Share

Chapter 49

KANINA pa gising ang diwa ko pero hindi muna ako kumilos. Gusto ko munang pakiramdaman ang kambal na naglalaro pa sa kama. Tahimik sila pero ramdam ko ang likot nila dahil umuuga ang kama.

“Gisingin natin si Daddy,” hindi ko sigurado kung si Theo ba o si Timothy ang nagsalita.

Muli kong narinig na umuga ang kama hanggang sa tumahimik na.

Pilit kong kinakalma ang sariling huwag matawa para hindi nila mahalatang nagpapanggap akong tulog.

Nakuha pa nilang magplano sa harap ko. Balak nila akong kilitiin sa tagiliran.

“Sa kabila ka, ako rito,” ani Theo.

Pigil ang labi kong mangiti sa ginagawa nila.

“Bilang ka ng 1 to 3,” ang utos niya pa kay Timothy.

“Ikaw na lang, you know how to count.”

“You know also... okay, 1... 2... 3—”

Pero bigla na akong dumilat at mabilis na hinablot sila palapit at pagkatapos ay kiniliti. “Kayo, ha.”

Tawa lang sila nang tawa dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status