ALMIRA
First day of school! Yes! nakaka-excite naman.
"Remember my darling. Be a good girl." Pahabol ni Mommy sa'kin nang paglabas ko sa bahay.
Ibig sabihin lang ni mommy, huwag akong magsasalita ng kung ano-ano tungkol sa background ng pamilya namin. I mean, na daddy ko ang dean ng Eislerville Academy.
Ok! lets keep a secret a secret.
"Pwede bang sumabay sayo?" tanong ng lalaki sa likod ko, habang binubuksan ko na ang pintuan ng kotse na nakapark sa parking lot namin.
Napalingon ako sa nagsalita. Teka... sino 'to?? Tiningnan ko siya from head to toe.
Nakauniform siya. Panglalaki na uniform ng Eislerville Academy.
Tiningnan ko siya sa mukha. Hmm... ang cute ng hairstyle niya ah? Pang anime!
Pero nang ngumiti siya. Biglang napaawang ang bibig ko. My eyes grew wider!
Napasinghap ako. OMG! Kilala ko na siya!
"Jessy?!"
Akala niyo siguro kung sino na noh? Pero at first di ko talaga siya nakilala sa ayos niya.
"Yeah! Right girl! Ayos ba ang fashion ko?" sabi niya na bahagyang ngumiwi habang tinitingnan ang sarili.
"T-Teka?? Why are you wearing that kind of uniform?" maang na tanong ko sabay turo sa suot niya na hindi parin talaga makapaniwala.
"Tss.." Tinulak niya na ako sa loob ng kotse at pumasok na din siya. Pinaandar na ni Manong Driver ang kotse.
"Gusto ko mag-aral sa Eislerville Academy. Kaya pinilit ko si Kuya, in return na kailangan ko daw maging lalaki talaga."
"Woah! At pumayag ka naman na maging lalaki?" halos hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mahirap, pero for the sake na gusto kong makapag-aral sa Eisllerville Academy, kailangan ko talaga maging lalaki." sabi niya habang nakangiwi. "Take note magaling akong magpretend."
Ako naman ang napangiwi. "Sus! Ang sabihin mo gusto mo lang makakita ng mga gwapo sa school na iyon."
"Mismo!" sabi niya saka tumawa. "Pero ayos ba? Halata ba na... ahm... beki?" tanong niya kapagkuwan.
Nagthumbs-up ako.
"Ayos na! For sure marami ang maghahabol sayo sa itsura mong 'yan."
Napahawak siya sa magkabilang pisnhiTumili siya. "Talaga? Lahat ba ng mga boys sa Eislerville Academy?"
"Nope! All girls. Ang gwapo mo kaya sa itsura mong 'yan " I said as I chuckled.
"Sabi ko na nga ba eh..." sabi ni Jessy na para bang nanamlay.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. And yeah! To tell you honestly, gwapo naman talaga si Jessy. Kung hindi nga lang siya beki, naku! ang dami sigurong naghahabol sa kanya.
Nakarating na kami sa Eislerville Academy.
"Remember! Hindi ka bakla kaya ayus-ayusin mo ang kilos mong 'yan." paalala ko kay Jessy bago kami lumabas ng kotse.
"Yeah! right, lalaki 'to! " sabi ni Jessy using a husky voice at sinusuntok-suntok pa ang dibdib niya. Pero agad din napangiwi. "Ouch ang sakit!"
Natawa ako sa ginawa niya. "Lets see kung kelan tatagal ang masculine voice mong 'yan..."
Baka kasi makakita lang siya ng gwapo. Titili na siya, edi wala din.
Sabay kaming naglakad papasok sa Eislerville Academy. Hindi ko mapigilan tumawa sa paglalakad ni Jessy.
"Parang pinag-aralan mo ang paglakad mo ng ganyan ah? " natatawang tanong ko. Parang lalaki na rin kasi siya kung maglakad. Eh dati halos daigin niya ako sa paglakad dahil sa pag kembot niya.
Inirapan niya ako. "Che! Ang hirap nga eh."
"Ginusto mo 'yan, so magtiis ka!"
Tiningnan na muna namin 'yong bulletin board, doon kasi nakapaskil kung saan ang section na papasukan namin.
"Yes! Magkaklase tayo. "masayang sabi ni Jessy.
"Talaga?" Tiningnan ko ang board. "OMG! Buti na lang, atleast hindi na ako mao-Op pa."
Ilang sandali ay isang nakakabinging tilian ang kumuha sa atensyon namin.
"Nandiyan na ang 3G!" tili ng mga babae saka nag-unahan magkumpulan sa gate.
A-ano daw? 3G? 3 gigabyte?
Pumasok ang tatlong matatangkad na lalaki. Para silang artista na binigyan ng daan as if they were walking on the red carpet.
Lalong naghiyawan ang mga kababaihan. Lahat ay parang nabaliw sa pagpasok ng tatlong lalaki sa Eislerville Academy.
"Girl malalaglag na panty ko!" bulong ni Jessy sa akin.
Napairap ako sa kanya. "Pigilan mo 'yan."
Napatingin ulit ako sa tatlong lalaki. Habang patuloy parin ang tilian ng mga babaeng nandito.
Napaawang ang bibig ko and my eyes grew wider nang mamukhaan ko 'yong lalaking nasa gitna.
"Thats him! 'y-yong Evan. 'Yong nanghalik sa'kin!" bigla kong sabi sabay turo ko kay Jessy.
Tiningnan ni Jessy ang lalaking nasa gitna. Pero hindi ko inaasahan ang pagtili niya mabuti na lang at tinakpan ko agad bibig niya. Tss. Hindi niya pa nga natatapos ang isang araw ng pagpapanggap niya maging isang lalaki, tumili na agad siya.
"Dito pa nga lang, hindi mo na kayang kontrolin ang sarili mo." sabi ko.
"Sorry naman..."sabi ni Jessy saka tumawa ng mahina.
Tumingin ulit ako kay Evan at saka naniningkit na humakbang para lapitan siya. Humanda ka sa akin lalaki ka. Pero bigla ay napabalik ako nang pigilan ako ni Jessy.
"Oy-oy Almira, saan ka pupunta?" pigil ni Jessy sabay hawak sa braso ko.
"Tuturuan ng lection 'yang Evan na 'yan! Hindi parin nawawala ang pagkulo ng dugo ko sa ginawa niya!" gigil na sabi ko.
"Seryoso ka? Remember, first day of school ngayon, kaw din baka kapag ginawa mo ang binabalak mo. Baka buong taon mo dito sa Eislerville Academy eh, maging magulo ang buhay mo."
Napaisip ako, sabagay may point si Jessy. First day ngayon, kaya naman sige, palalampasin kita ngayong araw na 'to Evan Fernandez.
Napabuntong-hininga na lang ako at kinalma ang sarili.
"Tara na nga!" sabi ko.
"Wait! Curious ako sa sinasabi nilang 3G. Ano naman kaya 'yon?" tanong ni Jessy.
Kumibit-balikat ako. Iginala ko ang paningin ko sa paghahanap ng meaning ng 3G.
"Right! try nating magtanong sa babaeng ito, baka alam niya." suggest ko saka tinuro 'yong katabi ko na sobrang nakakabasag ng eardrum kung tumili.
"Girl..." tawag ko sa babae as I poke her. Nang lumingon siya ay agad siyang napatulala kay Jason as if parang nagdadaydream, nakanganga at tulo laway. Kulang na lang eh magha-heart-heart pa ang mga mata.
"Girl!" pukaw ko sa pagdadaydream niya at saka napatingin kay Jessy na kasalukuyan nakangiwi.
"Y-Yes?" sabi niya saka lumipad at tingin sa akin.
"Ahm... we heard that they called those guys as 3G. What does it mean?" tanong ko
"Marami! Tatlong gwapo, 3 Gods Pero ang pinakacommon talaga is 3 Gorgeous." sabi niya na nagpapalipat ang tingin sa amin ni Jessy.
"Ahhh..." napatango ako "Baka naman tatlong Gago. " bulong ko kay Jessy. Siniko naman ako ng mokong.
Napairap na lang ako sa ginawa ni Jessy.
"Ang gwapo naman ng kasama mo." suddenly the girl said.
Pareho kaming napatigil ni Jessy.Teka, ano daw?
Pigil ang pagtawa na nilingon ko si Jessy para malaman ang reaksyon niya. Napakamot naman si Jessy sa batok. Alam kong pinipigilan niya ang sarili niyang maasar dahil baka matarayan niya ang babae sa sinabi nito.
"Hi, I'm Almira nga pala, and she este! He is my friend, Jes-ah Jason." pakilala ko since natuwa talaga ako sa babaeng ito.
"I-Im Victoria, Tori for short." Malumanay na sabi nito sabay lahad ng kamay kay Jessy.
Nag-aalangan naman si Jessy kung tatanggapin ba niya ang pakikipagkamay nito, kaya tiningnan ko siya ng 'Sige na!' look.
"Ahem! J-Jason." nakipag-shake hands siya. Kahit pakiramdam ko ay nandidiri siya. 'Yan kasi ang pinasok mo, panindigan mo!
Ang tagal alisin ni Tori ang kamay ni Jessy sa kamay niya. Kaya naman pwenersa na ni Jessy alisin 'yon
Inamoy-amoy pa ng babae ang kamay niya. Na talagang ikinabigla ni Jessy. Ako naman eh halos sumasakit na ang tiyan para pigilan na huwag matawa sa nangyayari.
"Tae! Tara na nga Almira. Nakakadiri ang babaeng 'yan!" bulong ni Jessy sa akin saka hinatak na ang braso ko papunta sa section namin.
Nang makalayo kami kay Tori ay wala akong nagawa kundi tumawa ng tumawa sa nakita kong eksena sa dalawa. Kahit papaano naging goodvibes ako sa akto nina Jessy at Tori.
Sabi ko naman kasi, gwapo si Jessy. 'Yon nga lang may pusong mamon.
***********
"Hell... nakakadiri ang babaeng 'yon, yucks!" habang nasa upuan na kami sa section namin at hinihintay na 'yong teacher namin
Tinawanan ko siya. "Dapat kasi alam mo din ang consequences sa pag-aaral mo dito lalo pa't may itsura ka naman talaga. "
"Oo nga eh, di ko kasi 'yon naisip noong una. Iniisip ko kasi maganda ako parin ako kahit ganto ang itsura ko. "
Nagtilian na naman ang lahat! Tae, hanggang kailan ba matatapos ang tilian na 'to? Ang sakit na ng ulo ko oh!
Napatingin kami sa pintuan. Bahagya akong nabigla nang pumasok kasi sina Evan sa classroom namin at naupo sa last row. Which is nasa likod namin.
What the hell... Ibig sabihin classmate ko siya? Sila?
Muli akong na-highblood nang makita ko na naman ang pagmumukha ng lalaki.
"Pigilan mo ako Jessy. Baka makagawa ako ng eskandalo dito." gigil na sabi ko kay Jessy. Everytime kasi na nakikita ko ang pagmumukha niya. Hindi ko mapigilan maisip ang nangyari sa enrolment day. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang first kiss ko! Gusto ko pa naman iyon ialay sa Mr. Right ko, in a most intimate way. Tapos ayon kinuha lang ni Evan in a snap! Nakakaasar talaga siya!
"Talagang pipigilan kita. First day ngayon 'yon so relax ka lang! breath in, breath out." pigil sa akin ni Jessy.
"OMG! Hi Jason!" sabi ng babae na nakaupo sa harapan namin. "What a coincidence, magka-classmate pala tayo? Gosh!"
Pareho kaming natigilan ni Jessy, siya kasi 'yong babae na tinanungan namin kanina. Si Tori, what the-classmate din namin siya?
"Almira..." bulong ni Jessy na hindi malaman kung tatayo ba o uupo or aalis na para bang natatae. "Pwede naman siguro tayo magpalipat ng section right?... ayoko makita ang nakakadiring babaeng 'to."
Humagalpak ako ng tawa. Wala ka ng kawala ngayon Jessy.
********
ALMIRANext Day...Madaling natapos ang first day ko. Pero atleast, walang masyadong gulo na nangyari. I mean, bukod sa sigawan ng mga babae kapag nakikita ang mga hinahangaan nila, typical first day of school feels lang ang nangyari.Wait. Hinahangaan? Well, wala 'yon sa vocabulary ko. Kasi ako mismo ang hinahangaan ng mga boys.Si Jessy naman, hanggang matapos ang uwian, halatang asar na asar doon sa babae: kay Tori. Eh paano ba naman kasi, natapos 'yong first day na laging nakabuntot sa kanya si Tori.Kung anu-ano ang tinatanong. At kung dumikit ito sa kanya, eh halos tumalon si Jessy at kumaripas ng takbo sa sobrang pandidiri. Yeah, may fangirl na agad siya.
Chapter 5ALMIRA"A-aray..." mahina kong anas habang hinihimas ang kamao ko.Ang sakit ng kamay ko. Ang tigas kasi ng mukha ng lalaking 'yon!Tumuloy na ako sa paglakad para hindi niya mahalata na masakit ang kamay ko.Pero atleast! Nasuntok ko na siya ngayon, na dapat noon ko pa ginawa.He's known for bieng a playboy in this school. At kung inaakala niya na pati ako mahuhulog sa patibong niya, pwes! nagkakamali siya. He's very wrong to the highest level!"Sige na... susubuan na kita.""Ako na lang T-Tori. See? May kamay naman ako."Napatingin ako sa bench kung saan kasalukuyang pinipilit subuan ni Tori si Jessy. Bigla ay napangiti ako sa nakita ko.
ALMIRALunch Time. Pumunta kami ni Tori sa cafe para maglunch. Napaka-elegante ng cafeteria ng Eislerville Academy. Ang ganda ng ambiance, at sobrang instragramable ng dating, ang bawat sulok nito."So 'yon ang gustong ipalabas ng Evan na 'yon?" tanong ko matapos kong marinig ang sinabi ni Tori."Oo... kaya pinapalabas ni Evan na ikaw ang nanghalik mismo sa kanya, hindi lang dahil gusto ka niyang inisin. It's because, he wanted you to get bullied, with his other girlfriends."Tumaas ang kilay ko."Girlfriends?? As in with S? Ilan ba ang girlfriends, niya?" kunot-noong tanong ko."I don't know... pero marami sila. At saka 'yong pa
ALMIRAInalis ko ang headset ko sa lakas ng tili ni Jessy."Talaga? Niyakap ka n'ya? Tapos tinawag ka pang girlfriend?" tili ni Jessy habang nagvi-video chat kami. Hindi pa kasi ako inaantok kaya nakipagchika na muna ako sa kanya.Nasa baguio pa kasi siya and hindi pa daw siya makakapasok bukas. Hay naku naman! Nabo-bored na ako sa school wala akong kachika. Nand'yan naman nga si Tori, pero mas feel ko parin kausapin ang bestfriend ko."Sabi ko na sa 'yo, may gusto siya sayo eh." pahabol niya.I rolled my eyes."Tsss, wala noh! It's just one of his plan para mabullied ako ng mga fangirl niya at ng mga gi
Almira"Hurry up, Almira! Nangangati na ang paa ko papuntang Mall." sigaw ni Jessy. Its weekend kaya naman naisipan namin pumunta sa mall. And at the same time, bibili ako ng bago kong make-up, since nakuha ni Mr. Gomez ang make-up ko.Ang lalaki kasi na 'yon! Argh! Forget it kumukulo lalo dugo ko sa lalaking 'yon.Nang paglabas ko sa kwarto ko. Halos lumuwa ang mata ni Jessy, at nakaawang pa ang bibig dahil sa suot ko."Wow! Oh my gossh! You're so gorgeous Almira.""I know right! " I proudly said. Suot ko lang naman ang slim jeans, na talagang nashape ang perfect legs ko, and croptop long sleeves. Tapos isang napakataas na heels na tinerno ko sa jeans ko.
Almira's POV."Class dismissed!"Nagsitayuan na kami hudyat na natapos na ang araw."Are you free today?" tanong ni Evan, na bigla na lang sumulpot sa harapan ko."Bakit" tanong ko habang nakataas ang kilay."Yayayain sana kita lumabas." he said at saka ngumiti, a killer smile.Tss... kung akala mo madadala mo ako sa pangiti-ngiti mong 'yan, Hell no!"I don't have a time for that." nakataray na sagot ko sa kanya."Alam mo ang taray mo. Hindi bagay sa 'yo." sabi niya dinaan niya ang kamay niya sa mukha ko.
Almira's POV.Its time to rest. Haay! napagod ako sa party kanina.Pagkatapos ko maligo, at nagbihis ng pantulog. Kinuha ko ang suklay at humarap sa salamin.Habang nagsusuklay ako ng buhok, I noticed my hand. Napatigi ako sa pagsuklay.Wait!Napaawang ang bibig ko, at biglang kinabahan. Hinawakan ko ang wrist ko."Oh, my god! Where's my bracelet?!" anas ko sa sarili ko.Inabot ko ang gown ko. Baka nasabay lang sa pagalis ko, pero pinagpagan ko 'yon pero walang nahulog.Tiningnan
Almira's POV"S'ya boyfriend mo?" tanong ni Evan and the chuckled. "What a big joke!"What the hell! Pinagtawan lang ako ng mokong na 'to! As in, ano bang nakakatawa?"Tss, ano naman ang nakakatawa?" nakapamewang na tanong ko sa kanya."Sorry, I can't help ito. I can't help it. Nakakatawa kasi talaga!" Nakahawak na siya sa tiyan n'ya kakatawa.I rolled my eyes. "Sige itawa mo lang 'yan. Baka mamaya umutot ka pa d'yan eh."Pinilit na pigilin ni Evan ang tawa niya. "Sige hindi ako tatawa. Pero ano ulit sabi mo? Siya ang boyfriend mo?""Oo bakit? Ma