Share

Chapter 18

Napalingon ako doon sa isang 'Kiddi's Play Area', isa itong indoor na playground kung saan iniiwan muna doon ang mga bata pansamantala ng mga magulang nila para makapagbili at maasikaso ng maayos ang mga dapat nilang tapusin. Gawa sa glass ang pader nito kaya kitang kita lang mula dito sa labas ang paglalaro nila doon sa loob.

"Sure, paalam ka muna sa Papa mo" nakangiti kong sabi sakanya na siyang ikinalingon niya kay Theo na kasalukuyan ng naglalakad palapit dito sa kinauupuan at napili naming maliit na square table.

"Papa pwede po ba play ako doon?" napalingon si Theo doon sa tinuro ni Kaiden. Ngumiti ito sa anak.

"Sure but you have to finish this before going there" tukoy pa nito sa ice cream na dala at ibinigay ito kay Kaiden. "Food is not allowed inside" tukoy pa niya doon sa indoor na playground.

Pagkatapos ay ibinigay niya naman sakin iyong Vanilla Ice cream bago siya tuluyang umupo sa isang upuan na katabi ko. Nakangiti ko itong tinanggap.

"Salamat" sabi ko at agad na tinikman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status