Share

WAY XVI: SCENE OF MEMORIES

WALANG gana na nakatingin si Lorie sa pagkain niya sa hapag. Kasalukuyan siyang nasa condo unit niya. Ilang text at missed calls na din ang natanggap niya galing kay Dein at Tifany, pero maski isa doon ay hindi niya nagawang sagutin o basahin manlang. Gusto niyang makapag-isip ng maayos bago siya gumawa ng hakbang na hindi niya pagsisisihan sa huli.

Hindi niya malaman ang dapat gawin, simula pa lang ang lahat, ngunit nanghihina na agad siya. Wala siyang alam tungkol sa sarili maliban sa ala-alang pumasok sa kaniyang isipan. Tila pati ang ang kaniyang sarili ay isang estranghero na lamang para sakaniya. Tunay na edad, kaarawan, tirahan, at buong pangalan… maski isa doon ay hindi niya alam. Gusti niya mang humingi ng tulong sa iba, ngunit hindi niya magawa. Gusto niyang alamin ang lahat sa paraan na alam niya. Mahirap man at least wala nang halong kasinungalingan.

Agad na tumayo si Lorie saka nagsoot ng jack

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status