Share

Chapter 38

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mahimbing pang natutulog si Theo kaya naman ay hinayaan ko nalamang siya doon sa kama ko lalo na at mukhang pagod ang katawan nito.

Nag-ayos muna ako sa sarili at nanghilamos pagkatapos ay dinaanan ko muna ang kwarto ni Kaiden at pati rin ito ay tulog pa kaya naman ay nagpasya muna akong bumaba at tumulong sa kung ano mang dapat gawin pa dito.

Magluluto na sana ako kaso pagkarating ko sa kusina ay saktong kakatapos lang din ni Manang magluto ng agahan kaya naman ay uminom nalang muna ako ng kape dahil wala pa akong ganang kumain. Nag-usap pa kami ni Manang hanggang sa namataan ko si Ate Ruby na may dalang laundry basket na may naglalamang mga damit.

"Ate Ruby, labahin po ba yan? Ako nalang po ang gaga--

"Ay hindi po Maam tapos na po itong labhan, ititiklop nalang po ito"

Agad kong inubos ang iniinom kong kape at agad na tumayo sa kinauupuan. "Ate ako na, para may magawa rin ako dito sa bahay"

Napatingin pa si Ate Ruby kay Manang at mukhang nag-aal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status