Chapter 36Bahagyang nagulat si Shin sa sinabi niyang bumukod na lang sila."You want us to rent somewhere?"Bahagya siyang tumango."Parang di ko na kayang makisama sa nanay at kapatid mo. Unang-una hindi naman talaga nila ko gusto para sa'yo, kaya ayaw nila ko dito. Ginagawa ko naman lahat. Nagsisilbi ako. Wala akong hinihinging kapalit pero tama bang miske sa pagkain pagdamutan ako? May gana pa silang saktan ako. Gusto ko sana makasundo ko sila, pero ayaw naman nila."Napabuntong hininga ito."Marion, ako rin naman gusto kong magkasundo-sundo kayo. Mas masaya yun. Kahit gusto ko ring ilayo ka sa kanila para hindi ka mahirapan, tingin ko hindi natin kakayanin. Estudiyante palang ako. Walang permanenteng trabaho. Hindi nating kakayaning magdagdag pa ng ibang expenses bukod sa pagkain. Lalo na ngayon magkakaanak pa tayo."Napailing siya. Mukhang walang balak pakumbinsi sa kanya."Sinasabi mo bang tiisin ko na lang sila palagi? Hanggang kailan?" naistress na tanong niya.Gusto na talag
Chapter 37 Parang nauupos na kandila ang pakiramdam niya nang makita si Shin na walang malay sa hospital bed. Puro galos ito sa katawan at mukha. Ang ulo ay may benda. "What happened?" nag-aalalang tanong ni Grant na kasama niyang nagpunta sa ospital. "Eh, umangkas kasi siya dun kay Brando, groupmate niya, tapos hindi pa sila nakakalayo sa school, may nakasalubong silang walang preno na truck. Umiwas si Brando, sumalpok sila sa pader, tapos si Shin nabagok at nagpagulong-gulong sa kalsada," kwento ni Clark na mamasa-masa ang mga mata dahil sa kaawa-awang lagay ni Shin. Hindi na siya nahiya at napahagulhol nasa harap ng mga ito. "Shin! Parang awa mo na, 'wag mo kong iwan!" palahaw niya dahil nagsisikip talaga ang dibdib niya. Agad naman siyang pinapayapa ni Grant. "Si Brando asan?" tanong pa ni Grant. "Dead on arrival pare. Basag ang bungo." ani Alex na halatang nanlumo rin sa nangyari. "Gosh. Sana maging okay si Shin," napahimas si Nancy sa braso saka siya inalalayang umupo sa
Chapter 38Tinitingnan palang ni Marion ang mga gawaing bahay na nadatnan niya pag-uwi ay tila naubos na ang lakas niya.Tambak ang mga plato, kawali, kutsara at tinidor sa lababo. Naglalaro na ang ilang ipis at nagpipista na ang mga langgam doon dahil sa mga tira-tirang pagkain na nakalantad.Minura niya ang mag-ina sa isip. Ang tatanda na pero ni hindi marunong maghugas ng mga pinaglamunan?Sa lamesa naman ay may mga patak-patak din ng sarsa ng ulam at nandoon rin ang ilang plato at baso.Kahit nandidiri ay sinumulan na niyang hugasan ang mga iyon. Isang araw lang siyang hindi nakatigil sa bahay ay ganito na kadumi ang inabutan niya.Binugaw niya ang ipis at kumuha siya ng mask dahil mabaho ang amoy ng napanis na kanin at ulam sa kaldero at kawali.Itinapon niya muna ang mga pagkaing tira saka siya naghugas.Pinunasan niya rin ng malinis na basahan ang lamesang nangigigipalpal din sa dumi. Naglampaso din siya ng sahig na maalikabok na dahil magmula ng maging dishwasher siya ay nakak
Chapter 39Pinilit ni Grant na hindi mataranta nang makita ang umagos na dugo sa mga binti ni Marion."Don’t move, Marion, stay still…" ani Grant at walang anumang pinangko siya.Hindi na nagreklamo pa si Marion dahil sa takot para sa anak niyang tila nalalagay sa alanganin.Dinala siya ng binatilyo sa kotse nito. Idiniretso siya sa ospital. Habang daan ay nanlabo na ang paningin niya.Nagkamalay na lang siya na ang bumungad sa kanya ay puting kisame.Nakahiga siya sa hospital bed. Napabangon tuloy siya."Hey, you’re awake…"Napatingin siya sa pintuan. Kapapasok lang ni Grant."A-Asan tayo?""Hospital. This room is just next to Shin, kaya pwede mo siyang silipin mamaya.""P-Pwede kayang ngayon na? Gusto ko siyang makita.""Wag ka munang magkikilos, take a rest," marahan siya nitong isinandal sa headboard."A-Ang baby ko?" unang tanong niya nang maalala ang sitwasiyon niya kanina."Don’t worry, the baby is fine, ito pala ibinili kita ng mga vitamins na kailangan para mas kumapit siya,"
Chapter 40 Lalong nagngitngit si Chelsea dahil sa sinabi ni Grant. Malinaw na kay Marion ito kumakampi. At hindi man nito diretsong sabihin ay alam niyang pinagbabantaan siya nito na anumang gawin niya kay Marion ay ito mismo ang makakalaban niya. "Damn that b!tch!" nagtatagis ang mga ngiping maktol niya. Nagmamartsang tumungo siya sa silid nito. Nakapikit si Marion at anyong tulog. Nangangati ang palad niya at gusto niya talaga itong sampalin. Talagang mainit ang dugo niya dito sa babaeng ito. Ipinahamak nito si Shin dahil sa pagiging malandi nito, maaga itong magiging batang ama. Tapos ngayon ay nakuha nito pati ang loob ni Grant! She likes Grant, matagal na. Pero hindi naman siya nito pinag-uukulan ng pansin at mukhang mas lalo siyang walang magiging pag-asa dahil nasa side ito ni Marion. Muntik na siyang mapaatras nang makitang nagmulat ng mga mata
Chapter 41 "Palakas ka, ah?" ani Marion kay Shin habang sinusubuan niya ito ng mainit na sopas na nabili niya sa canteen sa ibaba ng ospital. "Oo naman, lalo pa at inaalagaan mo ko." Napangiti siya sa sinabi nito. "Shin, ‘wag ka ulit aangkas ng motor, ah? Takaw disgrasiya lang ‘yan," paalala niya. "Gusto ko kasing makauwi kaagad nun kaya umangkas ako kay Brando. Saka wala talaga sa hinagap ko na madidisgrasiya kami." "Alam ko, pero mas okay na yung nag-iingat. Ano na lang gagawin ko kung hindi ka nakabalik?" nangilid ang mga luhang sabi niya. "Hey…I’m already here so don’t cry," marahan nitong hinagip ang kamay niya at hinalikan pa iyon. "Thankful ako sa itaas na hindi ka niya pinabayaan." Nakangiting tumango ito. "Simba tayo sa Sunday? This is my second life kaya dapat magpasalamat ako sa kanya," yakag nito kaya napangiti rin siya. "Yun lang pala, eh. Sige simba tayo. Paalam tayo sa Mommy mo baka kasi magalit na naman sa’kin yun." "Sana magkasundo na talaga kayo…" "Sana n
Chapter 42 Balisa si Marion habang nakahiga. Sumasakit ang tiyan niya. Napatingin siya sa katabing si Shin. Mahimbing ang tulog nito pero siya ay kanina pa alumpihit. Kabuwanan na niya. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang manganak dahil wala pa naman silang ganoong pera. Konti nga lang ang gamit na napamili nila para sa bata sa tulong ng kaunting kita nilang pinagsama sa pagtatrabaho nila sa boss na tsekwa. "Marion?" naalimpungatan si Shin dahil naramdaman nito ang paglilikot niya. Napabangon ito at binuksan ang ilaw. "Masakit pa rin?" nag-aalalang tanong nito at napahawak sa tiyan niya. Napangiwi siya. "D-Dumadalas na talaga…" "Itakbo na kaya kita sa ospital?" "Di ko pa naman due date, saka kaya ko pa naman. Sabi ko rin kasi kay boss mag-o-overtime ako. Sayang kita…" Napabuntong hininga ito. "Sigurado ka?" "O-Oo. Sige na tulog na tayo ulit. May exa
Chapter 43 "Marion, natataranta ko sa’yo, sigurado ka bang hindi pa tayo pupunta ng ospital?" aligaga si Shin nang umagang iyon habang naghahanda sa pagpasok. Akala nila kasi kagabi manganganak na talaga siya kaya pinapara niya ito ng sasakyan, pero nung dumating naman ang tricycle ay nawala na naman ang sakit. "Oo nga, o ngayon o wala naman akong nararamdaman ulit. Ganun naman yata talaga kapag malapit na. Madalas na ang sakit. Saka isa pa, mamaya na ang battle of the bands niyo. Hindi pwedeng hindi ako manunood. Sabi nga ni Alexis baka maging lucky charm niyo ko." "Hay sige na nga, katawan mo naman ‘yan, mas ikaw nakakaalam. Basta tawagan mo ko kung may mararamdaman ka." "Oo, ‘wag ka ng mag-alala." "Sige bye, Love you." "Love you too…" at humalik na siya sa pisngi nito. Pumasok pa rin siya sa trabaho. Iniisip niya sayang ang kikitain. "Hoy sipag mo, hindi ka pa ba manganganak ng lagay na ‘yan?" usisa ng bading na si Krissy habang naglalagay ito sa tabi ng lababo