasi ang huling nakita nyang dumaan kaya sya na ang nabanggit nya.

" Good ," commento ng don .

At dun na natapos ang usapan with justine awarding her a dead pan look.

Pag dating sa bagong bahay ,binuhat na ni justine ang mga bagahe papunta sa masters bedroom ..

Dala ni angela ang ibang gamit na magaan ..

Pagkapasok sa loob ng kwarto inilock agad ni justine ang pinto.

" Your not thinking straight" harap agad nito kay angela.. Na nakapa meywang pa.

" bakit ?" angela.

" do you know why he send someone with us? Thats because that old man wants to keep an eye on us" paliwang ni justine.

" e anjan na , wala na tayong magagawa ,okay?" angela.

" No, may naisip ako.I could actually do something .." tila may naisip na plano si Justine .

He gaze at her intently..

" but I need your cooperation."

" hala, ano naman gagawin ko?" nagtatakang sagot ni angela.

" basta .." He smiled devilishly.

Inirapan ng dalaga si justine at inumpisahan na ang pagsasalansan ng damit sa walk in closet nila..

Justine did the same thing.

" You know what? if shes not here we could sleep in different rooms.."

Justine stated in a matter of fact.

" bakit ba gustong gusto mong nag sisinungaling?"

" Well ..You woudn't want me to be brutally honest with you , baka ma-culture shock ka."

Babala ni justine.

" Maiintindihan ko ,basta explain mo ng mabuti.."

"Ayaw ko magexplain, masyadong mahaba." he refused.

Then theres the consecutive knocking on the door ..

" Maam - ser  , kaen na po ..loto na yong  haponan" wika ng bisayang katulong.

" sige Lalang ,bababa na kami .." sagot ni angela saka tumayo at itinabi ang maleta sa gilid.

Kanina pa tapos si justine. Sa katunayan nakahiga na ito sa kama..

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

He don't usually lie, at mas lalong hindi sya yung tipong madaldal but when his around angela hindi nya mapigilan ang magsalita . He deny everytime, thats the roots of his lies.

He deny that he is married with her.

He deny that he doesn't share when it comes to her.

He deny that she is his type.

And when something irritates him because of those other guys showing obused interest to her , he suddenly becomes talkative .

A realization suddenly hits him.

"Damn it" ...mura nya sa sarili.

Its impossible.

Why would I like her?

Is she beautiful enough?

Yes.

Is she really interesting?

Kind a..

No way!

Maybe i'm just physically attracted to her..

So what?

Im just a man , thats normal.

Yeah. This is attraction ,nothing more ,nothing Less.

I'll get over her , maybe after satisfying my curiousity .

Thats it.

Magsasawa din ako .

How to satisfy sweet cravings?

Eat a lot of sweets until your tummy aches.

Then your done with it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status