Mia's POVNagising ako at unang bumungad sa'kin ay ang natutulog na si Ace dito sa gilid ng kama. Hawak niya ang aking kanang kamay. Napatingin ako sa paligid at napansin na gabi na. Madilim na sa labas at mula dito sa aking puwesto ay makikita ko ang malayong buwan. Base sa nakakubit na dextrose sa aking kamay ay napag-alaman kong nasa hospital ako. Maingat akong bumangon, pero kahit anong ingat ko ay nagawa ko pa ring nagising si Ace. "Sorry, if nagising kita." pagpapaumanhin ko sa kaniya. Nagkusot siya ng kaniyang mga mata sabay iling, "It's fine. Kanina ka pa ba gising?" "Ngayon lang. Ilang oras ba akong tulog?" Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at nagtungo sa malapit na mesa. Nagsalin ng tubig sa mababasaging baso. "You were unconsious for six hours. About the babies, they're fine. It was good that we're able to rush you here in the hospital." bumalik siya at ibinigay sa'kin ang kinuha niyang tubig. "Uminom ka muna. You must be exhausted for hours that you were asleep." Ki
Monique's POV Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinggan nang marinig kong bumukas-sara ang pintuan ng unit na nilalagian namin. Sa ganitong klase ng oras ay hindi na ako magtataka kung si Reden or si Race ang dumating dahil ganitong oras naman sila bumabalik mula sa kani-kanilang get-a-go. "Nakabalik na po pala kayo sir, ano po ang gusto niyong kainin para sa tanghalian? Ipaghahanda ko po kayo, total patapos na rin naman ako sa aking ginagawa." sabi ko nang walang lingonan habang binabanlawan ang mga kutsara. Pero natapos na lang ako sa pagbabanlaw ay wala man lang akong natanggap na sagot na ipinagkibit-balikat ko na lang. Dumiretso siguro si Sir sa silid niya. Kumuha ako ng baso at para sana punasan iyon bago ilagay sa lalagayan nang may biglang kumuha ng baso at pamunas sa mga kamay ko. "You've worked much already. That's enough." ang kaniyang malalim at seryoso na boses ay nanunuot sa aking tenga, habang ang kaniyang natural na pang-amoy ay hinihigop ng aking pang-amoy. Sa h
Pagkaalis mismo ni Denise ay saka lang naman nagsibalik ang mga kaibigan ni Alexus mula sa airport. Sinundo nila si Jeff, Reden, Race, at ang dalawa pang kaibigan nila na nakasama nila sa Abu Dhabi. Naglalakad na palabas si Denise at nakasuot na ng hoody nang papasok naman ang magkakaibigan. Napapalingon si Jeff kay Denise, pero dahil naka hoody ang dalaga ay hindi alintana ni Jeff ang kaniyang nakita. "Finally, nakarating din!" Pahiyaw na reklamo ni Adam at patalong umupo sa sofa ng sala ng pribadong silid ni Alexus. "Jetlags are the worst." Napapahilot ng kaniyang sentido si Raven at kagaya ni Adam ay diretso din itong tumungo sa couch at tumihaya. "I'll sleep first, saka na ako maki-intriga." tinabunan niya ng kaniyang face towel ang sariling mga mata at nakatulog agad. "Ang dalawang walanghiya, hindi man lang dumaan sa taong naka-confine at diretso practice sa pagkamatay." kuda ni Reden at naglakad papunta sa kama, kung nasaan si Alexus tahimik na nakaupo at naatutok lang sa is
"Shhh" Tila isang estatuwa si Tres na hawak ng isang babae. Nakasuot ito ng itim na maskara, malinis na nakatali ang mahaba at may pagka wavy nitong buhok. Ang kaniyang mga mata ay nagmistula namang glue na nakadikit lamang dito. Samantalang ang babae ay mainam na tiningnan ang kaniyang pinanggalingan, sinisigurado kung may mga nakasunod pa. "Sino ka?" binitawan siya ng babae at tinanong. Hindi kaagad naka-react si Tres dahil tila nawili siyang titigan ito. Mata pa lang ang nakikita, pero ang klase ng mata nito ay insik ngunit matalas. Mahaba ang pilik mata at hindi naman kakapalan ang brows nito. Bumaba ang kaniyang tingin sa nakatakip na ilong ng babae, at base sa hubog no'n ay hindi rin iyon matangos, hindi naman pango, subalit katamtaman lang. Matangkad naman ito, at hindi pandak. Kung ibabase niya sa tangkad niya, ang tangkad nito ay hanggang chin niya. "I'm asking, who are you?" naiinip na usal ng babae. Napakurap-kurap siya na parang natauhan. "A-Anong sabi mo?" ginawang
Habang abala sa kaniyang problema si Alexus, sa Sicily naman ay naabala si Mia ng kaniyang mga tunay na magulang. Sadyang hindi siya nito tinitigilan at araw-araw na inabala. No matter how sympathetic they are to her, hindi pa rin talaga nagbabago ang tingin niya sa mga ito. Napaka presko pa ng lahat sa kaniya and at every time na nakikita niya ito ay nagiinit ang kaniyang mga mata dito. Kung nitong mga nakaraan ay bumisita ito na may dalang mga goods para sa buntis ay ngayon naman ay kinukulit siyang mag shopping para sa mga kagamitan ng mga hindi pa naisilang niyang anak. "How about we go shopping for baby clothes?" suhestiyon ng ni Ma'am Mirabella. Malawak ang ngiti nito at kitang-kita ang kasiyahan nito. "That'll be great, tita. Mainam na maagang maghanda habang hindi pa masyadong malaki ang tiyan ni Mia." masiglang pag sang-ayon naman ni Ace. Minsan talaga ay iniisip niya kung kakampi ba niya o kaaway ito. Masyado kasi itong jolly sa mga parents niya. It's not like she claime
Martes sa Pilipinas, nadatnan ni Kent si Alexus na nagbibihis ng damit. Isinara niya ang pintuan na nakakunot ang noo. "Are you escaping?" lumapit siya kay Alexus at diretsyahang nagtanong. "I'm not, I demand to be discharged." kasuwal na sagot ni Alexus at maingat na isinuot ang puti nitong shirt. "Pinayagan ka ba?" Ang alam kasi ni Kent ay mag stay si Alexus sa hospital ng dalawang buwan bago ma discharged. "Hindi ka pa tuloyang magaling, anytime maaaring mabinat ang sugat mo." "My problems are far more important than my wounds, marami na akong sinasayang na panahon, I can't stay bedridden and wait for bad news." Hindi kasi ugali ni Alexus ang maghintay na walang ginagawa. Tingin niya naman ay kaya na niyang gumalaw-galaw, tiyaka ang ibang mga sugat niya ay magaling na, maliban na lang sa kaniyang dibdib na matagal kung maghilom. Tumagos kasi ang kahoy no'n, at ang sugat niya ay sagad rin sa kaniyang likuran. Bali dalawa ang kaniyang tahi, isa sa likod, isa naman sa harap. Maaari
Parehong hindi inaasahan ng magkakapatid na si Spade at Alexus na magtatagpo sa bahay na iyon. Maingat na isinara ni Tres ang nakabukas na pader ng sala na pinagsabitan ng TV. "K-Kuya?" bakas ang pagkagulat sa mukha ni Spade nang makita ng buo ang mukha ng kaniyang Kuya. "Bakit ka nandito? At bakit mo kasama si dad?" Alexus bore his eyes to his younger brother, "I should be the one asking you that. How did you know this place and how come that you're here?" his voice were as cold like an ice, emotionless and strict. Napamaang si Spade kasabay ng pagkasalubong ng kaniyang mga kilay. "My sister texted me to come here." nagtataka rin dahil pagkatapos mismo ng kaniyang intern time sa hospital ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kapatid, stating na may mahalaga daw itong sabihin sa kaniya at magkita sila sa lokasyong ito. Hindi kaagad naniniwala si Alexus at ang katahimikan niya ay nagbibigay kasagutan kay Spade na nais niya ng katunayan sa kaniyang sinabi. Kaya naman, kinapa niya a
Sumapit ang gabi sa kaparehong araw ay matiwasay na nagbalik sa kaniyang mga trabaho si Alexus. Sa mga nakalipas na buwan kasi ay marami siyang naiwanan na trabaho, much more on their investments at farm business ng kaniyang mga kapatid. Kasalukuyan niya ring ka meeting ang kaniyang sekretarya na mula sa farm, ni re-report nito ang bawat detalye ng mga kaganapan sa farm simula ng absences niya. "Tungkol naman po sa pag import ng mga goods natin sa iba't-ibang rehiyon, Sir ay maayos na nai-deliver ang mga ito, so far wala pa naman tayong natatanggap na mga bad feedbacks at reklamo mga produkto natin." pahayag ng kaniyang sekretarya na ka-video call niya. "Ang sa farm naman, Sir ay maganda ang ani at tubo ng mga taniman natin. Dumadami na rin ang bilang ng ating mga niyog, rice fields, mga puno ng prutas at gulay. Nag propose nga po pala ang kabilang owner ng lupa sa farm natin Sir na ibebenta na daw nila ang lupa sa'tin." Napatigil sa kaniyang binabasa si Alexus at napatingin sa s