Share

Chapter 18

MARCO

"Bakit ang tagal mong lumabas? Saan ka pa ba pumunta?" bungad sa akin ni Keith pagkapasok ko ng kotse.

Kararating lang namin noong nakaraan linggo galing States. Kaagad akong nagyaya sa kanila mag-skydiving dito sa San Agustin bago sumabak sa trabaho sa kompanya. Ayaw pa sana nilang sumama. Buti na lang nauto ko ang pinsan kong si Wayne kaya ayon nagsipagsama na rin 'yong iba. Ang kapatid ko lang na si Miguel ang wala. Iwan ko kung saang lupalop na naman pumunta. Wala akong idea. Tumawag ako sa Hacienda, sabi ni Nana Rosa umalis daw. Hindi na ako nagtaka pa. 'Di naman talaga umiinit ang pwet no'n sa isang lugar lalo pa't sa probinsya. Naku, iwan ko na lang kung tumagal 'yon doon.

"Akala ko ba bibili ka ng gagamitin mo sa pag-camping? Nasaan ang binili mo?" nagtatakang sabad naman ni James.

Napangiti ako sa sinabi niya ng bigla bumalandra sa harapan ko ang mukha ng babaeng nakabangga ko kanina. Ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang sadya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status