"WAS THAT supposed to scare us?" tanong ni Freni. “O baka sinasabi mo lang iyan upang umatras kaming dalawa ni Izabella dahil ayaw mong malugi ang business mo? Malaking pera na rin ang fifty thousand pesos. Well, hindi na naman ako magtataka kung aatras ka. Para ka na rin kasing nagtapon ng pera sa amin.”
Modesty aside, hindi siya natatakot sa multo dahil hindi naman siya naniniwala sa mga kwento tungkol dito. But yes. Mahilig siyang makinig sa mga true to life stories na horror. Naaaliw kasi siya. There were times na gusto na niyang makakita ng multo para ma-prove sa sarili na totoo nga ito sa kabila ng sinasabi ng iba na kathang-isip lang ang mga ito, but still failed. Iyong multo siguro ang takot sa pagmumukha niya. Hindi nga niya alam kung ano ang reaksyon niya oras na makakita ng multo. Will she got scared? Or just nothing? Sigurado naman siya na totoo ang mga multo rito. Na nag-e-exist an
HALOS MABINGI si Freni sa tili ni Izabella samantalang siya naman ay natuod sa kinalalagyan habang tiningala nila ang third floor ng gusali. The white lady was still there, silently watching the two of them. Gaya ng mga kwentong narinig niya sa mga kaklase noong high school hanggang college, abot hanggang beywang ang buhok ng white lady at nakaputi ng bestida na sumayad sa sahig. Subalit hindi nakasayad ang mga paa nito sa sahig at animo binabantayan ang second floor.Bumukas at sumara ang bibig ni Freni. Gusto niyang magsalita at sumigaw. Gusto niyang sabayan si Izabella sa pagsigaw, pero walang anumang salita ang lumalabas sa bibig niya. She just had a staring contest at the ghost. Para siyang napakatapang tingnan. Sino ba naman ang makikipagtitigan sa isang multo kung natatakot na ito? Si Freni lang, sa pagkakaalam niya. Gustuhin man niyang ibahin ang direksyon ng mga mata, subalit hindi niya maga
MALAKAS ANG KABOG ng dibdib na nilapitan ni Freni ang sanggol. It was a baby girl. Sa tantiya niya ay nasa pangalawang buwan pa lang ang baby. Binalot ito ng lampin at may damit pang-itaas at pang-ibaba na rin. Ang mas nakakamangha, marami na ang buhok ng baby kahit na two months old pa lang ito.Just looking at the newborn child reminded her of Nacho. Ganito rin ang sanggol nang makita niya. And she totally fell in love with her. Everything about her screamed cuteness.Nagpalinga-linga si Freni.Hindi katulad sa other floors, mas malinis ang fourth floor. Walang anumang basura sa paligid at wala ring vandalism. Wala ring anumang tao sa paligid. Marahil effective ang mga multo na bantay sa lower floors upang hindi na tumuloy ang mga ito.Pero ang ipinag
IYAK NANG IYAK sa labas si Izabella habang pinagmamasdan ang lumang gusali. Nakakahiya ang ginawa niya. Bakit nagawa niyang iwan si Frening mag-isa sa loob habang tumakas siya? Nabahag ang buntot niya dahil lang sa isang multo? Itinuring siya na kaibigan ni Freni, pero bakit mag-isa siyang lumabas? Dapat kinuha niya ang kamay nito! Traydor siya! Ang dapat sa kanya ay ipatapon sa pinakamalalim na kweba. Nakakahiya siya! Ano pa ang mukhang ihaharap niya kay Freni? At kumusta na kaya ito sa loob? Ayos lang kaya ito? Pero paano kung nahimatay na ito sa sobrang takot? Paano kung paglabas niya pala ay nahimatay na ito at nahulog sa hagdan? At nabagok ang ulo? Tapos binaha ng dugo ang sahig? Mariin siyang napapikit.
MUNTIK NANG MAHIMATAY si Izabella nang makita ang nakaabang sa kanyang white lady. At sa dami ng dapat makita, bakit ang ngisi pa nito? Para itong demonyo na bumalik sa lupa upang maghasik ng lagim. At takutin ang lahat ng papasok sa loob ng building na ito. Sa kabilang banda, bakit ba ang daming multo rito? Bakit kailangan pang bantayan ang bawat baitang? Bakit possessive ang mga multo sa building na ito? Ang daming bakit na tanong na naglalaro sa isipan niya. Totoo siguro ang kwento ng fairy na iyon? Napalunok si Izabella nang titigan ang white lady. Nakakatakot pa ang itsura nito. Natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-staring contest silang dalawa ng white lady. Walang isa sa kanila an
NAKATINGIN SA KAWALAN si Master, malayo ang iniisip. Nababagot na siya sa kakahiga sa sariling kwarto. Gusto na niyang lumabas at puntahan ang nasasakupan niya, subalit may mahigpit siyang bantay--si Alfonso. Twenty-four seven siyang binabantayan nito at umaalis lang kapag gusto nitong umihi o dumumi. Hindi pwedeng ganito na lang palagi. Mas lalo siyang magkakasakit kung mananatili siyang nakatali sa kama niya. Kailangan niyang mag-exercise. Mas maganda sana kung tumakbo siya para lumabas lahat ng pawis niya sa katawan. But Alfonso wouldn't allow him. Akma siyang babangon nang pigilan siya ni Alfonso. “Sinabi na po ni Ginoong
“PAGPASENSYAHAN NI’YO NA PO si Ginoong Nachoron. Hindi niya po alam ang sinasabi niya,” deklara ni Alfonso nang silang dalawa na lang sa loob ng kwarto.Sinulyapan niya ng tingin ang matanda. Tahimik lang ito sa sulok. Nagsasalita lang ito kung may importanteng sasabihin, at kung hindi naman, nakamasid lang din ito sa bintana.Wala siyang alam sa nakaraan nito. Nakilala lang niya ang matanda noong bago pa lamang niya itinayo ang lugar na ito. May mangilan-ngilan ng mga nilalang na lumilipat dito. Nakita niya ang matanda na palaboy-laboy na animo pulubi. Ang sabi wala raw itong sariling pamilya. Kaya inimbitahan niya ang matanda na mamuhay kasama niya. Total, parehas din naman silang walang mga pamilya.Hanggang sa ilang taon ang lumipas, palaki nang palaki ang komunidad nila hanggang sa nag-suggest ang matanda na gumawa na lamang sila ng kaharian. At siya ang magiging hari. He accepted it, and together they built this kingdom. Mula noon hanggan
MASTER DID NOT EXPECT THAT TRAVELLING into the human world was this difficult. Hindi niya naranasan ang ganito kahirap noong kaya pa niyang gumawa ng sariling portal. Noong malakas pa siya. But today seemed like another case. It took almost all their energy to create a new one. The portal was designed to be opened by him and the other four guardians combined. Hindi na niya kayang gumawa ng lagusan na siya lang kaya tinulungan na siya nina Alfonso at Nachoron. Kung si Nachoron at Alfonso lamang, hindi kaya ng dalawang lumikha ng isang lagusan.He appreciated all their efforts. In times of difficulty, ngayon niya nakilala kung sino ang panig sa kanya. At kung sino ang hindi.“Huwag kang malungkot,” ani Nachoron nang magtagumpay silang makapunta sa mundo ng mga tao.They were in a darkened alley
“YOU WOULDN'T DARE,” Fantine said between clenched fists. “Nangako kang hindi mo ako kailanman isusumbong sa mga witch hunters. Traydor ka talaga, Degras. Tama ako noong sinabi ko sa sarili kong hindi ka mapagkakatiwalaan,” wika nito, at nakatiim-bagang.Nagkibit-balikat si Nachoron. “Niloko mo rin ako. Akala ko tapat ka sa mga pangako mo. Hindi talaga dapat pagkatiwalaan ang mga sinasabi mo.”Hinilot ni Master ang sintido niya. Sumasakit ang ulo niya sa drama ng dalawang ito. Parang magkasintahan na ngayon lang nagkita. At para siyang nanonood ng lovers quarrel. Mga asu’t-pusang palagi na lang nagbabangan. Kailan ba matatapos ang away ng mga ito?“Nangako ka rin sa akin noon na tutulungan mo ako, pero anong ginawa mo? Hindi mo iyan tinupad,” sumbat n